Maaga akong nagimpake ng gamit ko. At maaga rin akong si sinundo ni Donya Ysabel sa bahay nung umagang yun. Hindi ako excited. Wala ngang kaexa-excitement tong pagmumukhang to eh. Pasukan na sa lunes. At hindi pa ako nakakapamili ng school supplies ko. -,- Hay. Hindi ako kinapos sa oras. SA PERA ako kapos na kapos. Promise. Yung wallet ko, kawawa. Wala nang makain kundi yung trenta pesos kong natitira.
Pagpasok ko sa loob ng bahay nila. Namangha ako. AS IN. Napangiti rin ako kahit kaunti lang :P Kasi hanggang hardin lang ako nung nagaway kami ni Shaley eh. :) Maya-maya. Dumating na ang halimaw sa bahay na titirhan ko.
Shaley: Oh wow! You're here! :) Welcome! Enjoy your two months stay here!
KAPLASTIKAN mo. >.<"
Lola: Shaley. Pakitulungan mo nga si Ashleen papunta sa kwarto niya.
Shaley: Yaya Yoly, pakitulungan nga po tong bisita ni Lola Mommy.
Yaya Yoly: Sige po, Ma'am.
-----
Sa kwarto.
Wow. Ang laki laki naman talaga ng kwarto nila. Ang LAMBOT ng kama. OMG :">
Yaya Yoly: Pag may kailangan po kayo, Ma'am, tawagin niyo lang po ako ah.
Ashleen: Ah. Ashleen po. Ashleen po ang pangalan ko :)
Yaya Yoly: Sige Ma'am Ashleen.
Ashleen: Ate. Ang ibig ko pong sabihin, Ashleen nalang po ang itawag niyo sa akin :)
Yaya Yoly: Bakit po Ma'am?
Ashleen: E hindi naman po ako mayaman eh :) Nakikitira lang po ako :)
Yaya Yoly: Napakabait mo, iha ;)
Nginitian ko lang siya saka siya umalis at nandito na naman si LOLA.
Lola: Oh? Okay ba tong kwarto mo?
Ashleen: Opo. Lola :)
Lola: Komportable ka ba dito?
Tumango nalang ako nang nakangiti. Ayoko nang madaming sinasabe.
Lola: Ashleen. May hihilingin sana ako sayo...
Ashleen: Ano po yun? Kahit ano po. :)
Lola: Pwede.. Pakihabaan yung pasensya mo para sa kapatid mo. Lumaki kasi sa layaw eh. Lumaking lahat ng gusto niya, nakukuha niya.
Ashleen: Susubukan ko po, Donya Ysabel.
Lola: Donya ka na naman eh.
Ashleen: Lola. Lola po. :)
Lola: Ang ganda ng pagpapalaki sa iyo ng mga magulang mo.
Ashleen: :)
Lola: Kung siguro, tinanggap ko ang nanay niyo nun, siguro masaya ang pamilya niyo eh. Kung hindi lang siguro ako naging matigas noon. Edi sana kumpleto kayo at di magulo.
Ashleen: Wala naman pong naninisi sainyo, Lola. Naiintindihan ko naman po lahat eh. Balang araw, maggng kumpleto po kami ulet.
Lola: Sana nga. SANA.
------
Pagkatapos naming kumain. Nagpresinta na ako na ako ang maghuhugas. Kawawa naman kasi si Ate Yoly eh.
Shaley: Oh? Princess Sarah? Anong ginagawa mo?
Ashleen: Naghuhugas :)
Shaley: E bakit mo ginagawa yan?
Ashleen: Tambak na kasi ng gawain si Ate Yoly eh. Tapos siya lang magisang katulong dito sa bahay.
Shaley: Who cares? Yun ba talaga ang dahilan? O nagpapa-impress ka na naman kay Mommy?
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?