IVOE'S POV
Nasa sala kami ni Ashley at nakaupo sa lounge sofa. Nanonood kami ngayon ng horror movies, kaya dikit na dikit sa akin si Ashley.
Nakayakap si Ash sa chicken joy bucket, ang mga paa nya ay nakasampa din sa sofa at alam kong takot na takot sya sa pinapanood namin.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang buong atensyon ko ay nakay Ashley samantalang ang babaeng ito naman ay naka-focus sa T.V.
Sinamantala ko ang pagkakataon.
Inangat ko ang braso ko at dinala yon sa likod ni Ash. Habang abalang-abala ito sa pinapanood nya ay pasimple kong iniakbay sa kanya ang braso ko. Hindi napansin ni Ashley yon, syempre angsaya ko non diba.
Lumipas ang oras at nakaakbay lamang ako kay Ashley. Pinagmamasdan ko syang nakaupo sa tabi ko, at habang natagal ay nahuhulog lamang ako sa taglay nyang ganda.
Damn.
Paano ka naging ganito kaganda, Ashley Rei?
(Phone Ringing)
Nawala ako sa pagkakatitig ko kay Ashley nang biglang tumunog ang phone ko. Humarap din sa akin si Ashley dahil kahit sya ay naabala sa panood.
Damn.
Sino na naman bang aabala sa akin ng ganitong oras?
Wala akong nagawa kundi alisin ang pagkaka-akbay ko kay Ashley at dinala ang kamay ko sa bulsa ng pants ko. Kinuha ko ang phone ko doon at inangat sa harapan ko.
I looked at the screen.
Tara's calling >>>
Nakita na ang girlfriend ko ang natawag. Naku, nakalimutan ko na din palang ipaalam kay Tara na hindi ako makakauwi ngayon. Siguro kanina pa nya akong hinihintay.
Sigh.
Tumingin ako kay Ashley. Nakatingin lang din sa akin si Ash. "Shhh." I shushed her.
Tumango sa akin si Ashley kaya nginitian ko sya. Then I looked back at my phone, sinagot ko ang tawag ni Tara. I lifted the phone in my ear.
"Tara." I started.
"Ivoe anong oras ka dadating? I cooked a dinner for you." Tara uttered.
Nakaramdam ako ng kaunting guilt dahil nababalewala ko na si Tara dahil lang kay Ashley. Pero anong gagawin ko? Nawawalan na ako ng interest kay Tara at si Ashley na ang hinahanap hanap ko sa bawat oras.
Gusto ko sya palaging kasama.
"Tara I'm sorry. Hindi ako makakauwi ngayon, baka mag check in nalang ako sa isang hotel. Loaded kasi ako ngayon." Palusot ko kay Tara.
Sandaling natahimik si Tara. Marahil ay nagtampo sya kaya muli akong nagsalita, "Babawi ako sayo bukas Tara. I'm just...too busy right now." I said.
"Sige Ivoe. Basta wag mo papabayaan ang sarili mo. Kumain ka ng dinner ha."
"Copy boss." I chuckled.
Humagikhil din si Tara sa kabilang linya ng phone at muling nagsalita. "Sige Ivoe. Tatawag nalang ulit ako mamaya pag hindi ka na gaanong busy."
"Ok."
"I love you baby."
Hindi agad ako nakasagot kay Tara. Lumingon muna ako kay Ashley, nakita kong nakatitig sa akin si Ashley habang kumakain ng chicken legs.
YOU ARE READING
BUT LET ME TRY (Season 4)
Romance"You're my past, present and future. The love I never expected or even hoped for, and the one that I can't live without. The one that's become my whole world." At first, I think it's the sound of the waves crashing on the shore that wakes me up. Th...