IYA'S POV
Naglakad ako paalis sa swimming pool classroom. Pagkalabas ko doon ay naglakad lakad lang ako sa may campus at tulala sa kawalan.
Wala ng tao sa paligid kaya naman walang nakakalita sa akin na basa ang uniform ko. Nakasuot din ako ng hoodie kaya hindi gaanong nakakailang sa akin ang mag lakad-lakad.
Nang makalayo na ako ay naupo nalang ako sa isang bench dito sa garden ng school at tumutig sa lupa.
Inaalala ko ang mga nangyari sa amin ni kuya Clint sa swimming pool at sa loob ng locker room. Ang mga labi nitong naka dampi sa labi ko at ang mga mainit nitong palad na gumagala at humahaplos sa katawan ko.
Napapapikit ako ng madiin at pinamumulahan ng todo sa mukha. I even balled my hand into a fist.
Ang puso ko ay kumakabog ng malakas, mabilis na parang time bomb. Sasabog to ano mang oras sa loob ng dibdib ko, kagaya ng utak kong gusto ding sumabog sa pag iisip kung bakit ginawa sa akin ni Kuya Clint yon.
At kung bakit ginawa ko din ang bagay na yon?
Ano bang nangyayari sa akin?
Bakit natukso ako sa unang halik ng kaibigan ko. Hindi nakakatulong ang napaka gwapo nyang itsura, malaking katawan at mabangong amoy kanina.
He drives me crazy!
Tulala lang ako sa kawalan...
Hanggang sa naramdaman ko ang isang bagay na dumikit sa magkabila kong balikat. Sa pagtataka kung ako yon ay lumingon ako sa likuran ko.
Sa paglingon ko ay nakita ko ang matangkad na lalakeng nakatayo doon. Ang coat nya pala ang nasa magkabila kong balikat.
"Dillon." I uttered weakly.
Nang maibalot sa akin ni Dillon ang coat nya at dinala nya ang isa nyang palad sa itaas ng ulo ko at ginulo gulo pa ang buhok ko.
"Anong nangyari sayo---" sabi nito at nang mapagana ko ang isipan ko ay automatikong nagsalubong ang kilay ko.
Inangat ko ang isa kong kamay at dinakma ang collar nito.
"Dillon! May atraso ka sakin!" I said angrily.
DILLON'S POV
Nanlake ang mga mata ko nang biglang hawakan ni Iya ang collar ko. Tumayo sya at inilapit sa akin ang mukha nya kaya naman nagka chance na naman akong makita ang mala anghel nitong itsura.
Habang natagal ay mas gumaganda pa sa Iya.
Ang tubig mula sa basa nitong buhok ay umaagos pababa sa kilay nya, sa pisnge nya at sa labi nya. Only made her attractive.
Napangiti ako habang nakatitig kay Iya dahil kahit nag magandang loob na nga ako sa kanya ay sinusungitan pa din nya ako. Marahil ay galit na galit pa din sya sa akin dahil aksidente ko syang nabira ng bola sa mukha.
Aksidente yon ha!
Hindi ko kahit kailan tinangkang saktan ang napaka gandang nilalang na to.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...