ACE WANTS HER BACK

95 10 0
                                    

IYA'S POV

Nakasakay ako sa motorbike ni Dillon dahil napagdesisyunan na naming umuwi nalang pagkatapos mag iskandalo ni Letizia.

Nakaangkas din si Kuya Clint sa motorbike ni Dillon dahil kotse ni Ares ang dala nila ni Ace papunta dito sa pool party. Kaso ay binitbit na ni Ares ang kotse nya pauwi kaya walang sasakyan si Kuya Clint.

Nawalan kami ng choice kundi ang sumakay parehas sa motorbike ni Dillon.

Ngayon ay napapagitnaan nila akong dalawa ni Dillon at napaka awkward sa akin ng lahat. Nakayakap ako sa bewang ni Dillon habang nagmamaneho sya at si Kuya Clint ay nasa likudan ko.

Ang dalawa nyang malaking braso ay nasa pagitan ko at nakahawak sya sa balikat ni Dillon.

Hindi ko mapigilang isubsob ang mukha ko sa likod ni Dillon upang itago lamang ang pamumula ng mukha ko. Ngayon nalang kasi ulit kami ni Kuya Clint nagkalapit ng ganito.

Ang parehas na mabangong amoy nila ni Dillon ay bumabalot sa akin. Na sa bawat paglipas ng oras ay mas namumula pa ang mukha ko. Ang puso ko ay nagwawala sa dibdib ko and I swear to god, napaka awkward nito.

Hindi naman ako dati naiilang kay Kuya Clint, pero pagkatapos na may mga nangyari sa amin ay pakiramdam ko wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.

Pero heto sya ngayon at napakalapit sa akin. Nagpapaligo ako sa init ng katawan nito, na kung pwede lang ay mag taxi nalang ako pauwi para makalayo lamang sa kanya pero paghihinalaan ako ni Dillon kung bakit maiilang ako sa kapatid nya.

Ayokong may makaungkat pa na kahit sinong tao sa mga nangyari sa amin ni Kuya Clint.





CLINT'S POV

Sigh.

Napaka awkward nito.

Nakahawak lang ako sa balikat ni Dillon habang nagmamaneho ang kapatid ko. Si Iya ay napapagitnaan naming dalawa dahil delikado kung sa likod sya pe-pwesto.

Pangdalawahang tao lamang ang motorbike na to at pinagkasya lamang namin ang sarili namin dahil iwan ko ang motorbike ko sa condo ni Ares.

Pinagmasdan ko si Iya na nasa harapan ko.

Nakayakap sya sa kawatan ni Dillon at nakasubsob ang mukha nya sa likod ng kapatid ko. Itago man nya ang mukha nya ay nakikita kong pulang-pula ang mukha nya.

Matindi pa din talaga ang ilang sa akin ni Iya pagkatapos ng mga nangyari sa amin. Sa bagay, hindi ko sya masisise. Ako yung nawalan ng kontrol at nabastos ko yata sya.

Pambihira.

Tahimik lang kaming tatlo na nakasakay sa motorbike. Pagkalipas ng ilang minuto na pagba-byahe ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Iya.

Itinigil ng kapatid ko ang motorbike sa tapat ng gate. Bumaba ako, pagkatapos ay hinawakan ko si Iya sa braso nya para alalayan syang bumaba.

Sa pagbaba ni Iya sa motorbike ay nakita ko syang tumingin sa mga mata ko. Tinitigan ko lang din sya ng blanko at sinubukan kong itago ang nararamdaman ko sa kanya.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now