MENTALLY ILL

93 9 0
                                    

ETHAN'S POV

Umuwi na kami ni Ashley sa bahay pagkatapos ng mga nangyari. Hindi kasi kami pwedeng magtagal doon dahil sinusumpong na naman ang babaeng to ng kabaliwan nya.

Pambihira.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay dumiretso ako sa may lounge sofa dito sa sala. Buhat-buhat ko ang asawa kong naiyak at nagwawala.

Pinapadyak-padyak nya ang paa nya at paulit-ulit akong tinutulak sa chest ko.

Nakabalot sa kanya ang coat ni Clint dahil sinira nga ng gagong lalake na nakalaban namin kanina ang itaas na bahagi ng damit nya.

"Nagagalit ka ha, pagkatapos kitang iligtas." Hagikhik ko sa kanya pero umirit ito at mas nilakasan pa ang pag-iyak.

Wala pa din syang pinagbabago. Kapag may mga bagay na gusto sya at hindi nya nakukuha ay magwawala sya ng ganito.

Naupo ako sa lounge sofa at kinalong si Ashley. Niyakap ko sya ng sobrang higpit dahil hindi napakatindi nya talagang magwala.

Pumasok na din sina Clint, Dillon, Lincoln, Felix at Kye sa loob ng bahay. Naglakad sila papunta sa harapan namin ni Ashley at naupo si sa katapat naming lounge sofa.

Pinanood nila ang ina nilang nagwawala.




"Ashley hindi ka ba nahihiya sa mga anak mo---" hagikhik ko sa kanya pero naputol ang pagsasalita ko nang...

"Daddy!"


O. O


Narinig ko ang boses ni Izaiah sa may hagdan. Medyo kinabahan na ako dahil umiiyak ang boses nito at hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

Lumingon ako doon.

Sa pagharap ko sa may hagdan ay nakita ko ang bunso kong anak na natakbo pababa ng hagdan at humahagulhol ng pag-iyak. Nakasunod sa kanya si mom at hinahabol.

Kung ganun ay si Mom ang nagbantay kay Izaiah.

Ilan sandali pa ay nakababa na ng ground floor si Izaiah at nagmadaling lumapit sa akin. Nang makalapit sya sa akin ay tumayo sya sa harapan ko at pilit na tinutulak ang ina nya paalis sa pagkakalong sa akin. Tila ba gusto ng anak kong to na sya ang maupo sa hita ko.

Pero biglang yumakap si Ashley sa leeg ko ng sobrang higpit.

Tang ina, parehas may saltik ang mag-ina ko!

"Ahh! Daddy!" Irit ni Izaiah nang mabigo syang paalisin si Ashley sa mga hita ko.

Umakyat pa si Izaiah sa sofa at yumakap din sa leeg ko habang ang isa nyang kamay ay tinutulak palayo si Ashley. Ang parehas nilang mga luha ay bumabasa sa dibdib ko at halos masakal nila ako sa yakap na ginagawa nila sa leeg ko.

Tang ina, pagminamalas ka nga naman ngayon araw. Sumasakit na din ang mga sugat ko dahil sa pagwawala nilang dalawa.



"Izaiah bakit na naman ba umiiyak ka?" Narinig kong sabi ni Clint at tumayo ito. Naglakad sya palapit sa amin at binuhat si Izaiah sa braso nya, tila ba nakakahalata na ang anak kong panganay na nahihirapan na ako.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now