IYA'S POV
Bumaba ako ng taxi.
Ngayon ay nasa harapan na kami ng mansyon namin. Gumawa ako ng mabagal na hakbang patungo sa gate namin.
May mga street light na nakakalat sa paligid kaya kahit malalim na ang gabi ay nakikita ko ang dinadaanan ko. Medyo malayo pa kasi ang gate namin.
Patuloy lang ako sa paglalakad.
Nang...
"Huwag kang gagalaw."
O//////O
Nakarinig ako ng isang boses ng lalake mula sa likuran ko. Sa sobrang gulat ay nanigas ako sa kinatatayuan ko, lalo pa at naramdaman ko na may isang bagay syang tinutok sa likuran ko.
Hindi ko alam kung baril o kutsilyo pero maalim man sa dalawang yon ay alam kong maling kilos ay kakalat ang dugo ko sa kalsada na to.
Private property pa namin ang kalsada na to kaya naman walang masyadong sasakyan na nadaan. Ang mga bodyguard namin ay nasa loob ng gate at hindi nila natatanaw ang pwesto ko.
Damn it.
Napakamalas.
"Ibigay mo sa akin ang pera mo. Kapag sumigaw ka ay hindi ako magdadalawang isip na iputok to." Agad na sabi sa akin ng lalakeng nasa likuran ko.
Iputok?
Kung ganun ay baril ang armas na tinututok nya sa akin. Kaya ganun nalang din ang takot na nangibabaw sa akin.
"H-Here." Tarantang sabi ko at inangat ang pouch ko papunta sa likuran ko. Nararamdaman ko ang pangangatal ng katawan ko. Marahil ay namumutla na din ang labi ko.
Sino bang hindi matatakot? Ito ang unang beses na may gumawa sa akin ng bagay na to.
"IYA!"
O/////O
(Gunshot)
"Ahhh!" Napairit ako ng malakas nang biglang pumutok ang baril. Nang akala ko ay tinamaan na ang katawan ko ay nagkamali ako!
Dahil hindi ako natamaan nito!
Sa pagtataka ay mabilis kong inikot ang sarili ko para humarap sa magnanakaw. Pero sa pagharap ko ay hindi ko akalain na babalutin na naman ako ng takot sa ikalawang pagkakataon.
Dahil...
Hindi lamang ang magnanakaw ang nakita ko. Bagkos ay may isa pang lalake ang nandito. Nakikipagpalitan sya ng suntok sa magnanakaw.
Napakahusay nyang gumalaw at sa isang idlap ay napatumba nya ang magnanakaw. Nagawa nyang manalo sa laban nilang dalawa kahit na may armas ang lalakeng kalaban nya.
P-Pero paanong napunta dito si?
Si Kuya Clint?
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...