Chapter 119: Call from Wendy

359 3 0
                                    

Mark's POV

Mga bandang ala-sais nung naisipan na naming umuwi ni Ashleen galing tree house. Tumulong kasi kami sa pag aayos at pagdedecorate nung bahay. Inangkin na talaga namin. Hahaha!

Hindi na kasi natuloy yung pasyal nila Ashleen at ng pamilya niya. Nacancel yung uwi ni Tito Chad, e tapos ayaw pang umuwi ni Ashleen dahil nga sa sagutan nila Shaley kanina.

"Bakit di ka nalang mag sorry kay Shaley?"

Suggestion ko sa kanya. E para matapos na rin ang lahat nuh. Dumadagdag pa yun sa stress niya e.

"Balak ko naman talagang mag sorry na. Eh.. Ano lang talaga. Nadala lang din talaga ako sa sama ng loob ko kanina. Hindi ko naman gustong sabihin yun sa kanya. Buti nga sinampal niya ako e.. Kung hindi..hindi ko maiisip kung anong ginagawa ko at sinasabi ko.."

"Kung ganun.. Edi nagpapasalamat ako sa kanya."

Tumingin siya sa akin at medyo lumungkot yung itsura niya.

"O bakit malungkot ka na naman?"

"Nagkamali kasi ako e. Nasaktan ko si Shaley. Dapat hindi ko siya ginanun.. Tsaka kahit anong mangyari, kapatid ko pa rin naman siya, mas nakakatanda pa rin siya sa akin."

"Wag ka nang malungkot. Ang importante..mamayang pag uwi mo..ayos na kayo. Db?"

"Baka..baka kasi hindi niya rin ako pansinin."

"Papansinin ka nun. At isa pa.. Nagbago na talaga si Shaley. Maiintindihan ka nun. Siya naman may kasalanan e. Pero dapat..kinakalimutan mo nalang yun. Kung di niya ginawa yun... Hindi rin kayo magiging maayos."

"Oo nga.. Ngayon ko lang naisip yun. Hay. Di ko alam sa sarili ko.. Hay."

"Hayaan mo na... Magkakabati rin kayo ng kapatid mo. Ang mahalaga ngayon..wala na tayong koneksyon kay Xander."

Tumango nalang siya sa akin.

"Nga pala.. Si Wendy? Kumusta na daw siya? Ano nang balita sa kanya? Naguusap pa rin ba kayo? Mag sesembreak na, hindi pa rin siya bumabalik sa school.." Biglang tanong niya sa akin.

Muntik ko nang makalimutan ulit si Wendy. Pakiramdam ko kasi.. KAMI na talaga ni Ashleen eh. Hay.

"Hindi ko pa nga siya nakakausap."

"Tinext niya ako nung..basta. Matagal na yun e. Nung isang buwan pa yata.."

"Kailan? Nagparamdam siya sa iyo?"

"Oo. Hindi ba sayo?"

"Hindi.. Kay Jayem rin nagpaparamdam siya kung minsan. Kay Lance din."

"Kay Grace din e. Minsan... Nagtetext siya."

"Bakit di niyo sinasabi sa akin?"

"Eh.. Eh syempre. Akala namin nagpaparamdam din sayo. Ikaw..ikaw mahal nun eh."

"Pag tinatawagan ko kasi siya, hindi niya sinasagot e. Ano bang sinabi niya nun?"

"Huh? Ah.. Wala. Nangangamusta lang.."

Napaisip pa tuloy ako. Bakit ako..hindi tinetext nun. May alam na ba yun? Oh.. Baka naman.. Ano bang meron?

Nang biglang mag ring yung phone ko. Tumingin ako kay Ashleen.

"Sino yan?" Tanong niya sa akin.

"Si Jayem, tumatawag... Baka may ipapabili o baka may kailangan lang.. Teka.."

Sinagot ko yung phone ko.

"Hello? Jayem, napatawag ka?"

"Dude. Nasan ka na ba? Tumawag si Wendy sa landline natin. May balita.." Sagot naman sa akin Jayem mula sa kabilang linya.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon