Chapter 28: Bonding with my bestfriend

768 7 0
                                    

Grace's POV

Gusto ko lang naman ma-solo ulet si Ashleen. Lagi na kasing na kay Mark eh. Nakakatampo rin kaya minsan. Bakit pa kasi kailangan niya ng best friend na lalaki? Eh ok namn ako ah? Hindi nga lang talaga ako nakkatulog tungkol sa love life niya pero I'm trying my best naman para di na siya masaktan . Hindi ko naman alam talaga kung pano ko siya macocomfort kapag umiyak siya dahil sa lalaki. Hindi ko pa kasi naranasan eh. NBSB kasi eh. Never been in love. As In. Mga crush ko, puro mga celebrity.

Yung kay Paul ngayon? Nanliligaw siya. Hindi naman siya nag-ask ng permission ko pero hindi ko na siya pinigilan. Gusto ko kasi maranasan kung paano yung nararamdaman nila Ashleen kapag nililigawan sila. Naalala ko nun, nung nililigawan palang ni Xander si Ashleen, ang saya saya ni Ash. E halos mabugbog na nga ko nun kakahampas niya kapag kinikilig siya. Ako? Medyo masaya naman ako. Hmmm. Hindi lang showy.. Pero masaya ako. Kasi may nag-eeffort para saken. Yun naman yung gustong maramdaman ng bawat babae db? Kaso sabi nila... Lahat daw ng simula, MAGANDA. Yung iba, tuloy tuloy na, hindi na nagtatapos, Forever na.. Pero kapag nasaktan ka, isipin mo nalang, lahat ng MALI, Natatapos.....

[Bahay nila Ashleen]

Lumabas si Ashleen at nagulat ako sa suot niya. Napahawak tuloy ako sa bibig ko.

Grace: Oh..My...God!!

Ashleen: Ano? Bakit?

Grace: Ashleen? Ikaw ba yan?

Ashleen: Grace. Mag aalas-singko na. Gora na! May curfew pa ko nuh!

Lumabas siya ng gate nila at napalo ko siya sa pwet. SEXY eh! Naka short shorts tapos hanging blouse tapos naka heels at shoulder bag. Dalagang dalaga na!!

Ashleen: Aray Grace! Masakit ah?

----------------------------------------------

Nagpunta na nga kami ng Robinson's. Hanggang dito lang muna. Haha! xD Wala masyadong budget eh. 2K palang naiipon ko. Lol! 

Inikot namin buong second floor ng mall. Puro mga damit at footwear kasi ang mga andun. Si Ashleen, sabe nya walang pera, nakita ko wallet niya may 5,000. Marunong din palang mag ipon to ah? Siguro baon niya to mula pa nung June. Kaya pala, pili ng pili. Mahilig talaga siya sa dress nuh? Mga Floral Dress ang pinipili niya ehh.. 450 pesos. Maganda naman yung napili niya. As usual, gusto niya may touch ng purple. Hindi naman nawawala ang purple sa lahat ng pipiliin niya. Pumili na rin ako ng akin. First time kong mag dre-dress bukas... I mean.. AFTER 100 YEARS, ngayon lang ulet ako makakasuot niyan! Cocktail dress yung pinili ko eh. Si Bestie pa rin ang pumili para saken, expert yun ehh. Alam niya kung ano ang bagay at hindi :P

Ashleen: No! Hindi bagay sayo yan, masyadong mahaba, pandak ka na nga, gusto mo pang ipamukha.

Grace: Ang sama mo ah! Akala mo naman sinong katangkaran dito eh,

Ashleen: Halika, dun tayo. Dali.

Yan. Puro insulto naririnig ko ah?! Pero di naman ako na-ooffend. Ayus lang :) HAHA! Sadyang ganto lang kmi ni Ashleen. Walang personalan.

Grace: Eto, besh. Maganda db?

Maganda naman talaga yung napili ko this time.

Ashleen: Yeahh.. Pero wag yan! Masaydong mahaba! Magmumukha kang unano.

Whutttt?! Mahaba na ba yun? Ayoko ng masyadong maiksi ehhh. At yun nga! Kainis! Pinili nga niya yung hindi pa lumalampas sa tuhod ko. Gusto ko kasi lampas ehh ,_, Pero sige, Best Friend knows BEST.

Pagkatapos nun ay sa mga sandals naman kami. Pinipili ko yung mga flat doll shoes.

Ashleen: No! Wag yan! Wear something new, bestie.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon