STAY YOUNG

101 12 0
                                    

YUNI'S POV

Pinanood namin ang mga boys namin sa dagat at naliligo. Tumatanda na sila pero walang kakupas kupas ang charm nila.

Mas nakaka magnet lamang sila ng mga babae.

"Simula na ba ang party?"

Nawala ako sa pagkakatitig ko sa mga lalake sa dagat dahil narinig ko ang boses ni Yeji. Lumingon ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses at nakita ko si Yeji na naglalakad palapit sa direksyon namin nina Ashley, Valorine, Dite at Violet.

Nag iinat pa si Yeji.

Kasama nya sina Rexa, Natalie, Lei, Margarret, Margauxe at Claire. Mga naka two piece na sila at alam kong ready na sila sa party.

"Yeah. Mamaya mag i start na." I replied.

Tumayo sila sa harap namin nina Ashley at tumitig sa mga lalakeng nasa dagat. "Oh, bakit naliligo na ang mga taong yon?" Muling tanong ni Yeji.

Dahil sa sinabi ni Yeji ay ibinalik ko ang tingin ko sa mga lalake. Tuwang tuwa silang naglalaro sa tubig at ang ganitong senaryo ay ibinabalik ako sa nakaraan.

Yung tipong maliit pa ang mga anak namin at nasa edadang bente lang kami.

Pero sa bagay, hindi pa din naman tumatanda ang pisikal na anyo namin at ganun din ang isip namin. We never grow old.

We stay young!

Tumayo ako at hinubad ang suot kong wrap dress sa akin. Hinayaan kong bumagsak ang suot kong wrap dress sa ankle ko, nire-reveal ang two piece kong suot at ang magandang hubog ng katawan ko.

"Tara, let's join the gentlemen." Pagyayaya ko sa kanila at humakbang palapit sa dagat. Humagikhik ang mga kasamahan kong babae at sumunod na din sa akin.

Sina Valorine, Dite, Ashley at Violet ay hinubad na din ang mga damit nila at nag two piece na din. Sabay sabay kaming pumunta sa dagat para makipaglaro sa mga maskuladong lalakeng yon.






IYA'S POV

Tinitigan ko ang mga ninang ko na papunta sa dagat. Kasama nila si Mommy Yeji at mga naka two piece na sila.

Dinaig pa kaming mga kabataan dito, para lamang kaming slapsoil dito sa gilid ng kalasada dahil sa kasexy-hang taglay ng mga ina namin.

Habang natanda ay hindi man lang nababawasan ang alindog ng mga taong yon. I mean, pano nila nagagawa yon diba?

"Hindi ako makapaniwala na magulang natin sila." Letizia chuckled.

Mga nakatitig lang kami sa dagat at pinapanood ngayon ang mga magulang namin na maglaro doon. Sa kilos at itsura nila ay para lamang silang mga binata at dalaga.

Yun walang iniisip na problema, they stay young.

That's why, I adore them.

Simula bata pa lang ako ay napapalibutan ako ng mga magagandang taong yon, at kahit sa pagdadalaga ko ay walang nakakapansin sa ako.

Dahil ang buong atensyon nila ay nasa ina ko at sa mga ninang ko. Etsyampwera kami at parang hindi kami nag e-exist kapag kasama namin ang mga taong to.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now