DILLON'S POV
Magdadalawang oras na akong nasa loob ng kotse ko. Hindi ko magawang makalabas dito at mula sa bintana ng sasakyan ko ay nakatitig lang ako mansyon ng Elacion.
Buhay na buhay ang mansion at napakadaming bisita. Hindi ko akalain na ganito kagarbo ang birthday celebration ni Astrid. Talagang mahal na mahal sya ni Tito Khael.
Ngayon ay palalisipan sa akin kung paano ko aaminin na mamaya sa magulang ni Astrid na nabuntis ko ang kaisa-isa nilang anak. Tang ina, kanina pa ako dito sa kotse ay nag pa-practice ng sasabihin ko pero hanggang ngayon ay dinadaga ako sa dibdib ko.
Sigh.
Inalis ko ang pagkakatitig ko sa mansion at tiningnan ko ang papel na hawak ko. Ito ang script na ginawa ko para hindi ko makalimutan ang sasabihin ko mamaya oras na dapuan ako ng kaba kapag sinabi ko na kay na Tito Khael at Tita Natalie na may 5 weeks old na kaming baby.
Ito ang nakasulat sa papel.
Tito Khael, Tita Natalie. Nabuntis ko po si Astrid.
Damn.
Natatakot akong makalimutan ko ang linyang to mamaya. Kailangan ay hawak-hawak ko lang ang papel na to!
Kasi baka mamaya makalimutan ko ang pangalan ng magulang ni Astrid o kaya naman baka mamaya ay makalimutan ko na nakabuntis pala ako
Hayst.
GEOFF'S POV
Tinitigan ko ang dalagang nakatayo sa harapan namin ni Ash. Kinikilatis ko kung sya nga ba si Celine.
Ang babaeng sinasabi sa akin ni Iris na kinakasama ni Fred. Napakabata nga nito at hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko sya ngayon. Pero paanong nandito sya at nagkakilala sila ni Ashley?
"Bakit nagso-solo kayo? Pwede ba akong sumali?" Hagikhik ng dalaga at naglakad palapit sa amin. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung tama bang makipag-usap ako sa kanya o kung iiwasan ko sya.
Pero si Ashley ay nag pout at nag cross arms, "Bakit nandito ka din Celine? Ininvite ka ba ni Sir. Khael o ni Natalie?" Ashley asked her.
"At sino naman ang mga yon?" -Celine
Nanlake ang mga mata ko dahil sa sinabi ng babaeng to. Hindi nya kilala ang parent ng celebrant samantalang dumalo sya sa okasyon? Ngayon ay palaisipan sa akin kung may iba bang motibo si Celine sa pagdalo dito.
"Magulang ni Astrid sina Sir. Khael at Natalie!" Paliwanag ni Ashley rito. Nanlake ang mata ni Celine pagkatapos noon na parang nakilala na nya ang taong tinutukoy namin.
Sunod ay humagikhik ito, "Oh. I see, anyways. Bakit nandito kayo at wala sa party?" She asked us.
"Nag-usap lang kami ni Geoff dito Celine. Ikaw bakit ka nandito?" Sagot ni Ashley.
Nanlake ang mga mata ni Celine nang sabihin ni Ashley ang bagay na yon. Tila ba nagulat ito. Hanggang sa ahan-dahan lumingon sa akin at tinitigan ako sa mukha ko.
Ang pamamaraan ng tingin nya ay nangingilatis. Marahil ay kilala nya ako sa pangalan pero hindi sa itsura. She's Fred's girlfriend, ano pa bang inaasahan ako.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romansa"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...