Mark's POV
Kinabukasan.
Sinusubukan ko pa ring tawagan si Ashleen pero nakapatay pa rin ang phone niya. Kaya naisip kong sa school ko na lang siya kakausapin. Para mas matino pa.
Maaga akong pumasok. As in. Inunahan ko na nga sila Wendy. Hay. Sa chipapie na rin ako nagumagahan. Nagtext nalang ako kila Jayem na nauna na ako.
Hayy. Hindi ko alam. Wala akong magawa. Iniisip ko pa rin si Ashleen. Hindi ko na alam kung ano tumatakbo sa isipan niya. Natatakot na rin ako na baka bukas makalawa, maisipan na niyang iwanan talaga ako. :( Alam kong nangako kami sa isa't isa na hinding hindi mangyayari yun pero minsan, hindi ko rin maiwasang isipin na baka nga mangyari yun.. Dahil di naman IMPOSIBLE.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag iniwan niya ako. Kapag hiniwalayan niya ako. Hindi ko maimagine yung sarili ko kapag nangyari yun. Hindi pwede. </3
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako iniimik ni Mama. Masama pa rin ang loob niya sa akin at ganun din naman ako sa kanya.
Hindi ko na alam. Magulo na rin.
Maya-maya. Pumasok na ako sa campus namin. Nakita ko na rin kasi ang iba sa mga barkada ko.
Nadatnan ko silang lahat sa tambayan namin. Tahimik lang sila. Nakakapanibago nga eh.
Saktong pagdating naman nila Jayem at Wendy.
Jayem: Pst. Insan? Ano ka ba?! Bat inunahan mo kami?
Mark: Wala lang.. Trip lang.
Wendy: Lalo mo lang pinapasama loob ng nanay mo eh.
Jayem: Oo nga. Tsaka.. Natulog ka ba?
Napatingin ako kay Wendy.
Mark: Ano ba?! Dami mo namang tanong insan eh.
Jayem: Kasi laki ng eyebags mo eh.
Wendy: Syempre. Iniisip niya si Ashleen.
Nakita ko yung sabay sabay na pagtingin ng barkada sa akin. Hindi sila nakangiti. Wala lang. Nakatingin lang sila sa akin.
Lumapit ako at umupo sa isa sa mga upuan.
Mark: Ano meron? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?
Grace: Wala.. Oh ano? Musta naman paguusap niyo ni Ashleen kahapon?!
Mark: Palpak nga eh.
Lance: Palpak?!
Mark: Hindi kami nagkausap ng maayos.
Grace: Anong ibig mong sabihin, Mark? Hindi kayo nagusap?
Mark: Nagusap.. Pero.. Galit siya.
Grace: Ha? Bakit daw?
Mark: Narinig niya kasi yung sinabi ni Mama tungkol sa kanya.
Grace: Teka lang? Wait...
Para yatang meron akong hindi nalalaman? Tinignan ni Grace si Wendy at si Jayem.
Mark: Bakit? Meron ba akong hindi nalalaman?
Napatingin sa akin si Grace at hindi ito makaimik. Hanggang sa tinignan ko na sila isa-isa pero nagkakatinginan lang sila lahat.
Mark: Anong nangyayari?!
Wala pa ring umiimik.
Mark: GUYS. Anong namgyayri? Anong meron?!
Wala pa ring nagsasalita kaya nainis na ako. >.<"
Mark: ANO BA?! WALA BANG SASAGOT SA TANONG KO?
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Roman pour AdolescentsLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?