Chapter 10: He's back

887 18 2
                                    

Dahil nga sa wala akng magawa sa buhay ko at nilayasan ako ni grasyang, naglakad lakad ako. Pa ikot ikot lang ako sa buong campus. Wala kaming klase eh. Free time namin eh. Malapit na kase kuhaan ng card, syempre, busy mga teachers. Wala naman kasi silang gustng ipagawa. Sa halip na tumunganga ako sa room at maging ALONE, eto, nag eexercise ako. Lakad dito, Lakad diyan. O baka hinahanap niyo kung asan si Mark ah? Ewan ko. Hindi ko alam. Malay ko. At pake ko? Hindi ko naman hawak buhay nun kaya wag niyo siyang hahanapin saken. Kasama niya siguro barkada niya at lumabas ng campus. Gawain nila yun eh.

Habang naglalakad ako, natanaw ko yung nangingibabaw at lutang na lutang na kapangetan ni XANDER. Bitter ko ulet nuh? Wala sa mood eh. Magkakasalubong na kami kaya para akong tangang lumiko nalang. Ayoko siya makasalubng >.<  Bakit ba ganun? Kapag nasimulan ko ang araw ko na panget, sunod sunod na? Hanggang buong araw, pumanget na naman.

Maya-maya. Bigla kong narinig na may tumatakbo sa likod ko papalapit saken. 

 Xander: Ashleen..

Hinabol pa ko? Ano na naman problema neto? Nakakainis. Bat ba dito pa ko sinundan? Kami lang tao ditoooo eh >.<

Ash: Oh?

Xander: Pwede ka ba makausap?

E kung sabihin ko kayang HINDI? Tatanong pa kase eh kinakausap na nga niya ko.

Ash: Oh? Ano nga?

Tinignan ko siya. Mata sa mata. Pero.. May mali yata sa kanya ngayun? Nangingilid yung luha niya. Mamasa masa yung mata niya. Namumula pa. Nangyare dito? Hindi ko alam. May sama pa rin ako ng loob sa kanya pero hindi ko napigilan sarili kong magtanong sa kanya kung bakit.

Ash: A--anong nangyare?

Xander: SORRY :'( (sabay yakap kay Ashleen)

Nagulat ako. Umiiyak lang siya. At hindi ko alam kung bakit? Nagbreak kaya sila ni Shaley at napagtanto na niyang nagkamali siya sa ginawa niya? Tapos babalik na siya saken? NO WAY! I'm not that stupid. Pero sbrang higpit ng pagkakayakap niya saken. Hindi na nga ko makahinga eh. ANO BA KASI? BAKIT? ANO BANG MERON? Tinanggal ko pagkakayakap niya saken. Matagal tagal din yun ah.

Ash: Uy. Ano ba kasi talagang nangyare? Ha? Xander?

Sorry. Pero talagang nagaalala pa rin ako para saknya.

Xander: Ashleen. Mahal pa rin kita....

Tumigil ang takbo ng isip ko sa mga oras na yun. I don't wanna believe him. Pero bakit siya lumuluha? Why did he hug me while crying so hard? Pakiramdam ko.. the tears that rolled down his eyes were true. It comes from deep within his heart. I have never seen Xander cry like this. He never cried in front of anyone.Ang higpit ng pagkakayakap nya saken. Kung mahal niya ko? Bakit may Shaley? Bat mas pinili niya si Shaley? Bakit pinagpalit niya ko? Gulong gulo ako. Parang nung sinabe niya saken yung mga katagang yun, bumalik yung pagmamahal ko para saknya. Tanga ko nuh? i've never changed yet. Stupida pa rin pala ako. I've never learned my lessons. Kasi nga tanga ako.

Ash: Ha? Ano? Itigil mo nga kalokohan mo. (Pag iwas ko at pagpipigil ko sa nararamdaman ko)

Gustng gusto ko na sakayan. Gusto ko nang sabihin. Sige tayo nalang ule. Pero pag ginawa ko yun? May mapapala ba ako? Would I end up doing the right thing? Apparently, NO. Pinipigilan ko talaga ang sarili ko. 

Ash: Mauna na ako. Balik na ko sa room namin.

Pero pinigilan ako ni Xander.

Ash: Kaya kong iwan si Shaley para sayo.

Did he really tell that? Hindi yata kakayanin ng konsensya ko na ako ang maging dahilan ng paghihiwalay ng dalawang magkasintahan. Hindi naman ako ganun kasama. Nasasabe kong ganun minsan pero I NEVER MEAN IT. Hindi ko sineseryoso at hindi ko tintotoo. Hanggang sa isip ko lang.  Gulong gulo na talaga ako kaya.. umalis nalang ako. 

