MISIDENTIFICATION

85 9 0
                                    

IYA'S POV

Pinatay ni Dillon ang phone nya at tinago sa bulsa nya. Sunod ay nakita ko syang nagmadalinh humakbang papunta sa may motorbike nya.

Nandito kasi kaming dalawa ni Dillon sa may labas ng gate namin. Sumugod nalang sya dito kanina, sabi nya kasi may mga kaaway daw syang pinagbabantaan ako but it turns out na si Ninang Ashley ang babaeng tinutukoy ng kaaway nya.

"Dillon!" Tawag ko kay Dillon at hinawakan sya sa braso nya bago sya tuluyang makalayo.

Lumingon sa akin si Dillon. Sa pagharap nya ay hindi ko inaasahan na maninigas ako sa kinatatayuan ko.

Pinakita na naman kasi ni Dillon ang blanko nyang emosyon, pero ang mga mata ay nagdi-dikta ng kamatayan.

Napaka-itim ng mga mata nya, tila ba hinihigit ako nito papunta sa kawalan. Nakakapang lambot ng mga tuhod.

Hanggang sa nahuli ko nalang ang sarili kong humahakbang paatras sa kanya dahil hindi ko na makayanan ang nakakatakot na titig ni Dillon.

"Iya?" Dillon said.

Humakbang sya palapit sa akin at hinawakan ako sa braso ko. Nawala ako sa pagkakatitig sa mukha ni Dillon at inilipat ko nalang ang tingin ko sa sahig.

Nakakatakot din talaga si Dillon kahit kailan.

"D-Dillon, sasama ko." Sabi ko kay Dillon dahil nag-aalala din ako kay Ninang Ashley.

"Hindi pwede Iya. Delikado sayo---"

"Dillon! Kaya ko ang sarili ko kaya sasama ako!" Agad na sabi ko sa kanya at muli akong tumingala. Tiningnan ko muli sya sa mata nya though alam ang tingin na binibigay nya ay nakakapunit ng isipan.

"Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo Iya! You'll stay here, I can handle this." Dillon said using a lower tone in order to tame me but I quick shook my head.

I shook it violently, pinaramdam ko sa kanya ang matinding hindi ko pagsang-ayon.

"Dillon wala namang mangyayari sa aking masama!"

"Iya I said you'll stay here! Wag matigas ang ulo!" Sigaw sa akin ni Dillon na syang nagpakabog sa dibdib ko. Nagulat ako sa inasal nya at kahit na nagkakaaway kaming dalawa ay hindi nya ako pinagtaasan ng boses kahit minsan.

Tinitigan ko lang si Dillon sa harapan ko. Pinang urungan ako ng dila, ang mga mata ay namilog ng malaki at binalot ako ng takot.

Hanngang sa bumuntong hininga si Dillon na tila ba nahalata nyang natatakot na ako sa inaakto nya. Hanggang sa hinigit nya ang braso ko palapit sa kanya.

Nagdikit ang mga katawan namin. Ang malalaking braso ni Dillon ay mabilis nyang iniyakap sa akin at napatiyad pa ako sa higpit ng yakap nya.

"D-Dillon." I uttered that with difficulty. Hindi nabibigo si Dillon na paulit-ulit akong gulatin sa kilos nya. Kanina ay galit sya sa akin tapos ngayon naman ay yayakapin nya ako.

Pero ang yakap na binibigay nya ay napakainit. Punong-puno ng pangangalaga, sinamahan pa ng mabangong amoy nya.

Napakakomportable talaga ng dulot ng katawan ni Dillon sa akin. Na para bang ang sarap magpahinga sa mga braso nya at umunan sa chest nya.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now