ETHAN'S POV
"Ano? Ayaw mo na kumain ng balot?" I asked her.
Nag pout si Ashley at yumakap ng mahigpit sa akin. Ang mukha nya ay sinubsob nya sa dibdib ko at sa naging reaksyon nya ay hindi ko na napigilang humagikhik.
Niyakap ko din si Ashley. Nandito kami ngayon sa kwarto namin at nakahiga sa kama. Malalim na din kasi ang gabi kaya mas pinili na naming umuwi sa bahay.
"Ayoko na kuya!" She said. Iniling-iling nya ang ulo nya at pinakita ang matinding pagtutol sa sinabi ko. Kumuskos din ang mukha nya sa chest ko. "Hinding-hindi na ako kakain ng balot!" She added.
Pfft.
Cute.
Yumuko ako at inabot ang pisnge ni Ashley. Dinampi ko ng paulit-ulit ang labi ko sa malambot nyang pisnge dahil nakakagigil ang ka cute-tang taglay nya.
Mabilis na namula ang mukha ni Ash sa mga halik na binigay ko.
"Kuya!" -Ash
"Fine. Fine. Let's go to sleep." I chuckled.
ASHLEY'S POV
Nakaupo ako sa upuan at kaharap ko ang table. Kasama ko dito si Kuya, Clint, Dillon, Lincoln, Felix at Kye. Nandito din sina Adrian, Dite at Mom. Sabay-sabay kasi kaming nag uumagahan.
"Where's Izaiah?" Kuya asked me.
Tumingin ako kay Kuya nang itanong nya ang bagay na yon. Hawak-hawak ko ang kutsara ko at kumakain ako ng cereal.
"Kinakatok ko kuya ang kwarto nya, pero nakalock yon eh. Sa tingin ko tulog pa sya." I replied. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko ng cereal.
Tumahimik na din naman si kuya at kumain nalang. Tumahimik sa bawat sulok ng kusina hanggang sa...
"Daddy..."
O. O
Narinig namin ang boses ni Izaiah. Sabay-sabay kaming lumingon sa may pintuan ng kusina at nang sandaling lumingon kami doon ay nakita ko namin ang maliit na batang nakasuot ng nightgown.
Kumukusot-kusot ito sa mata nya na para bang inaantok pa sya. Humakbang si Izaiah palapit dito sa may table at kagaya ng dati ay kay kuya sya pumunta.
Yumakap si Izaiah sa daddy nya. Binuhat ni kuya ang bunso kong anak at kinalong sa hita nya.
"Tinanghali ka ah." Kuya chuckled.
Hindi sumagot si Izaiah at sinubsob lang ang mukha nya sa balikat ng ama nya. Pinag-aralan ko ang kinikilos ni Izaiah dahil naninibago ako ngayon sa kanya.
Pikit ang mga mata nito habang nakasubsob sa balikat ng ama nya.
"Izaiah, puyat ka ba?" Tanong ko rito. Pakiramdam ko kasi ay antok na antok sya.
Minulat ni Izaiah ang mata nya at lumingon sa akin. Nang sandaling nagtama ang mga paningin namin ay mahahalata mo talagang napuyat sya, lalo pa at may eye bag sya.
Pero ano naman kayang pinaggagagawa ng anak ko buong mag damag sa kwarto nya para mapuyat sya ng ganito?
"Mommy my back hurts." Izaiah said.
Nanlake ang mata ko dahil sa sinabi ni Izaiah. Inangat ko ang isa kong kamay at dinala yon sa magkabilang braso ng anak ko.
"Kuya akin na si Izaiah." Sabi ko kay kuya.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...