ETHAN'S POV
Itinigil ko ang kotse ko sa tapat ng gate ng kompanya ni Harry. Nasa backseat si Izaiah at katabi ko dito sa drive seat si Ashley.
Inalis ni Ash ang seatbelt sa kanya at ini-stretch ang sarili palapit sa akin. Nang makalapit sya ay pinulupot nya ang braso nya sa leeg ko at hinalikan ako sa labi ko.
"Bye kuya hehe." She said.
Ngumiti ako sa kanya at nag nod. Sunod ay humarap sya kay Izaiah na nasa back seat. Tumayo si Izaiah at lumapit sa mommy nya.
Izaiah hugged her mom and she kissed Ashley's cheeks. Humagikhik si Ashley at niyakap din si Izaiah tsaka humalik sa pisnge nito.
"Bye mommy."
"Hehe didiretso nalang ako sa office ng daddy mo after work ko." Ashley said at Izaiah. Nag nod si Izaiah at muling naupo sa backseat.
Si Ashley naman ay humawak sa door handle, "Kuya papasok na ko." She said.
"Sige."
Binuksan ni Ashley ang pintuan ng kotse ko at tuluyan na ngang lumabas. Hinawakan ko muli ang manibela and I drove my car.
CLAUDE'S POV
T
inanaw ko ang kotse nina Cane na pumarada sa harapan ng Villa namin. Nandito lang ako sa may pintuan katabi si Ace.
Buhat-buhat ni Ace ang kapatid nyang si Scarlet. Tahimik sya pero ramdam ko sa kanya ang kaba. Close naman sila ni Cane dati pero, simula nang matipuhan nya si Letizia ay sumama ang trato sa kanya ng lalakeng yon.
Hindi ko naman masisise si Cane dahil pinoprotektahan lang nya ang anak nyang babae, kaya nga medyo natutuwa ako kay Ace ngayon dahil ginagawa nya ang lahat para i-gain ang tiwala ni Cane at Valorine.
Ilan sandali pa ay nakita ko na si Cane at Valorine na bumaba sa front seat. Kasunod na noon ay si Letizia mula sa backseat.
Sumulyap si Letizia kay Ace at nakita kong nag apologetic smile nya.
Mukhang malalim na nga ang relasyon ng dalawang to. Sa bagay, natutulog na nga dito sa kwarto ni Ace si Letizia diba, ano pa bang aasahan ko?
Tang ina, nakokonsensya ako. Ama din ako at may anak akong babae, kaya alam ko ang mararamdamang galit ni Cane kapag nalaman nyang nagsasama na sa isang kwarto si Ace at ang anak nya.
Sigh.
Ayoko nalang munang magsalita.
Naglakad palapit si Cane, Valorine at Letizia sa amin. Nang makalapit sila ay sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
"Where's Yuni?" Cane asked me.
"Nasa kusina, nag hahain ng lunch." Sagot ko sa kaibigan ko habang patuloy kaming lahat na maglakad papunta sa may kusina.
"Mabuti naman at nandito kayo sa bahay." Cane told me.
Nanghuhuli talaga ang isang to. Ayaw na ayaw ni Cane si Letizia para sa anak ko. Syempre, ayaw ng babaero sa kapwa babaero nya.
Parehas lamang sila ng itinatagong baho.
"Kami ang nag-imbita kay Letizia ng lunch dito. Bakit ba sumama ka pa?" Sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...