ETHAN'S POV
"Ano Izaiah? Gusto mo ba akong kalaro?" Bianca asked her.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa mga pinagsasabi nitong si Bianca.
"Tumigil ka nga Bianca!" Sigaw ko sa kanya, pero ang babaeng to ay manatiling nakangisi sa akin. Alam mo talagang nang-iinis sya.
"What do you mean?" Sabi ni Izaiah sa mataray na paraan habang nakayakap sa akin.
I face my daughter, "Huwag mong pansinin ang sinabi nya Izaiah." I told her. Ayoko kasing pumayag sya dahil pagtatalunan namin tong dalawa na mag-ama.
Sigurado akong iiyak na naman ang anak kong to.
Hindi ako pinansin ni Izaiah sa sinabi ko at nakatitig lang sya kay Bianca.
"Tayong dalawa ang mag ro-shambo Izaiah." -Bianca
"Pwede ba Bianca!" Saway ko sa kanya.
"Uhm...Iki-kiss mo din ba ang daddy ko kapag nanalo ka?" Izaiah asked her. Tumingin ako kay Izaiah at pinagsalubungan sya ng kilay, "No way!" Sabi ko sa anak ko.
"Of course, I will your father. Kasama yon sa laro." Narinig kong hagikhik ni Bianca at natataranta na ako sa mga sinasabi nya.
Hindi ko gagawin ang gusto nya, pagtalunan na naming dalawa to ng anak namin pero hinding-hindi ako papayag na dumampi sa balat ko ang labi ni Bianca.
"Ayoko nga!" -Izaiah
O. O
Tumayo si Izaiah sa lounge sofa at niyakap ako ng sobrang higpit sa leeg ko na halos masakal nya ako. Nagulat ako sa naging reaksyon nya noong una pero sa huli ay napangiti ako.
Kasi ibig sabihin lang noon ay hindi pumayag si Izaiah sa inalok ni Bianca.
Ang mukha naman ni Bianca ay sumimangot, tinitigan nya ang anak ko at tinaasan pa si Izaiah ng isang kilay. "Bakit naman?" Bianca asked her.
Nag pout si Izaiah at mas humigpit pa ang pagkakayakap sa akin, "Bawal mong i-kiss ang daddy ko. Bawal din si Mommy at walang pwedeng kahit sino ang kumiss sa daddy ko, kundi ako lang!"
Ang mga salitang binitawan ng anak ko ay syang nakapagpahagikhik sa akin. Marahil ay nadala sya sa laro nila ni Ashley ng ro-shambo kagabi.
"Damot mo naman." -Bianca
At muli na namang nagsalubong ang kilay ko dahil kay Bianca.
Ano ba ang gusto nyang mangyari? Alam naman nya na asawa ko si Ashley, may anim akong anak at isa pa ay hindi ko ugaling lokohin si Ash.
Yun ang bagay na hinding-hindi ko kayang gawin.
Ayokong ma-involve sa kahit kaninong babae, natuto na ako sa nakaraan namin ni Ash. Para bang isang bangungot yon at natrauma na ako, takot na takot akong maulit.
Kaya hanggat maaari ay lalayo ako sa mga babaeng pagseselosan ni Ash at hindi gagawa ng ikasisira ng relasyon namin.
"Daddy ayoko sa kanya." Sabi sa akin ni Izaiah at hinawakan pa ako sa dalawa kong pisnge. Tinilt ni Izaiah ang mukha ko paharap sa kanya at nang magkaharap kami ay iniling nya ng madaming beses ang ulo nya.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...