BE TOUGH

70 4 0
                                    

GEOFF'S POV

Inalalayan ko si Iris na maupo sa lounge sofa.  Iyak kasi sya ng iyak pagkatapos kaming pagsalitan ni Deborah ng masasakit kanina.

Naupo din ako sa tabi ni Iris at paulit-ulit syang tinapik sa likod nya. Hindi ko inaasahan na ganito iwe-welcome ni Deborah ang ina nya. Pambihira.

"Tahan na Iris. Kakausapin ko na lang mamaya si Deborah." I told her.

Humarap sa akin si Iris at iniling ang ulo nya, "Geoff paano nalaman ni Deborah ang tungkol sa first husband ko?" Iris cried.

Tungkol sa bagay na yon, hindi ko din alam. Palaisipan din sa akin yon. Kaming dalawa lang ang nakakaalam na may first family si Iris, kahit si Kuya Harry at Lei ay hindi alam ang tungkol sa bagay na yon.

Kaya paanong malalaman ni Deborah?

"Hindi ko din alam Iris pero susubukan kong ipaliwanag ng ayos kay Deborah ang lahat." Sabi ko rito.

Tumango sya sa akin at pagkatapos ay yumakap. Niyakap ko din pabalik ang asawa ko.

"Shh. Tahan na." muling sabi ko kay Iris.

Kasunod na noon ay ang katahimikan. Nangibabaw ito sa loob ng sala. Hanggang sa may isang bagay na pumasok sa loob ng isipan ko. Isang bagay na syang dahilan para kabugan ako ng malakas sa puso ko.

Mahal na mahal ko si Iris at hindi ko kayang maglihim sa kanya. Kakainin ako ng konsesya ko at hindi ako titigilan ng pag-iisip ko. Para kong magkakasakit.

I have to tell her.

"Iris." simula ko. Dahan-dahan kumawala si Iris sa pagkakayakap ko upang matingnan ako sa mukha. Nang sandaling magkatama ang mga paningin namin ay mas kinabahan lamang ako.

Pero kailangan kong tapangan. Ayokong dumating ang araw na pagtalunan pa namin ang bagay na to.

"Geoff?"

"Iris may kailangan akong sabihin sayo." I said.

Hindi nagsalita noong una si Iris at nakatitig lang sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya pero sa huli ay ngumiti sya sa akin at, "Go ahead." sabi nya sa akin.

Sensyas para magsalita na ako.

Kaya naman hinawakan ko ang dalawang kamay ni Iris. Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob na amin sa kanya ang lahat.

"Iris gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at hindi kita kayang lokohin---"

"Is it about Ashley?" sabi ni Iris nang putulin nya ang pagsasalita ko. Nagulat ako sa sinabi nito kaya nanlake ang mga mata ko. Ngayon napapaisip ako kung may alam si Iris tungkol sa mga nangyari dito noong nasa Greece sya.

Hindi ko nagawang makapagsalita. Napatitig lang ako kay Iris, tang-ina kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ilan sandali pa ay ngumiti sa akin si Iris. Inangat nya ang kamay nya papunta sa mukha ko at hinawakan nya ang pisnge ko.

"Nasabi na sa akin ni Ashley ang tungkol sa bagay na yan sa phone call noong nasa Greece ako. Hindi mo na kailangan magpaliwanag sa akin Geoff."

Pagkatapos ng mga salitang yon ay tuluyan na nga akong natigilan. Hindi ko alam kung anong ire-react ko kasi...

Kasi wala akong kaalam-alam na sinabi na pala ni Ashley ang lahat sa asawa ko! I mean kailan pa?

"Geoff." sabi ng asawa ko dahilan para mawala ako sa pagkakatulala ko. Nanatiling nakangiti sa akin si Iris at hindi ko sya makitaan ng bakas ng pagkagalit sa kabila ng mga nalaman nya.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now