Bumalik na nga ako ng room at umupo sa desk ko. Kita ko yung mga kaklase ko. Ang sasaya nila. Nag jajackstone, nag bi-B-C-Apple,Ten twenty,may nagkwekwentuhan, past the message.. Sarili sariling trip lang nila yan. Ganyan sila kasaya. Sana ako rin.. KASI naman eh. >.< Sineseryoso ko kasi lahat ng bagay? E kung makisali na kaya ako sa kanila?

Pero balisang balisa pa rin ako. Magulo the talaga ang isip ko eh. I'm a mess. Hindi ko matanggal sa isip ko yung sinabi ni Xander kanina eh. Gusto ko na nga i-share kay Grace pero kakaaway lang namin kanina. Mainis pa yun lalo saken at.. masaya naman na siyang naglalaro ng ten-twenty dun eh. Daig pa kasi niya nanay ko kung magalit saken.Nakita kong dumaan si Mark sa harap ko. Di man lang ako pinansin? Samantalang halata naman sa aking may problema ako. Ano ba yan? Dinaanan lang ako ng 'Best Friend" ko na inaasahan kong mag cocomfort saken. Nakakatatlong daan na siya. DEADMA lang. Pinansin ko na nga.

Ash: Mark!

Lumingon lang siya. Yun lang. Tapos naglakad na ule siya. Problema nito? Nakikisabay pa eh.

Ash: HOY! Ang tindi mo naman. Parang wala kang pake ah?

Wala pa ring imik. Tuloy tuloy lang siya sa paglakad. Sinundan ko nga.

Ash: Hoy! Ano ba?! Pinapagod mo ba ko?

Hay. Salamat. Tumigil din sa paglakad.

Mark: E sino ba kasing nagsabe sayo na sundan mo pa ko?

Galit yata? Mainit ulo?

Ash: Hoy. Kung galit ka at mainit yang ulo mo, pwede ba? Wag mo kong idamay. May problema rin ako. At wala rin ako sa mood kaya wag kang makipagsabayan saken.

Mark: Sige. Simula ngayon. wala nang pakeelamanan ah? Wala akong pake sayo at wala ka na ring pake saken. Kung galit ako? PAKE MO?

AHHHH. Masungit ah? Pero nasaktan din ako dun ahh. Ano yun? Ganon nalang yun?

Ash: Ang sama naman ng ugali mo!

Mark: Hindi masama ang ugali ko.

Ash: Akala ko pa naman BEST FRIENDS tayo.

Mark: Akala m hindi ko nakita?

Ash: Ang alin?

Mark: Nagyakapan kayo di ba?

Huh?! Ang dami kong tanong sa isip ko! Ang dami dami talaga! Bakit nagagalit siya? E ano naman? ano naman ngayun kung yinakap ako ni Xander? Gulong gulo na ko. Mag eexplde na ata ako -_- !!

---------------------

Pag uwi ko sa bahay.. may text saken si Xander..

*X*: Hi?

-- 

Hindi ko nalang nireplyan. Kailangan pigilan ko to.

Maya maya. Nag vibrate ule. Si Mark naman!

Mark:So? Kayu na ule?

Ash: Ano? Hindi nuh!

Mark: Hindi? May hindi bang nagyayakapan?

Ash: Anong yakapan ka dyan! E hindi ko naman siya yinakap ah!

Andun pala siya nun? Di ko napansin ah. Baka andun din si Shaley. Kinakabahan ako.

Mark:Tlaga? Kahit 2 mins. & 33 seconds kayong nagyakapan?

Talaga? Inorasan pa niya? Nag stopwatch?

Ash: E siya lang talaga ang yumakap saken. PROMISE.

Mark: Gusto pala..

Ash: FYI. Hindi ko ginusto yun! Nabigla ako!

Mark: 2 mins. & 33 secnds. Yan ba ang hindi ginusto?

Ash: KUNG AYAW MO MANIWALA! WAG MO!

Nakakainis na eh. Tsaka bat siya ngagalit? Duhhh. Ano ko ba siya? At isa pa. Hindi ko kailangn magpaliwanang saknya.

-------------------

Sana magandahan kayo sa takbo ng istoryang to! Magbasa pa kayo at subaybayan to ha?! SALAMAT! VOTE & COMMENT rin kayo :) And please fan me if you like my story! :) Hope you love it! Muahhh! :*

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon