ETHAN LOVE TEASING HIS WIFE

84 4 0
                                    

ASHLEY'S POV

Pinahid ko ang luha ko gamit ang palad ko habang naglalakad ako dito sa hallway ng ikalawang palapag ng bahay namin.

Hindi kasi ako patabihin nina Izaiah at kuya sa kanila, gusto nila kong patulugin sa sofa. Mga salbahe sila, galit ako sa kanila!

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko dito sa hallway. Ilan sandali pa ay nakarating na ako sa kwarto ni Clint. Kung ayaw akong patulugin nina Izaiah sa tabi nila, kay Clint nalang ulit ako tatabi!

Tumayo ako sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Clint, I lifted my hands and knocked on his door.

Naghintay ako sandali na pagbuksan ako ng anak ko, pero sa paglipas ng oras ay nanatiling nakasara ang pintuan. Muli akong kumatok, paulit-ulit pero kahit anong gawin ko ay hindi ako pinagbubuksan ni Clint.

Napapaisip tuloy ako kung tulog na ba si Clint. Marahil ay tulog na nga ang isang yon.

Wala akong nagawa kundi ang mag pout at talikuran ang pintuan ng panganay kong anak. Humakbang ako papunta naman sa kwarto ni Dillon na katabi lang ng kwarto ni Clint.

Nang makalapit ako doon ay...

(Door knocks)

Kumatok ako doon.

Hinintay ko din na pagbuksan ako ni Dillon ng pintuan pero kagaya ng kay Clint, hindi din nya ako pinagbuksan ko. I shrugged my shoulder and turn around, naglakad naman ako ngayon papunta sa kwarto ng sunod kong panganay na anak.

Kay Lincoln nalang muna siguro ako tatabi.



LINCOLN'S POV

"Wag ka ng umiyak. Baka maraming inaasikaso ang mommy mo sa Greece kaya hindi sya agad makauwi." Paliwanag ko kay Debs sa kabilang linya ng phone.

Nakahiga ako sa kama ko.

Dito nalang kasi kami sa phone nagkakausap, nag higpit na kasi sa kanya si Ninong Geoff simula nang mahuli sya na may relasyon kami ni Debs. Mabuti na nga lang at nagkakaroon pa kami ng komunikasyon ng girlfriend ko kahit na, paganito-ganito.

Hmm...

"I miss you so much Deborah." I said in a lower tone.

"I miss you too Lincoln."

"Kailan ba kita pwedeng makasama ulit?" Tanong ko sa kanya at pagkatapos ay natahimik na muli sya. Alam kong hindi nya alam ang sagot, dahil kagagalitan sya ng ama nya once na mahuli na naman kami sa ikalawang pagkakataon.

Pagkalipas ng ilang segundo na pananahimik ay pinili nyang magsalita, "Lincoln, pasensya ka na kung naging ganito tayo ha. Pero wag ka mag-alala, balang araw alam ko na matatanggap na nina Daddy ang relasyon natin. Kapag nasa tamang edad na tayo." She uttered.

Hmm...

Hindi yon ang gusto kong marinig mahal ko, ang gusto kong sabihin mo ay magkikita tayo bukas o kaya sa isang bukas dahil sabik na sabik na akong makasama ka. Napakahirap ng sitwasyon nating dalawa, pakiramdam ko ay may malaking pader sa pagitan natin.

Napakalaking hadlang para sa ating dalawa, nakakapanibago.

"Umh...Lincoln, mag ha-hang up na ko ha. Baka kasi i-check ako ni Daddy Geoff mamaya, ayokong malaman nya na patuloy pa din ang relasyon natin." She said.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now