Chapter 125: UNDAS

266 3 3
                                    

Welcome home sa aming lahat.

Salamat at hanging San Juan na ulit ang nalalanghap ko. Gabing gabi na kami nakauwi kagabi kaya tinanghali na kami ng dating sa probinsya.

Ang sakit pa rin ng pisngi ko. Tinignan ko nga sa salamin, medyo mapula pa rin. Nagkapasa pa yata? Wag naman sana uh. Mahahalata to nila mama e.

Ang awkward kagabi. Walang nagiimikan sa Van. Sa tindi ba naman ng mga eksena eh...mabuti nalang sumama si Wendy sa amin sa pagluwas.

Isa isa kaming hinatid sa mga bahay namin. Nauna si Grace, sunod si Paul, sunod si Lee, si Lance tas si Luis. Kailangan ko pa ba talagang sabihin kung ano ang pagkasunodsunod? Hahahha. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit masyado ako makuwento.

At syempre. Sunod ako. =)

"Bye, Ashleen. Ikumusta mo nalang ako sa Mama mo, iha." Pagpapaalam sa akin ni Tita habang bumababa ako ng kotse.

"Thank you, Tita ha."

"No problem, iha. Take Care."

Bumaba rin si Mark para kuhanin yung mga bagahe ko sa likod. Tinignan ko si Wendy pero hindi siya tumitingin sa akin. Pati rin si Jayem. Hay. Ewan? Oo na. MALI NA KAMI ni MARK. Pasensya na, nagmamahalan lang naman. Corny na cheezy.

Pero aminado naman akong hindi tama yung ginawa namin ni Mark. Kaya buong puso kong tinatanggap tong sampal niya sa akin kasi tama lang yun nuh.

"Salamat.." Sabi ko kay Mark nang maibaba na niya lahat ng gamit ko.

"Tawagan nalang kita mamaya. Pahinga ka, loveyou." Mabilis niyang sinabi sa akin saka pumasok sa loob ng kotse.

Napailing nalang ako saka pumasok sa loob ng Acienda.

Pagpasok ko, sinalubong ako ni Ate na nadatnan ko sa salas chillin' with her beloved Bestfriend Lea... And ALLEN?

"Sisterrrrr!! You're here!!!" Maarteng pagsalubong sa akin ng ate ko sabay yakap sa akin.

Parang 3 araw lang naman ata akong nawala?

"Hello Ashleen.." Nahihiya pang bati sa akin ni Lea. Siguro iniisip niya yung nangyari noon sa Canteen.

"Akala ko ba one week?" Tanong naman ni Allen.

"Ehh.. Wala.. Napaaga." Maikling sagot ko.

Para nga akong lantang gulay nung humarap ako sa kanila. Hay. Tinatago ko kasi yung pisngi ko sa kanila kaso FAIL.

"Teka.. A..anong nangyari sa pisngi mo?" Tanong ni Ate.

"Ha? Ano.. Wala.. Wala lang to.." Pagdedeny ko habang tinatapik tapik ko yung pisngi ko.

Nagpamewang si Ate sa akin na para bang sinasabi niyang hindi siya naniniwala sa akin.

"Omygosh. Did Mark----"

Pinutol ko na agad yung sasabihin ni Lea. Alam ko na iniisip nito e?

"Hey. NO. Hindi ako sinaktan ni Mark." Sabi ko sa kanya.

"E bat defensive?" Sabi sa akin ni Allen.

"TELL THE TRUTH, ASHLEEN." Seryosong sinabi ni Ate sa akin.

Napapikit ako at napahinga ng malalim. Pagod kasi ako tapos nacorner pa ako ng mga to. Buhay.

"Ano? Did Mark hit you?

"NO. Hindi. Ano ba naman kayo? Hindi yun magagawa sa akin ni Mark. Hindi ako kayang saktan nun."

Tumahimik sila sa aking lahat at binigyan ako ng 'TALAGA LANG HA?' look. OKAY. Payn. Mali na ako.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon