LITTLE SURPRISE

66 3 0
                                    

CLINT'S POV

"Maupo ka muna Tara." sabi ko rito at inalalayan ko syang maglakad pabalik sa sala.

Iyak lang to ng iyak at kahit na alam kong masama ang loob nya kay Ivoe ay mahal na mahal pa din nya ang lalakeng yon. Well that's love. Nauunawaan ko ang nararamdaman nya but she needs to be strong.

Ilan sandali pa ay nakarating na kami sa sala. Parehas kaming naupo si Tara sa sofa. Ang palad ko ay nasa likod nya at paulit-ulit ko yong tinatapik. I tried to calm her.

"Tahan Tara."

"I'm sorry Clint, nakita mo pa kaming magtalo ni Ivoe." sabi nito habang pinupunasan ang luha nya. At hindi ko din mapigilang maawa kay Tara. Nasabi nya kasi kanina na alam na nya na may pagtingin si Ivoe sa ina ko, ansakit kaya non tang ina.

Sinabi ko na at mangyayari ang bagay na to once na malaman ni Tara ang kalokohan ni Ivoe. Ilang beses ko na naman napagsabihan si Ivoe pero hindi sya nagtitino, tama lang sa kanya ang maparusahan ng ganito para magtanda.

"Come on, don't cry. Lilipas din yan." Sabi ko kay Tara upang patatagin ang loob nya.

Tumingin sa akin si Tara at pinilit na ngumiti kahit na ang mga luha nya ay nag-aagusan pababa. Grabe din ang ginawang pananakit ni Ivoe sa kanya.

Pambihira.

"Thank you Clint." Tara uttered.

I nod my head, "Hindi mo naman sya kailangan iyakan. Dapat nga maging masaya ka pa kasi nawala na yung toxic sa buhay mo." paliwanag ko kay Tara.

But she shook her head, "Naging toxic din naman ako Clint kay Ivoe. Kaya siguro, mali na ipagpatuloy pa din namin ang relasyon namin." She told me.

Nakuha nya ang buong atensyon ko. Medyo nakakagulat sa akin ang sinabi nya, kaya hindi ko napigilang magtanong.

"Toxic? How?" -I

"Kagaya ni Ivoe, na-attract din kasi ako sa ibang lalake."

At sa salitang binitawan ni Tara ay muli na naman akong nagulat. Nanlake ang mga mata ko at halos masemento sa kinatatayuan ko.

I mean, shit? Si Tara? Pero napaka imposible na nag cheat sya kay Ivoe!

"Y-You mean nag cheat ka din?" Pangungumpirma ko sa kanya. Pero muling iniling ni Tara ang ulo nya at nakahinga naman ako ng maluwag.

Mabuti naman kung ganun.

"Hindi ko kayang gawin yon kay Ivoe. Mahal ko sya eh. Pero totoong nahumaling ako sa isang tao. Pero hindi ko matatawag na love yon, marahil ay natuwa lang ako sa taglay ng kaperpektohan nya." Paliwanag sa akin ni Tara habang paulit-ulit na pinapahid ang luha nya.

Nanatili lang akong tahimik at pinakinggan sya sa paglalabas nya ng emosyon.

"Mula sa tindig ng taong yon hanggang sa baritono nitong boses at kalinisang taglay. Matalino din sya at talagang hahangaan mo ang buong pagkatao nya. Ang matangos nyang ilong, pink na labi, perpektong shape ng mukha, malaking katawan at itim na iris."

O///////O

My heart speed up.

Habang pinapakinggan ang description ni Tara ay umiinit na ang mukha ko. Napapaisip ako kung sino naman ang taong tinutukoy nya.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now