Chapter 19: The War

804 8 1
                                    

Mark's POV

Thursday na. Araw araw kng kinakausap si Ashleen, pinapansin naman niya ako pero hindi na kami nagkukulitan katulad ng dati. Madalas din niya kong iwasan. Papansinin nya lang ako kapag no choice na talaga. Kapag talagang naharang ko na siya.

Dun na talaga ako naghinala na baka talagang nagkikita nga sila ni Xander. O talagang merong something sa dalawa. Hindi ako iiwasan ni Ashleen ng ganun ganun lang pero alam kong para kay Xander, lahat makakaya niya kahit alam na niyang mali. Yun ang tinatawag na MARTIR.

Hinawakan ko ang braso ni Ashleen. Tinatawag ko kasi siya tapos patuloy pa ring naglalakad.

Mark: Teka nga, Teka nga.

Ashleen: Aray! Ano ba! Mark naman, ano ba yung sasabhn mo?

Mark: Ano bang nangyayare sayo? Bat mo ba ko iniiwasan? Okay naman tayo nung isang linggo ah? Db?

Tumingin lang siya saken. May iba sa mata niya. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabe at umirap. Tsaka naglakad papunta sa room. Sinundan ko siyempre.

Mark: Ashleen, ano ba?! Magsalita ka naman uh? May gusto ka bang sabihin, ano?

Tumingin lang siya ule saken. May iba talaga sa mata niya. Parang mata ng gustong mag sorry. Pero ulet. Umirap lang siya,

Mark: May nagawa ba kng mali?

Ashleen: Wala naman siguro..

Mark: O bat ganyan ka?

Ashleen: Ganito rin naman ang mangyayare kaya mas mabuti nang magkasanayan tayo.

Ano?! ._. Ganito lang ang mangyayari kapag bumalik siya kay Xander. Pero babalik talaga siya? Seryoso? Kahit tanga si Ashleen, kahit malabo na siguro, umaasa pa rin akong HINDI NIYA GAGAWIN to.

Mark: Ano?

Ashleen: Kung hindi mo narinig ang sinabe ko, problema mo na yun.

Mark: Hindi kita maintindihan, Ashleen.

Ashleen: Pag nangyare na, pag may alam ka na, maiintindihan mo rin yun. At sana nga, maintindihan mo ko.

Dun na talaga ako nagkaroon ng pakiramdam na TAMA nga ang hinala ko. Hindi ko ata kakayanin kapag marinig ko mismo mula sa kanya. Parang masakit na masaklap na hindi ko alam >;/ Parang galit talaga ang mamumuo sa loob ko pag nagkataon na malaman kong.... nagloloko sila.

Maya maya. Pumasok sa loob ng room si Shaley. Malungkot siya na may pagka-taray ang aura. Ibang iba sa mukha ni Shaley noon na nakilala ko. Na kahit may ilang problema, eh nakukuha pa ring ngumiti. Pero ngayun, may mali sa kanya. Lumapit siya samen ni Ashleen.

Shaley: Ashleen..

Nagulat si Ashleen. Parang may mali talaga sa kanila. Parang may mali kay Ashleen. Hindi siya makapagsalita nang makita nya si Shaley sa harap niya.

Ashleen: Sha.. Shaley? Bakit?

Huminga ng malalim si Shaley. May gusto siyang ibuga eh na pinipigilan niya lang. Kabisado ko ang mga ganitong babae.

Shaley: May namamagitan pa ba sainyo ni... Xander?

Nagulat ako sa tanong ni Shaley. May alam na kaya siya? Sino kayang nagsabe?

Ashleen: Ha? Wala. Walang namamagitan samen ni Xander, Shaleyyy..

--------------------------

Ashleen's POV

Naguusap lang kami ni Mark. Nang biglang pumasok si Shaley sa room. Kinakabahan na ko. Baka alam niya. Hindi ko alam. Hindi ko alam. Bakit ba napakalaking deal nun saken? Bakit.. Bakit hindi ko masabeng tinapos ko na yung kay Xander.. para tapos na lahat.. Hindi ko alam :( Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko >:( Ang tanga tanga.. tanga tanga tanga tanga ko naman :(

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon