HE DON'T CARE ABOUT HER

72 3 0
                                    

IYA'S POV

O/////O

Namula agad ng todo ang mukha ko nang sabihin ni Letizia sa amin ang bagay na yon. Ngayon ay pinang-urungan ako ng dila. Hindi ko alam ang sasabihin ko, basta tinitigan ko lang si Letizia.

Ilan sandali pa ay tumayo ang kaibigan namin ito.

"M-Mauna na muna ko." tarantang sabi nito. Tila ba wala sya sa sarili nya. Bigla nalang din tong tumakbo, ni hindi na nya hinintay ang response namin ni Astrid.

Pinagmasdan lang namin ni Astrid si Letizia na tumakbo palayo. Dumiretso ito sa main door at lumabas doon.

Tuluyan na syang nawala sa paningin namin.

"What do you think? Buntis ba ang isang yon?" tanong ko kay Astrid habang tulala sa pintuan na nilabasan ni Letizia.

"H-Hindi ako sigurado." she replied.

Shit.

Lagot ka talaga ngayon kay Ninong Cane, Letizia. Hindi pa naman alam ng mga magulang mo na nakikipag-relasyon ka na naman sa ibang lalake.

Letizia is so dead.

Tulala lang kaming dalawa ni Astrid. Parehas na hindi na makapagsalita kaya naman nabalot ng katahimikan ang paligid.
Until...

(Foot steps)

Nakarinig kami ng mga yabag ng paa sa paligid. Inilingon ko ang ulo ko para hanapin kung saan galing ang mga tunog. And it leada my eyes on the stair.

Pinagmasdan ko yon.

Hindi ko akalain na sandaling makita ko ang taong nasa hagdan ay magsisimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ang mga mata ko ay nanlake at naramdaman ko din ang pangangatal ng katawan ko.

Dahil...

Si Kuya Clint ang taong naglalakad pababa ng hagdan.

Sa bawat hakbang na ginagawa nya pababa ng hagdan ay mas tumitindi ang kaba ko. Hanggang sa ang mga mata namin ay nagtagpo.

Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya. Gusto kong malaman kung anong emosyon ang nangingibabaw sa kanya. Kung na mi-miss din ba nya ako o nagsisise sya na nakipag-divorce sya sa akin.

Pero kagaya ng dati ay blanko lang ang emosyon nya. Tulad ng palaging reaksyon ng ama nya. Hindi mo mababasa ang tumatakbo sa isipan nya. Hindi ko sya makitaan ng pagsisise.

Kaya naman iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Humarap ako kay Astrid at pinilit na ngumiti sa kanya kahit na nawalan na ako ng gana sa lahat.

Matindi pa din ang dulot na sakit sa akin ng lalakeng to. Pambihira.

"Astrid mauna na ko ha." I told her.

Tumango sa akin si Astrid at ngumiti, "Sige Iya mag-iingat ka---" sabi nito sa akin pero naputol ang pagsasalita nya nang...

"Iya!"

May isa pang pamilyar na boses kaming narinig sa paligid. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses hanggang sa matagpuan ko si Dillon. Nasa may hagdan din sya at ngayon ay nagmamadaling bumaba.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now