Chapter 104: Mahal kita

454 2 0
                                    

Sinimulan na akong ayusan ni Mama. Siya na ang nag ayos sa akin. Nakakatouch nga e? Akalain niyo yun. Dati, kay baklush pa ako nagpaayos.

Mama: Ang ganda ganda mo na anak. :)

Ashleen: Ma.. Yung simple lang a..

Mama: Oo. Eto naman.. Alam ko na yung gusto mong ayos nuh.. Parang di mo naman ako nanay..

Ashleen: Good :)

Mama: O.. Okay lang ba kahit...

Ashleen: Kahit wala si Mark? Sus. Nagawa ko naman noon kahit wala siya noon. Bat hindi ko magagawa ngayon? Tsaka Ma.. Parang yun lang naman.. Bakit hindi magiging okay?

Mama: Okay lang ba kahit dagdagan ko ng onti yung foundation mo? Yun lang naman ang itatanong ko.. Ang dami mo pang sinasabi.

Pahiya ng bahagya.

Mama: Iniisip mo pa rin siya. Masama loob mo kasi tinanggihan ka niya?

Ashleen: Ha? Hindi nuh. Hindi a. Doon siya masaya e. Edi.. Okay di ba?

Mama: Ang plastik mo a.

Ashleen: Plastik ka dyan... Hindi a. Sige na. Dagdagan mo na. Wag makapal a.

Mama: Oo. :)

Katulad nga ng palagi kong sinasabi, ayoko ng makapal na makapal, o maski medium na coverage, AYOKO. Ayoko nga ng make up e. Gusto ko yung MILD lang. Mild na mild lang kung maaari.

Nabuwibuwisit kasi ako pag makapal. Minsan mahirap tanggalin at AYOKO talaga.

Sinuot ko na rin yung gown ko na nirentahan lang naman. Pero wag ka, si Tita Lorie nagbayad ng renta. Napakaproffesional talaga ng mga Gemeniano. Pati yung mga ganitong echos, talagang pinaguusapan pa e nuh?

Kaya lang.. Naiilang pa rin ako sa nanay niya.

Ayaw sa akin nun e. Nabigla nga ako kung bakit nakuha pa nun tumuntong sa bahay namin.

At bakit kaya pumayag siyang mag escort si Mark. At SA AKIN pa a?

Grabe talaga.

Bandang alas tres nang pinasuot na sa akin ni Mama yung magandang magandang pangprinsesa na gown. =) I love it. Kulay puti. Maganda ang design at style. Pati yung heels ko, ang ganda ganda. <33 Kulay black naman. Hindi gaanong mataas. Haha. :)

Hay. Kahit ata isuot ko yun, mas mataas pa rin sa akin si Mark.

Kaso.. Hindi naman sisipot yun e.

Edi okay.

Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Paikot ikot pa ako.

Hay.

Papa: Asan na ang birthday princess ko?

Lumabas agad ako para salubungin si papa..

Papa: WOW NAMAN. :D

Ashleen: Pa? Okay ba?! :)

Papa: Dalagang dalaga ka na anak...

Ngumiti lang ako kay Papa. Natutuwa lang kasi ako :)

Lumapit sa akin si Papa at yinakap niya ako ng mahigpit.

Ashleen: Papa! Amoy araw ka!

Papa: Eto naman! Mabango naman ako a. :) Yinayakap lang kita. Baka kasi mamaya.. Si Mark na kayakap mo. Inuunahan ko lang.

Ashleen: Papa naman?! Wala na nga kami nun nuh.. Tsaka isa pa.. Di naman yun sisipot e.

Papa: Oo nga daw.. Balita ko rin, umatras daw.. Pero hayaan mo na.. (Sabay akbay sa akin)... Maganda ka naman ngayon. Magsisisi yun. O siya, tara na. Nanghiram pa ako ng Van para sa Reyna ng araw na ito.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon