ASTRID'S POV
Nakaupo ako sa kama ng kwarto ni Kuya Dillon at buhat-buhat ko si Leona sa braso ko. Mahimbing na natutulog ang anak ko and she's really a good girl.
Umuwi na din kami dito sa bahay nina Ninong Ethan pagkatapos kong manganak sa hospital. Kasama ko dito sa kwarto ngayon si Ninang Ashley, Ninong Ethan, Kuya Dillon, Daddy Khael at Mommy Natalie.
"Sigurado ka bang gusto mong dito mag stay? Bakit hindi ka muna sa bahay natin para matutukan ka namin ng mommy mo. Kapag malakas kana, tsaka ka bumalik dito." Daddy told me.
Tumingin ako kay kuya Dillon para malaman ang opinyon nya sa sinabi ng ama ko. Nakatayo lang sya sa may tapat ng pintuan at nakasandal sa pader. Ilan sandali pa ay nakita kong iniling ni kuya Dillon ang ulo nya.
Hmm...
Ibig sabihin lang ay ayaw ni Kuya Dillon. He wanted me and Leona to stay here with him. I understand why...
Sya ang ama ni Leona kaya naman gusto nyang makasama ang anak nya.
Tumingin ako kay Daddy at ngumiti sa kanya. "Hindi na po Daddy. Dito na muna po kami ni Leona." Paliwanag ko sa kanya.
Lumumbay ang mga mata ng ama ko na alam kong tutol sya sa gusto ko. Alam kong nag-aalala sya pero sa huli ay wala na din naman syang nagawa kundi ang bumuntong hininga.
"Sigurado ka ba?" Pangungumpirma nito sa akin.
I nod my head, "Opo daddy."
"Kung ganun ay babalik nalang kami ng mommy mo dito bukas." Daddy told me and lowered his head. Dinampi ng ama ko ang labi nya sa tuktok ng ulo ko na syang dahilan ng pag ngiti ko.
May anak na ako pero hindi nabago ang pagtrato sa akin ni Mommy at Daddy. Ako pa din ang kaisa-isa nilang baby.
"See you tomorrow, baby Leona." Muling sabi ng ama ko at yumuko din ito palapit sa anak ko. Hinalikan ni Dad ang noo ni Leona bago sya tumayo muli ng tuwid.
Kasunod na noon ay ang paglapit din sa akin ni Mommy Natalie. Hinalikan ako ni Mommy sa pisnge ko at hinalikan din si Leona sa noo.
"Mag-iingat po kayo." I told them.
Tumayo din ng tuwid si Mommy at naglakad sya palapit kay Daddy. Nang sandaling nagkatabi sila ay larehas silang ngumiti sa akin. At habang pinagmamasdan ang matagumpay na pagsasama ng ina at ama ko ay...
Binibigyan nila ako ng lakas ng loob na buuin din ang pamilya ko. Yung masayang pamilya kagaya ng meron sila.
Umaasa ako na balang araw magiging masaya din ang pamilya namin ni Kuya Dillon.
ETHAN'S POV
Umalis na sina Khael at Natalie. Pero nandito pa din kami ni Ashley sa kwarto ni Dillon.
Nakatayo lang ako dito sa gilid ng pintuan at nakasandal sa pader. Naka-cross arms ako habang pinagmamasdan ang asawa ko na nakaupo sa kama katabi si Astrid.
Katabi ko din dito si Dillon at parehas kaming nakamasid sa mga babaeng nasa kama.
"Blue din po ang mga mata nya Ninang Ashley. Matangos po ang ilong nya at maputi po sya. Manipis po ang upper lips nya at makapal ang lower lip." Sabi ni Astrid at dine-describe nya ang itsura ni Leona.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
عاطفية"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...