Chapter 79: Always on my side.

539 1 0
                                    

Hayy. Hindi ko alam kung makakaya ko pang pumasok sa eskwelahan bukas. :( Wala na kong mukhang maihaharap. :( Sakit marinig na "PUTOK SA BUHO" lang ako. :/ :( Ang hirap hirap kapag ganun ka lang. Ang baba ng tingin sa iyo ng mga tao. Kung bakit ako pa ang kailangan magdusa sa pagkakamali ng nanay ko. Totoo yun. :/ MALI SIYA. Ang laking pagkakamali. :(

Si Xander lang pala ang maggng dahilan kung bakit magging miserable ako. DAMAY DAMAY LANG? =( Wala akong kasalanan sa hiwalayan nila. LABAS DAPAT AKO DUN. :( Nananahimik ako. :/ Bat ginaganto ako ni Shaley. :(

Nang may biglang nagtakip ng mga mata ko.

Ashleen: Mark.. Ikaw ba yan?

Tas yinakap niya ko.

Mark: Kumusta na ang prinsesa ko?

Hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya. At tumabi siya sakin. Sarap ng simoy ng hangin.... Kaso hindi ako MASAYA.

Ashleen: Bat di ka pa umuuwi? Mag gagabi na...

Mark: Ikaw? Bat di ka sumabay sa barkada? Nag aalala sila sayo.

Ashleen: .... :(

Mark: Ashleen.. Pati ba sakin lalayo ka?

Ashleen: Gusto ko lang naman mapag isa eh. :(

Mark: Hindi kita pwede iwanang mag isa.

Ashleen: ......

Mark: Best Friend mo ko di ba? Kapatid pa nga kung gusto mo? Kuya na tagapagtanggol mo? BOYFRIEND mo ko. Karamay sa lahat ng problema.. Kaya nga may TAYO eh, para hindi ka mag ISA.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ko...

Ashleen: Hindi ka ba nahihiyang GIRLFRIEND mo ko?

Umiling siya sa akin at hinawakan niya ang mga pisngi ko sabay punas ng mga luha ko.

Mark: MAHAL KITA. Mahal kita, Ashleen. Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa, kahit ano pang sabihin nila, MAHAL kita.

Maraming tumakbo sa isipan ko nung mga oras na sinabi niya yun sa akin. Napakaswerte ko dahil siya ang pinili ko.

Ashleen; Wag mo naman akong iiwan uh. :( PLEASE...

---

Mark's POV

Kitang kita ko ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha sa mata ni Ashleen. Damang dama ko yung sakit na nararamdaman niya. Ayoko siya nakikitang ganito.

Mark: Hindi kita iiwan. Hinding hindi... PROMISE KO YAN SAYO.

At yinakap ko siya agad. Niyakap niya rin ako ng mahigpit at tuloy tuloy pa rin yung pagbuhos ng mga luha niya sa mga mata niya. Kawawa naman ang Ashleen ko. :(

-------

Wendy's POV

Naisipan kong sundan si Mark kung saan siya pupunta. Iniwan niya kasi ako. Sabi niya mauna na daw akong umuwi pero nacucurious kasi ako kung saan siya pumupunta. E hindi naman niya kasama si Ashleen.

Nang sundan ko siya sa isang lugar na malimit lang ang tao, nakita ko siya at si Ashleen. Dito pala sila tumatambay na dalawa kung minsan. Kitang kita ko yung lungkot sa mukha ni Ashleen at ang awa sa mga mata ni Mark.

Ang suwerte ni Ash. Nandyan palagi si Mark para sa kanya. Maalaga at Mapagmahal ng sobra. Hinding hindi niya iiwanan si Ashleen. Mahal na mahal niya eh. Siguro, FRIENDS lang talaga ang kaya niyang ibigay sakin. SPECIAL FRIENDS. Pero hanggang dun lang siguro talaga yun. :( SPECIAL kasi ako lang naman lagi niyang kasama at kausap pag nasa bahay lang. SPECIAL kasi nasasabi niya yung nararamdaman niya sa akin. SPECIAL kasi SPECIAL eh. :( Pero mas ESPESYAL pa din si Ashleen. :( Siya yung PINAKASPECIAL sa buhay niya.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon