Grace's POV
Hapon na. Gusto ko sanang lumakad at gumala kaso nakakatamad na lalo na't hinahatak ng kama ang buong katawan ko. Malamig. Umuulan. At masarap matulog. Inalis ko yung siopao style na ipit ng buhok ko. I looked in the mirror at... alam mo yun? Ang ganda ko pala nuh? Kaya ba na-inlove saken si Paul? Bat ko nga ba iniisip yun? Hayy. Nahiga ako sa kama. ANG LAMIG. Ang sarap yakapin ng unan. At halos pumipikit pikit na ang mga mata ko. May biglang kumalampag sa gate namin, ang lakas. Hindi ko nalang pinansin kasi baka mga drug addict lang yun. Umuulan na nga, nakukuha pang mambulabog. At dahil, inaantok na talaga ako, tuluyan na kong nakatulog.
Nakuha ko na talaga ang tukog ko, nananaginip na nga ko eh nang may bigla ulit kumalampag sa gate namin. Mas malakas na sa kanina at talagang nainis na ko kasi nakakaistorbo sila. Hindi ba nila alam na maraming natutulog kapag ganto ang panahon? Lumabas ako ng bahay at binuksan ko yung gate.
Grace: Hoy! Sinooo ba yang walang hiyang, walang konsiderasyon na----
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Nakita ko ang bespren ko :( Para siyang baliw, sa totoo lang. Pero nakakaawa ang itsura niya ngayon. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa. At alam ko na ang dahilan kung bakit ganito ang itsura niya. Naramdaman ko na kailangan niya talaga ako ngayon. Umiiyak siya. At basang basa sa ulan. O diba? Ang lakas talaga ng topak ng best friend ko. Ang lakas ng tama sa utak.
Grace: Ashleen? Ano ba? Dito ka nga. (Hinatak ko siya papasok sa loob ng bahay)
Grace: Naghahanap ka ba talaga ng sakit? Ano bang pumasok sa isip mo para lumakad diyan sa daan ng umiiyak at walang payong? Di ka ba nahihiya na pinagtitinginan ka ng mga tao diyan?
Oo. Alam kong kailangan ko siyang damayan pero kailangan din muna niya ng sermon. Para matauhan.
Ashleen: Wala. Walang pumapasok sa isip ko ngayon . At wala namang tao sa labas eh.
Grace: Anong wala? Kailan mawawalan ng tao diyan sa daan? Yung mga kotseng dumadaan? Ano yun? Mag isa lang yun umaandar?
Ashleen: Wala akong pake. Wala silang alam.
Napailing nalang ako at yun. Kahit basa-basa siya, umupo pa sa sofa namin. Hayyy. Hindi man lang naghanap ng banyo? Dumiretso nalang ako sa kusina at pinagtimpla ko ng kape para naman mainitan.
Grace: Oh, magkape ka muna. At eto, magpalit ka muna. Pigain mo ng mabuti yung damit mo ah. Hindi ka ba hinahanap ng magulang mo?
Ashleen: Hahaha. Parang nangyare na to ah. Yung may kape. Yung may damit.
Grace: Oh? Yung nagkasakit si Mark?
Humigop lang siya ng kape at nagpalit na ng damit.
Grace: Lokaret ka na ba talaga?
Ashleen: Grace naman, pareho naman tayong babae, okay?
Grace:Si Mark ba nagpalit sa harapan mo?
Ashleen: Malamang,
Nanlaki bigla mga mata ko. Hindi ko alam kung ano maggng reaksyon ko. Seryoso ba to? Pero tumawa siya bigla.
Ashleen: Pero syempre, hindi ako nakatingin.
Grace: Hayyy. Akala ko naman kung ano na. Ano? Kumusta na ba kayong dalawa?
Alam ko naman kung ano nangyayare sa kanila pero gusto ko kay Ashleen ko mismo marinig yun. Biglang nawala yung ngiti nya.
Ashleen: Bakit? May kami ba?
.Grace: Denial Queen Ka, Ash.
Ashleen: Wala nga db? Busted na. Hindi pa nanliligaw, inayawan ko na agad agad.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
أدب المراهقينLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?