INTRODUCE HIS FIRST LOVE

83 5 0
                                    

ASHLEY'S POV

"Kuya!" Malakas na sigaw ko at pandalas akong humakbang palapit sa kanya. Nang sandaling makalapit ako ay yumakap ako kay kuya. Nakaupo lang sya sa upuan nya at nakayakap sa akin.

Totoo nga ang sinabi ni Clint.

May pilay nga si kuya at sugat na mga natamo dahil sa pagligtas sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng luha ko, naaawa ako sa kanya but at the same time humahanga din ako.

"You scared me." Kuya uttered. Ang mga braso nito ay mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. Damn, I missed kuya's baritone voice.

"Mommy!"

Ilan sandali pa ay lumapit na din sa akin si Izaiah. Kahit sya ay umiiyak din, alam kong na miss din nya ako. Yumakap sa aming dalawa ni Kuya ang bunso naming anak at niyakap din namin sya ni kuya.

"Mommy! Where did you go!? Wag kana ulit lalayo samin ni Daddy please." Izaiah cried. Ang sinabi nya ay nakakadurog ng puso. Naramdaman ko kung gaano nangulila sa akin ang anak ko noonv mga panahon na nawawala ako.

"Patawad Izaiah, hindi ko din gusto mawala." Sabi ko sa anak ko at pinunasan ang mga luha nya.

"Ano bang nangyari Ashley? Sino ang mga dumukot sayo? Tsaka paanong nandito kana?" Kuya asked me.

Oo nga pala! Tungkol sa bagay na yon! Kailangan kong sabihin kay kuya ang lahat-lahat para ma-trace namin kung sino ang kalaban.

Naupo ako sa upuan at humarap kay kuya. Kinalong ko si Izaiah sa hita ko.

Nanatiling tahimik si kuya, hinihintay nya akong magsalita at ipaliwanag ang lahat. Kaya naman minabuti kong magsalita, "Kuya dinukot ako ng isang hukbo ng mga kalaban. Madami sila at alam kong may pinuno sila."

ETHAN'S POV

Kung ganun ay tama nga ang hinala ko. Maaaring isang organisasyon na naman ang kalaban namin, pero sino sila?

"Nakita mo ba ang itsura ng pinuno nila?" I asked Ashley, but my wife shook her head.

"Kuya hindi, pero nakilala ko kung sino ang isa sa mga tauhan nya at ang kaibigan nya. Si Sid ang isa sa mga tauhan! Sya ang lalakeng may gray na buhok, piercing at bungo na tattoo!" Paliwanag sa akin ni Ashley.

Hmm...

Sid.

Kung ganun ay Sid ang pangalan ng lalakeng nakahabulan ko sa may mall. Gagawin ko ang lahat para matunton sila. Nagsimula sila ng laban at papatulan ko sila sa gusto nila.

"Kuya binenta ako nina Sid sa isang negosyonte. She is Devon Hanson! Wala syang puso kuya, pinasayaw nya ako sa harap ng madaming lalake para pagkakitaan!" Ashley said as if she'll cry.

Pinasayaw?

Ang marinig ang bagay na yon ay dinudurog ang puso ko. Hindi ko alam ang sinapit si Ash sa kamay ng kalaban, pero alam kong nahirap sya at natakot ng sobra.

Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang balikat ni Ashley. Hinigit ko sya palapit sa akin tsaka niyakap ko silang dalawa ni Izaiah. I lay Ashley's head on my chest.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now