YUNI'S POV
Naupo ako sa lounge sofa dito sa sala ng Villa namin. Kasama ko dito sina Violet, Dite, Natalie, Lei, Margauxe at Rexa. Wala dito si Valorine kasi hanggang ngayon ay hindi pa kami ok, ni hindi pa kami nag-uusap.
Pinapunta ko lang dito yung mga matitino na pwedeng makatulong para sa darating na birthday ni Dillon. Mag be-bente na kasi ang isang yon, at kahit naman nawawala si Ashley ay gusto kong mai-celebrate ni Dillon ang birthday nya.
Kawawa naman yung bata hindi ba? Kaya naisipan ko na ako na ang gagawa ng surprise party para kay Dillon.
"Anong balak mo ngayon?" Narinig kong sabi sa akin ni Violet.
Nakatingin sila sa aking lahat, hinihintay na simulan ko ang pagpa-plano. So I parted my lips to talk, "Total naman, bente na yang si Dillon. Bakit hindi tayo mag organize ng bar party?"
"Sus. Ikaw lang naman makikinabang non." -Dite
Tiningnan ko si Dite ng masama dahil sa sinabi nya. Anong gusto nyang palabasin? Na haling na haling ako sa bar, eh ano naman kung totoo.
Tsss.
"Basta bar party ang mangyayari. Pero hindi included ang mga asawa natin. Para lang yon sa mga bagets nating anak at syempre kasama tayo." I told them.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha nilang lahat, tila ba hindi nila nagustuhan ang party na ino-organize ko. Pero alam kong mamaya ay magugustuhan din nila to. Trust me.
"Bakit naman hindi pwedeng isama ang Mr. Ceo ko?" Dite asked me again.
"Hindi talaga natin isasama yang Mr. CEO mo na yan kasi magdadala ako ng mga batang babae sa bar para naman may mapaglibangan sina Dillon at ang mga binata natin." I chuckled.
Nang sandaling sabihin ko yon ay pinanlakihan ako ng mga mata ng mga kaibigan ko. "P-Pero Yuni! Baka magalit sina Mr. President nyan." Dite uttered.
"Oo nga Yuni." -Lei
Sigh.
"Sasayaw lang naman, hindi ako kumuha ng mga prostitute. Kumbaga pampa-aliw lang yon sa kanila." I explained.
"Wag nalang kaya Yuni---" pagtutol ni Violet pero hindi ko hinayaan na maituloy nya ang sinasabi nya. Nagsalita agad ako at sinabing, "Tsaka hayaan nyo ng hindi kasama ang mga lalakeng yon. Nag invite din ako sa bar ng mga famous actor na makaka-bonding natin, pero sa VIP room tayo."
Sa pangalawang pagkakataon ay nanlake na naman ang mga mata nila at tila nabigla ko sila. Kasabay din noon ay ang pagbanat ng mga labi ko sa isang malawak na ngiti.
"Yuni magagalit si Claude kapag nalaman nya to!" Dite refused.
I shook my head, "Hindi nila malalaman yan. Basta ipagkatiwala nyo sa akin ang lahat."
Sorry Claude. Hindi naman ako mag che-cheat. Nakakamiss lang talaga na makipag hang-out sa mga kaibigan ko. Pero hindi ibig sabihin noon ay kakalimutan ko kasal na ako.
Syempre hindi ako lalagpas sa limit ko, makikipag party lang talaga ako sa mga kaibigan kong celebrity.
LETIZIA'S POV
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romansa"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...