ETHAN'S POV
Pinagmasdan ko si Ashley na nakatayo sa harapan ko. Ang dalawa nyang kamay ay magka-clasp na nasa chest nya.
Nanlalake ang mga mata nyang nakatitig sa akin, ni hindi nya magawang makapagsalita na parang nagulat ko yata sya sa pagdating ko.
Pambihira, kahit saan sya makarating ay puro gulo ang dala nya. Kung hindi agad ako dumating, baka kung napaano na sya kanina.
Habang nagtititigan kami ni Ashley ay nahuli ko ang pagbagsak ng luha nya.
Only made me smile, "Layo ng abot mo ha." I said.
Naningkit ang mata nya at tuluyan ng umiyak. Binuka nya ang mga braso nya at tumakbo palapit sa akin. Binuka ko din ang braso ko para salubungin ang pasaway na yon.
Nang makalapit sa akin si Ashley ay lumundag sya sa harapan ko at yumakap sa leeg ko. Niyakap ko ng sobrang higpit ang bewang nito, sobrang higpit na parag wala na akong balak na pakawalan sya.
Natatakot ako na baka oras na makawala sya sa akin, baka mawala na naman sya. Ayoko ng maulit to, ayoko ng mawala ulit sya at kung saan saan mapadpad.
"Kuya natakot ako!" She cried.
Napahagikhik ako sa sinabi nya at marahan na yumuko para ibalik ang paa ni Ash sa ground mula sa pagkakalambitin nya sa akin. Nang oras na tumapak na si Ash sa ground ay humarap ako sa kanya.
Nanatiling nakayakap sa leeg ko ang braso ni Ashley.
"Kuya pinuntahan mo ko dito." Mahinang sabi nito habang ang luha ay patuloy sa pag-agos.
Dinala ko ang dalawa kong kamay sa pisnge nya at pinahid ang luha, "Dahil baka kumakain ka na naman ng chicken joy dito, kaya pinuntahan kita para mabantayan kita."
Humagikhik si Ashley sa sinabi ko at tumiyad. Ang dalawa nyang braso ay mas humigpit ang pagkakayakap sa akin.
Nagulat ako sa ginawa nya dahil hinalikan nya ako sa labi ko. Pero sa huli ay hindi ko natiis si Ashley at niyakap ko ang bewang nito at ulo nito upang sagutin at idiin ang halik na binigay nya.
Tila hindi nakontento ang asawa ko at hinigit pa nya ang katawan nya pataas. Ang dalawa nyang binti ay pinulupot nya sa bewang ko at hinalikan ako ng sobrang tindi.
Marahil ay namiss ako ng todo ng isang to.
CLINT'S POV
Nakaramdam ako ng pamumula ng mukha habang pinapanood ang ina kong nayakap sa ama mo at hinahalikan ito.
Ang dalawa nyang binti ay nayakap sa bewang ni Dad at si Dad naman ay nakayakap sa bewang ni Mom para suportahan ito. Ang halik na ginagawa nila sa isa't isa ay nagsasabi lamang na talagang nangulila sila sa isa't isa.
"Gayahin mo mga the moves ni Ninong Ethan para makuha si Iya." Ares said and elbowed me on the ribs.
And his words made my heart jumps. Tumingin ako sa kanya at pinanlakihan sya ng mata dahil sa sinabi nya. Kasi anong ibig sabihin nya don, may alam ba sya sa aming dalawa ni Iya!?
"Ni Iya?" -Ninong Adrian
Lalong namula ang mukha ko nang magtanong ni Ninong Adrian. Feeling ko nasa bingit ako ng bangin, isang maling kilos patay ako.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...