ASHLEY'S POV
Pinarked ko ang sasakyan sa harap ng isang bar dahil dito tumigil sina Clint at Dillon.
Ang mga labi ko ay kusang ngumiti dahil sa bar naman pala pupunta sina Clint at Dillon hehe. Dapat sinabi agad nila sa akin para naman nakasama ako.
Pagka parked ko ng sasakyan ay bumaba kaming dalawa ni Izaiah. Parehas kaming nakasuot ng anak ko ng vintage nightgown. Kaya hindi kami papapasukin sa bar lalo pa at napaka bata ni Izaiah.
"Mommy?" Izaiah uttered.
Hinawakan ko ang kamay ni Izaiah. Ngumiti ako sa kanya, sya ay nakatitig lamang sa akin. Wala syang ideya kung nasaan kaming lugar.
"Halika Izaiah. Dun tayo dumaan sa bintana." Sabi ko sa kanya at akmang hahatakin na sana ang braso nito para maglakad pero...
"Ashley!"
O////////O
Narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Kuya sa paligid. Kasunod noon ay ang humaharurot nitong motorbike na papalapit na dito sa bar.
Shit.
Nasundan kami ni kuya?
"Izaiah dali!" Sabi ko sa anak ko at medyo nataranta. Hinigit ko na sya sa braso nya at sabay kaming tumakbo ni Izaiah papunta sa gilid ng bar.
Maghahanap kasi kami ng bintana na pwede naming pasukan parehas papunta sa loob.
ETHAN'S POV
Asar!
Pinarked ko ang motorbike ko at pandalas na bumaba dito dahil nakita kong tumakbo si Ashley papunta sa bar. Hatak hatak nya si Izaiah.
Alam nyang hinabol ko sya pero tinatakbuhan pa nya ako! Wala syang kasindak sindak sa akin, hindi na nakakatuwa ang ugali nya!
Tang ina, kasama pa nya ang bunso naming anak!
Huwag na huwag lang talagang may mangyayaring masama sa anak ko, dahil makakatikim ka sa akin Ashley!
CLINT'S POV
Pinanood namin ni Dillon na makipaghalikan si Ace sa isang babaeng ngayon lang nya nakilala. Napaka tindi ng halik nila at napaka tindi ng kaibigan naming to.
Hindi ko kaya ang pinaggagagawa nya.
I mean, oo nga at napaka daming babae ang naghahabol sa akin pero ang pakikipaghalikan at pakikipagtalik sa kung sino-sinong babae ay hindi ko maatim.
Mamaya ay mag ka aids pa ako.
Kung makikipagtalik man ako ay dun sa babaeng inosente at alam kong malinis. Yung babaeng handa akong pakasalan at hindi ko paglalaruan ang damdamin nya.
Hanggang sa...
Nahuli ko nalang din na nakatitig ako kay Iya habang sinasabi ko ang mga bagay na yon.
Pinagmasdan ko syang nasa isang table lang at nag-iinom. Kasama nya ang ilang kaibigan nyang babae at tawa sya ng tawa.
Habang pinagmamasdan sya ay nag i-slow ang paligid ko. Para syang isang anghel doon, napaka ganda nya kahit kailan.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...