Chapter 109: FIGHTING

445 4 0
                                    

SECRET PLACE.

Mas nauna akong nagpunta sa kanya sa lugar namin. Hindi ko na siya sinabayan kasi ayaw ko na magkaissue kami. Although, meron naman na talagang issue between sa aming dalawa. Hinihintay ko lang siya habang pinagmamasdan yung mga dahon na nagsisilaglagan sa mga puno.

Ala singko medya na. Medyo tirik pa ang araw pero hindi na ganun ka-init. May hangin naman nang dunadampi sa akin. Nakaupo lang ako sa bench.

Sumandal ako sa sobrang inip ko at pumikit. Tapos ang nakita ko...mga memories namin ni Mark.

Hay. Ang lovestory namin ni Mark e sumentro dito sa lugar nito. Saksi lahat nang ano mang elemento ang meron ang lugar na ito sa kung paano kami nagsimula at sa kung paano kami nagtapos at sa kung paano kami........magpapatuloy.

Hay. Puro Mark. Puro Ashleen. Mark Ashleen. Mark Ashleen. Mark Ashleen.

EWAN.

Kaya dumilat nalang ako kesa makita kung gaano kami kasaya ngayon. Malayong malayo na ngayon.

Minsan masaya.

Kadalasan... MALABO.

Alam niyo yung panandaliang saya lang? Pag kasama mo siya, dapat seize the moment... Kasi pagkatapos nun, di naman ikaw pipiliin niya. Pag uwi niya, di na ikaw gusto niya kasi may naghihintay sa kanya.

Yun bang pag magkasama kayo, nakakalimutan niyo na MALI pero bigla bigla niyo marerealize na --- "Ay! Mali to!" Kaya wala kayong magawa kundi magtiis.

Mas maganda bang term ang sakripisyo?

Wala e. Ganon pag nagmamahal.

Kakayanin mong makita yung mahal mo na... may inaalagaang iba.

Ganon yata talaga. Hindi naman katangahan magmahal ng taong ikaw naman talaga ang mahal.

Akala ko nun.. Di ako tanga.

Di naman talaga ako tanga.

Idadamay ko lahat ng taong nagmamahal sa buong mundo kung may magsasabi man na tanga ako.

Kung tanga ako, and so kayo.

BAKIT? IKAW? NUNG NAGMAHAL KA? NI MINSAN BA WALA KANG NAGAWANG MASASABING KATANGAHAN?

Pagkadilat ko...

Nandoon na siya. Nakatayo. Nakangiti.

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko sakanya.

"Oo. Ganda mo ngang pumikit e."

Punye--. Eto talagang lalaking to, walang magawa sa buhay.

Umirap ako. Tsk tsk.

"TIGILAN MO KO SA MGA TRIP MO AH. Pinicturan mo ba ako?" Inis kong tanong.

Alam ko kung gaano ako ka-awkward kanina nung nakapikit ako nuh. Kaya sana lang, hindi ako kinuhanan ng litrato nito.

Nilabas niya yung dalawang kamay niya na nasa loob ng bulsa ng pants niya kanina at pinakita sa akin.

"May camera o cellphone ba?"

"Tanong mo sa damo."

"Hoy. May camera o cellphone ba?" Parang tangang tinanong niya sa damo.

"Sige. Antayin mong sumagot yan ah. Aalis na ako. Mukhang aabot pa ng siyam siyam yan bago sumagot e"

Tumayo ako at kinuha yung bag ko.

"WALA DAW. Sabi ng damo"

"Ewan ko sayo." Nilagpasan ko na siya at pauwi na talaga ako.

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon