Sunday.
Luwas ng Ilocos with dabarkads.
7pm.
Naiayos ko na lahat ng gamit ko na dadalhin sa byahe. Napabili pa nga ako ng mga chips para naman may mangatngat ako habang nasa kotse.
Hay. Paano na ba itech? Keri ba? Naku. Magmumukha akong guilty nito sa harap ni Wendy e. Hindi ko talaga kaya kaso....ehhhh...ang hirap sukuan ni Mark.
Mahalaga sa akin si Wendy... Mabuti siyang kaibigan kaso..... Iba talaga. Hindi ko alam.
Tumunog yung phone ko kaya binuksan ko..
"Bessy. Sa bahay na ba nila Mark magkikita kita? Hindi ko kasi alam eh. 9 kamo ang byahe di ba?"
Msg Recieved from Grace.
Rereplyan ko na sana siya kaso...FAILED. Walang load. Hay. Oo nga pala. Nakalimutan kong ibilin kay Mama na paloadan niya ako sa daan. Napakamot ako sa ulo ko.
Kailangan ko pa tuloy magpaload. Ayaw ko naman umalis ng walang kaload load. Hahaha.
Nagpaalam ako kay Ate na magpapaload lang ako saglit, sakto namang may magdoorbell.
"May bisita ka, te?" Tanong ko sa kanya.
"No? Wala naman..."
"Baka si Lea yan?"
"No... Yun? She has new friends na.."
Hindi nalang ako sumagot.
"Baka si Mark yan?"
Si Mark? Aga naman. 9 pa ah.
"Ah.. Sige ate.. Titignan ko nalang."
"Okay. Thanks."
Lumabas ako at binuksan ko yung gate. Laking gulat ko ng si Allen yun.
"ALLEN?"
"Hi Ashleen.."
"O? Nadaan ka dito? Sasama ka ba sa amin?"
"Sasama saan?"
Ay. Naalala kong hindi pala niya naabutan si Wendy.
"Kasi..yung kaibigan namin si Wendy...e..kailangan ng karamay e."
"Wendy? Yung..girlfriend ni Mark?"
Hindi ako nakasagot.
"Ah.. Sorry sorry."
"Ano ka ba? Okay lang yun... E ano nga palang pinunta mo dito?"
"E kasi...yung..yung panyo ko, na kay Shaley pa e."
"PANYO? Huh? Bakit?"
"E hindi ba niya naikuwento sayo....umiyak kasi siya eh. E ako napagbuntungan.. Ayun. Hahaha."
Naalala ko yung gabing nakipagayos ako sa kanya. Sabi ko na nga ba e, mugto yung mata niya kasi umiyak siya. Si Ate talaga, INDENIIAL. Kahit kailan.
"Ahhh.. E nasa loob siya. Gusto mo, puntahan mo nalang. Magpapaload pa kasi ako e."
"Sa..samahan na kita?"
"Huh?"
"Kung gusto mo lang naman... Baka mag away na naman kayo ni Mark e.."
"Ha? Hahahaha. Ano ka ba?! Oo naman. Sige.. Nagulat lang ako... Alam mo..wag ka nang magalala kay Mark. Nagusap na kami tungkol dun."
Sinara ko na yung gate saka kami naglakad papuntang sari sari store.
"Alam mo...suwerte ni Mark sayo..."
"Suwerte rin naman ako sa kanya e..."
"Mahal mo siya?"
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?