BRAVE FATHER

75 3 0
                                    

ASTRID'S POV

Nakasilip lang ako sa bintana ng kwarto ko at pinagmamasdan ang gate namin mula dito. Doon kasi naka-park ang kotse ni Kuya Dillon.

Nandito na ulit sya at ngayon sigurado na akong makakausap na nya si Daddy Khael.

Ang totoo nyan ay kinakabahan ako sa posibleng mangyayari, pero wala akong ibang kayang gawin kundi harapin to. Para sa kapakanan ng magiging baby namin ni Kuya Dillon.

Damn. Lagot talaga ako kay na Mommy at Daddy nito.

Tahimik lang akong nakatayo dito sa tapat nang bintana hanggang sa nakita kong may isa pang kotse ang tumigil sa tapat ng gate namin katabi ng kotse ng kay Kuya Dillon. Na syang dahilan ng panlalake ng mga mata ko.

Nandito na si Ninong Ethan!

Pandalalas akong tumalikod sa bintana at tumakbo palayo. Dumiretso ako sa pintuan ng kwarto ko at lumabas doon.

Sasalubungin ko kasi sina Kuya Dillon at Ninong Ethan. Mabilis ang ginawa kong takbo, bumaba ako sa palapag na ito papuntang sala. Nang sandaling makarating ako sa sala ay wala akong inaksayang sandali, lumapit ako sa main door.

I grabbed the door handle and pulled the door open.

(Creaking door sound)

Sa pagbukas ng pintuan ay natanaw ko na agad sina Kuya Dillon at Ninong Ethan. Nandoon sila sa pathway ng garden at naglalakad papunta na dito.

Pinagmasdan ko ang tindig nila. Napaka-pormal at napakakisig. Hindi mo makakailan na anak ni Ninong Ethan si Kuya Dillon. Habang papalapit din sila sa akin ay mas bumibilis din ang tibok ng puso ko.

Until they reached me.

I was speechless. Namula ng todo ang mukha ko habanv nakatitig lang sa dalawang matangkad na lalake na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko. Nakatitig lang din sa akin ang magaganda at unique nilang mata.

"Astrid, nandyan ba si Khael at Natalie?" Narinig kong sabi ni Ninong Ethan at ibinalik nito ako sa reyalidad. Nawala ako sa pagkakatulala ko at agad na tumango rito.

"O-Opo. Nasa kusina po sila pareho." Sagot ko at pagkatapos ay, "Pasok po kayo. Tatawagin ko lang po sina Mommy at Daddy." I told them.

Tumango si Ninong Ethan. Parehas silang naglakad ni Kuya Dillon papasok. Sinamahan ko sina Ninong Ethan at Kuya Dillon hanggang sala at, "Maupo muna po kayo." Magalang na sabi ko.

Nakinig naman sila sa akin at naupo sila sa lounge sofa.

Tumalikdo na ako sa dalawa dahil kailangan ko pang papuntahin dito sina Mommy at Daddy. Ang mga binti ko ay pinagana ko at naglakad ako papunta sa kusina.

Sa bawat hakbang ko ay mas kinakabahan ako at pinangangatalan ng katawan. Ngayon palang ay natatakot na ako sa posibleng maging reaksyon ng ama ko mamaya.

Kilala natin lahat si Daddy Khael. Mainitin din ang ulo ng isang yon at napakabayolente. Kumbaga another version sya ni Ninong Ethan. Parehas silang nakakatakot.

Sigh.

Bahala na to.

Ilan sandali pa ay nakarating na ako sa sala. Nakita ko doon si Mommy at Daddy. Parehas silang nakatayo sa sink at alam kong tinutulungan ni Daddy na magluto ng lunch si Mommy.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now