Music Background: Di Lang Ikaw by Juris
---------
Nung yinakap ako ni Mark, wala akong ibang naramdaman kundi sakit. </3
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ako nananabik. Hindi ako masaya. Hindi ko siya niyakap. Hinayaan ko lang siyang gawin yun. Pero aaminin kong masakit talaga. Naluha pa ako.
Nang kumalas siya, nakita ko yung mga tanong sa ayos ng mukha niya. Naramdaman kong marami siyang tanong. Naramdaman ko yung paglabas ng "BAKIT" sa mga mata niya.
Nawala bigla yung ngiti na kanina'y nakapinta sa mukha niya.
Mark: Ashleen.. Ayaw mo ba?!
Hindi ako nakasagot. Sa halip ay lalo pa akong naiyak. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Mark: Ashleen....
Sambit ni Mark na parang sinasabeng "Ash. Magsalita ka naman uh"
Ashleen: Umuwi ka na, Mark. Umuwi na kayo. Madilim na.
Mark: Hindi. Hindi ako aalis dito. Byumahe ako dito para lang makita ka. Hindi ako aalis hanggat di tayo naguusap.
Ashleen: Di ba sabi ko sayo nun "AYOKO NA"?
Kumunot ang ulo niya.
Mark: A-yaw mo na?!
Sambit ni Mark na parang naiiyak na rin. Ayoko na siyang makitang ganito, lalo lang akong maiiyak.
Ashleen: Mark.. Wag na natin pahirapan mga sarili natin... :'(
Mark: Hindi naman ako nagrereklamo, Ashleen... :'(
Nakita ko yung unang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Nasasaktan na ako. </3 Tama na. :(
Pero ayokong masira yung relasyon ni Mark at ng mama niya nang dahil lang sa akin. Ayokong mahirapan siya ng dahil sa akin. Ayokong maipit siya, ayokong umasa siya, ayoko na siyang saktan. ;( Ayoko na siyang mapagod. Ayoko na siyang madamay. Ayoko na siyang magintay na naman sa wala.
Hindi na ako nakapagsalita pa. At tuloy tuloy na rin ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. :(
Mark: Iiyakan mo nalang ba ako? Iiyakan mo nalang ba ako sa twing maguusap tayo?!
Hindi ako makasagot. :( Tama na. Ayoko na.
Mark: Ha? Ashleen? Ganun na lang ba yun? Ganun na lang ba kadali yun para sayo?
Ashleen; Hindi rin naman madali para sa akin to, Mark..
Garalgal kong nasabi sa kanya.
Mark: Ashleen.. Sabi mo sakin COOL OFF lang di ba?! Sabi mo sa akin, gusto mo lang mapagisa pansamantala.. Tapos--- gigising na lang akong isang araw.. Na AYAW MO NA?!
Maluha-luhang sambit ni Mark. Na may halong sama ng loob.
Mark: Nangako ka eh di ba? Di ba Ash? Di ba? Di ba nangako ka?! Di baaaaaaaa?!
Habang pinipilit niya kong um-oo. Pero hindi ako sumagot.
Mark: Nangako tayo sa isa't isa eh.. Sabi mo di tayo mag iiwanan... BAKIT MO TO GINAGAWA?! =(
Ashleen: Dahil kailangan. Kailangan MARK. Kailangan!
Mark: GUSTO MO LANG!
Ashleen: Hindi ko ginusto to. HINDI KO GINUSTO TO. Sa tingin mo ba mas gugustuhin kong lumayo sayo? Ha? Na iwanan ka? MARK naman!
Mark: Ashleen, tama na please... Tama na...
Ashleen: Oo Mark.. Titigil na ako. Titigil na tayo.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?