Chapter 105: Senior life

456 3 0
                                    

Good morning!

Ngiting ngiti akong gumising at excited na excited na para sa unang araw ng pasukan.

Masaya na malungkot.

Masaya kasi... HELLO! St. John na ulit ako! Malungkot kasi.. 4th year na kami. Last year na ng pagiging highschool. Time flies so fast nga naman! :( Whoo!

Bumangon ako sa kama at kinuha ko ang twalya ko saka ako pumunta ng banyo. At naligo!

Pagkatapos nun...

Syempre. Tinignan ko muna ulit yung uniform ko. Hay! Sa wakas! Masusuot na ulit kita!

Bumaba na agad ako at binuksan ang radyo.

90.7 LOVE RADIO! :)

Playing: Sa isang sulyap mo

Ashleen: Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito. Sa isang sulyap mo, nabighani ako.. Nabalot ng pag asa ang puso. <3

Pagsabay ko sa chorus ng kantang yun habang nagpriprito ng itlog.

"Good Morning"

"Mama! Gising ka na pala? :) Teka lang. Matatapos na ako dito"

Kumuha ako ng plato na paglalagyanan ng itlog at inilapag iyon sa mesa. Sumandok na rin ako ng kanin mula sa rice cooker at inihain iyon. Pagkatapos ay nagtimpla na rin ako ng kape ni Mama.

"Mama. Dahan dahan. Kakakulo palang niyang tubig"

Habang pinapasa ko kay Mama yung baso.

"Ihahatid ka daw ng Lola mo sa eskwelahan niyo. Dadaanan ka raw nila dito"

"Ha? Kahit hindi na. Malapit lang naman, Ma e. Yakang yaka to."

"Magpahatid ka na. Para naman hindi pa mabinyagan yung bagong sapatos mo."

"Hmm. Mama talaga. OO na po"

"Siya nga pala.. Mukhang masaya ata gising mo ngayon? Nu meron?"

"Ha? Wala Ma.. Syempre. First day ng school.. Dapat masaya di ba? Fresh looking? Blooming?"

"Nagkabalikan na ba kayo ni Mark?"

"Ma? Hindi. Hindi nuh. Di ba nga.. May Wendy na sa pagitan namin..."

"May nangyri bang hindi ko alam?"

"Anong ibig mong sabihin,Ma?"

"Pag nagkabalikan kayo anak.. Wag kang matatakot o mahihiyang magsabi sa amin. Ang importante lang.. ALAM namin ng papa mo."

Tumango nalang ako.

"Tara na Ma.. Kain na. Baka mahuli pa ako sa school"

"Sige.. Tara."

-----------------

Ibinraid ni Mama yung buhok ko para daw malinis akong tignan. Naglagay ako ng kaunting pulbos at lip balm. SOLVE <3

PEEP. PEEP!

"Andyan na ang Lola mo. Bilisan mo na."

Kinuha ko na agad ang bag ko at humalik kay Mama.

"Ingat, anak!"

"Opo!"

Sa Kotse.

Shaley: Hi. :) How are you?

Ashleen: Okay naman :)

Shaley: Are you ready?

Ashleen: Uh-um..

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon