After 1 week...
Mark's POV
Hindi ako pumasok ngayon. Umagang umaga, piniplay ko yung kanta ni Yeng Constantino na "COOL OFF". Iniisip ko si Ashleen yung kumakanta. Pampalakas loob lang. :( Nanghihina ako eh. Parang hindi na KAMI. Cool off nga e. Sana hindi nalang dumating si Shaley sa buhay namin. Sana hindi nalang sila tumira sa iisang bahay. Sana hindi nalang naging ex ni Ash si Xander. Sana wala nalang gulo. Miss na miss ko na si Ashleen. :( Hindi na siya nagtetext. Tawag. Sa school, iniiwasan niya ko. Hindi niya ko kinakausap. Hindi na rin siya pumupunta sa secret place. Hanggang kailan ba kami ganito?!
Nahihirapan na ko. :(
Sana naman bumalik na yung dating KAMI. Nawawalan na ako ng gana.
Mahal na mahal ko si Ashleen. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal.
Nang may kumatok sa kwarto ko. Nagtulug-tulugan ako. Narinig kong bumukas ang pinto ko at may nagsalita..
Wendy: Mark...
Dumilat ako dahil alam kong si Wendy yun.
Mark: Wendy? Uh? Bakit?
Wendy: Hindi ka ba papasok?
Mark: Masama pakiramdam ko eh.
Wendy: May lagnat ka ba?
Mark; Wala naman.. Masakit lang ulo ko. Papasok nalang ako mamayang tanghali kapag umayos ayos na yung pakiramdam ko. Pakisabe nalang kay Ma'am.
Tumango siya.
Wendy: Pagaling ka nalang...
Mark: Salamat.
Isinara na niya ang pinto at umalis. Hayy.
Maya maya. Naisipan kong itext si Ashleen. Wala lang. Umaasa lang na baka magreply siya. Baka pansinin niya ko. Nagbabakasakali lang.
------
Ashleen's POV
Naglalakad na ako papuntang eskwelahan. Kasama ko si mama. Magpapaalam na kami sa principal. Nakapagdesisyun na kasi ako. Tutuloy na muna talaga ako sa Maynila. Doon muna ako mag aaral. Pero babalik din ako. Basta babalik ako. Saglit lang ako dun. Baka sa pasko bumalik din ako at sa St. John na ulit ako mag aral. Pero ayoko muna sabihin sa barkada yun, dahil hindi ko naman alam kung babalik pa talaga ako.
Nang mag-vibrate yung cellphone ko.
Fr: Bhe
Ashleen. Herschel. Babe. Bhe. Mahal ko. Honey. Baby. Panget. Ingat ka. Mahal na mahal kita. :*
</3 Nakakamiss din pala. Pero mas pinili ko na munang wag replyan si Mark. Hindi ko pa alam kung anong mga salita ang dapat kong sabihin sa kanya. Para mas maintindihan niya.
-------
Sa school.
Mrs. Hernandez: Ashleen. Wag kang mag alala, aayusin namin ang gulong ito. Maraming salamat dahil naging parte ka ng St. John. Wag kang magbabago, iha. At oo, welcome na welcome ka kung babalik ka dito pagkatapos ng sembreak. Sinisigurado kong maggng okay na ang lahat sa pagbabalik mo.
Ashleen: Maraming salamat po, Mrs. Hernandez. :)
Yan. Nakapagpaalam na ako. Sa barkada ko naman ako magpapaalam mamaya. </3 Ang hirap pero eto na eh. Andito na. Wala nang urungan.
----
Grace: Bes. :( Ano ba yan. Alam kong isang jeep o bus lang ang pagitan natin pero mamimiss kita ng sobra.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Genç KurguLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?