Mark's POV
Habang kumakain kaming dalawa ni Ate, kausap ko sa phone si Ashleen. Wala kasi sila Mama't Dad. E sa naggutom na kami ni Ate eh.
"Beyy. Gabi na ah? Umuwi ka na kasi. Buti sana kung andyan ako para maghatid sayo db?"
"E beyy. Nag sha-shopping pa kami ni Grace. Minsan lang to sumpungin ng kabaitan nuh."
"Ang tigas naman ng ulo"
"Uuwi ako ng 8PM. Sharp. Promise"
"8 PM? Tapos maggng 8:30? Tapos 9? Hanggang sa hintayin niyo nang magsara yang mall?"
"Hindi naman eh"
"Utut mo, hoy. Alam ko na ugali niyong dalawa. Umuwi ka na ngayon, sige na"
"Beyy naman kasi eh! 7:30 palang naman eh. Kakain lang kami ni Grace saglit"
"Yang saglit mo, humahaba yan."
"Naman kasi eh. Bibili lang ako ng zagu. Tsaka burger tsaka fries tsaka jolly hotdog. Ok na ba yun?"
"Ang dami naman niyan? Ano yan? Di ka pinapakain sa bahay?"
"Eh. Gutom na ko eh. Sige na kasi.
"Hindi healthy yan. Zagu lang ang bilhin mo tsaka jolly hotdog"
"At burger at fries?"
"Ang kulit naman ni Ashleen"
"HAHAHA! Opo! Yun na nga bibilhin ko eh. Sabi ko nga. Yun lang"
"8PM sharp da't nakauwi ka na ah?"
"Beyy. 10 Pm nalang?"
"Osige. Diyan ka na matulog. Wag ka nang umuwi."
"JOKE LANG! Ito naman! Over. Sungit mo ngayon ah."
"Hasus. Sungit na ba yun? Inaalagaan ka lang, sungit na?"
"Ewan ko sayo. E ikaw? Nasan ka ba, ha?"
"Kumakain"
"Nasan ka? Kumakain? Oo. Matinong sagot yan sa tanong ko, bhe."
"Asa bahay! Hahaha!"
"hasus. Mamaya, na kila Wendy ka na naman ah?"
"Bukas. Oo."
"Sapak?"
"Magpapaload nga kasi ako"
"Nakuu. Paraparaan lang yan? Bakit, sila lang ba nagpapaload diyan?"
"Hindi naman."
"O e hindi naman pala eh?"
"E sakanila mas mura eh"
"Nakuuu."
"Tiwala lang kasi. Yan ka na naman eh"
"Hahaha. Opo. Highblood ka na naman eh. Sige na bhe, bibili muna kami pagkain ah. Text nalang kita mamaya. I love you! Muahh!"
"Sige sige :) I love you too. Umuwi ka ng maaga"
"Opo. :)"
---------
Pagkatapos kong kausapin si Ashleen e tinuloy ko na ng maayos ang pagkain ko.
Ate Rosalie: Mas nanay ka pa sa nanay ni Ashleen ha?
Mark: Ganun ako magmahal e.
Ate: Mahal mo na ba talaga yan?
Mark: Makapagtanung ka naman parang nagloloko ako ah.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Novela JuvenilLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?