Chapter 31: Ang Pag Amin </3

786 6 0
                                    

Mark's POV

Natapos na rin ang Christmas party. Hindi niya ko kinikibo buong party. Bakit niya pa ko pinilit pumunta kung gagantuhin nya lang aq? Naiwan siya sa room kasi naglinis sila pero hinintay ko siya sa may malapit sa gate para di niya ko malusutan :) Andun lang ako, parang tangang patingin tingin sa paligid ligid.  Maya maya, dumaan na siya sa harap ko, tumigil naman siya tapos tinignan ako tapos dumirediretso na. Hinabol ko naman, anu ba yan! Gusto pa kasi hinahabol habol eh.. ._.

Mark: Teka lang, teka lang Ashleen.

Tumigil naman siya tapos kinausap niya yung mga ksama niya.

Ashleen: Oh sige, mauna na kayo ah. Kausapin ko lang to.

Umalis naman na mga kasama niya tapos humarap na siya saken.

Ashleen: O ano na naman ba?

Mark:Ano ang problema?

Ashleen: Noon ko pa sinasabe sayo na wala nga tayong problema. Akala ko ba okay na tayo? Di ba nagkaayos na tayo? 

Tapos tumuloy na siya sa paglakad at sinabayan ko siya.

Mark: Okay ba to? Eto ba yung tinatawag mong okay?

Ashleen:Yeppp. :)

Mark: Ano nga kase ang problema?

Ashleen: Wala nga ehh. Walaaa...

Nabuwisit ako kasi wala siya ng wala eh MERON naman kasi. Hinablot ko yung braso niya tsaka ko siya hinila, bahala siya kung mahirapan siyang maglakad, naka-heels heels pa kasi eh. Dinala ko siya dun sa lugar na walang tao. Oy! Wala akong gagawin sa kanya ah, kakausapin ko lang tong babae na to,

Ashleen: Aray ko! Aray.

Natatapilok kasi siya eh. Eh ayaw niyang sumagot ng maayos eh.

Ashleen: Aray ko! Ano ba! ;/ 

Mark: Wag mo nga ako gawing tanga?! Alam kong may problema ka eh, Ano ba yun?

Ashleen: Alam mo, para kang timang eh! Sunod ka ng sunod, tanong ng tanong, hindi kaya ikaw ang may problema?

May alam na ba talaga to?

Mark: Ikaw tong layo ng layo, iwas ng iwas, o sige? Sinong may problema saten ngayon?

Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Ashleen: Ano ba! Bitawan mo na nga ko! Masakit na sa braso!

Mark: Tumigil ka nga, sabihin mo nga saken ung Totoong problema!

Binalibag niya nalang yung kamay ko. 

Ashleen:Sinabi ko na. Paulit ulit na. Gusto ko na nga ibato sa mukha mo eh -- WA-LANG PROB-LE-MA.

Nabubuwisit talaga ako eh. Sinigawan ko siya,

Mark: Sabihin mo na saken! 

Nabigla siya sa pagsigaw ko at yumuko siya tapos mahina niyang sinabi...

Ashleen: Ligawan mo na siya...

Nagulat din ako sa sinabi niya... Deal ba namin to? Yung.... unang mainlove talo?

Mark: Ligawan ko s----

Ashleen: Ligawan mo na si Grace...

Mark: Ha?! A-anong ibig mong sabihin?

Ashleen: Tanga ka rin ba o nagtatangatangahan ka? Gusto mo malaman ang problema di ba? (tinulak si Mark) Di ba? Gusto mo malaman? O eto na! Kaya wag kang TANGA.

Mark: ...............

Ashleen: Ang manhid manhid mo kase ih. Napaka-insensitive mo.,!

Naiiyak na naman siya. Ang babaw kasi ng luha nito eh.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon