Ashleen's POV:
Flashbacks:
"Ah. First Monthsary ata nila ngayon kaya sila nag-date" -Grace
"Balita ko nga, si Mark na mismo ang nagsabi na nakamove-on na siya sa iyo... Kinalimutan ka na daw niya" - Grace
"Hindi ka na daw niya mahal...." -Grace
Ito ang paulit ulit na tumutunog sa isipan ko habang sinusuklayan ko yung buhok kong pagkahaba-haba.
"KASALANAN MO TO" Sabi ko sa kaharap ko.
"Kasalanan mo kasi to. Pinakawalan mo kasi tapos ngayon.. masasaktan ka?"
Nakita ko yung nangingilid na luha ng babaeng yun.
"Oh. Wag kang iiyak. Kasalanan mo yan" Pero hindi na niya napigilan. Napaiyak siya. Kitang kita ko yung sakit na nararamdaman niya sa mga mata niya. Punong puno siya ng pagsisisi sa puso niya.
Kaya mahal na mahal ko ang salamin ko. :( Sa kanya ko lang nakikita ang sarili ko. Hay. Halos hindi na ako makapagsalitasa kaiiyak. Kung bakit ba naman kasi ang tanga ko eh? Hindi nagiisip. Tsk.
Hindi maalis sa isipan ko nung nakita ko silang magkahawak kamay. Nung nagyakapan sila. Nung nagtawanan at kung gaano sila kasaya.
Kasi dapat.. AKO YUN. Dapat ako yung nagpapasaya at nagpapangiti sa kanya.
Hindi ibang tao. Hindi ibang babae. Hindi si Wendy....
Dapat..si ASHLEEN yun. Dapat ako lang yun.. Pero anong magagawa ko? Siya na e. Iba na.. Hindi na ako...
--------------------
Bandang alas-tres ng hapon, binalak ko munang magpunta sa sports center kung saan ako nagprapractice ng volleyball noon.
Alam kong doon lang ako makakapaglabas ng sama ng loob. Nag suot ako ng gym shorts at gym shirt. Itinali ko ang buhok ko ng pagkataas taas. At nag warm up saka ako nagsimulang humawak ng bola.
Sa bawat hataw ko sa bola, may kasamang galit, inis, sama ng loob at panghihina. Halo halo na. Alam kong hindi mawawala lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan nito pero ang BOLA lang ang makakaintindi sa sitwasyon ko ngayon.
Pati ang mga tao na nasa tabi ko kanina, nawala na. Natakot siguro. Ewan. Wala na akong pakielam. Basta.. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Hanggang sa wala nang natirang tao. Sa bagay... Alas otso na ng gabi... Magsasara na ito, maya maya. Pagod na pagod ako. Napaupo ako sa sahig at naalala ko na naman kung bakit ako nandito ngayon. Napaiyak na naman ako. Kinuha ko ulit yung bola sa tabi ko at inihagis iyon ng malakas sa pader. Tsaka ako ulit napahiga sa sahig at tinakpan ko ang buong mukha ko. Nang may biglang nagsalita....
"Wag sa ganitong paraan"
Kilala ko ang boses na iyon. Kilala ko kung sino yun. Kaya napatingin agad ako sa kanya.
Iniabot niya ang kamay niya sa akin para itayo ako. Seryosong seryoso ang mukha niya at ang mga mata niya.. hindi iyon makatingin sa akin.
Nagpatayo naman ako.
Binigyan niya ako ng face towel at bottled water.
"Ikaw nalang mag isa dito. Mag ayos ka na at umuwi ka na."
Pinulot niya ang sampung bola ng volleyball at inilagay iyon sa basket.
"Gabi na. Baka hinahanap ka na nila tito at tita"
Hindi ako makaimik. Hindi ako makapaniwalang andito siya ngayon sa harapan ko.
"Ibabalik ko na to sa counter. "
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?