Chapter 1.

17.6K 208 8
                                    

NAPABUNTONG  hiningang napatigin si Luna sa papel na hawak niya kung saan naghahanap ng katulong. Tinawagan niya ang numerong nakalagay, mabilis namang sinagot at sinabi na magtungo sa address na binigay sa kanya.

Limang daan lang ang natitirang pera niya. Pinalayas na siya sa apartment na tinitirahan niya dahil wala na ito maipangbayad. Kaya naman dala-dala niya ang gamit niya. Maliit lang kasi ang sahod sa trabaho, pinagtyatyagaan niya lang ito para kahit papaano may pera ito.

Sa kasamaang palad ay tinanggal siya at pinagbintangan na nagnakaw ito na mariing tinanggi niya. "Ang init naman!"  Saad niya sa kanyang sarili at marahang pinunasan ang pawis sa kanyang noo habang nag hihintay ng taxi.

Sa 'di kalayuan ay nakita niya ang isang taxi na papalapit kaya namna agad niyang winagaygay ang kanang kamay niya upang makuha ang atensyon ng driver.

Huminto naman ang taxi kaya pumasok siya sa back seat. Sinabi niya kung anong address ang pupuntahan niya. Tinawagan nito ang numero na nakasulat sa kanyang mumurahing cellphone at tinext ang address. Mabuti na lamang at may load pa ang cellphone niya.

'Sana naman makapasa ako'  sa isip ni Luna.

Ito nalang ang last chance niya dahil kung hindi siya basurahan siya pupulutin. "Ma'am hanggang dito na lang po ako." Napakunot noo naman si Luna sa sinabi ng taxi driver.

"P-po?" May guard house sa 'di kalayuan.

"Bawal po kaming pumasok po dyan, Ma'am. Private place po 'yan." Kamot ulo nitong sabi.

"Magtanong na lang po kayo sa gwardya." Dagdag nito. Tumango lamang si Luna at tipid na ngumiti.

"Magkano po lahat?"

"450 po." Nag aalangan pa si Luna na ibigay ang pera dahil masyadong malaki.

Tanging 50 pesos na lamang ang laman ng kanyang wallet. Kaya laking pagdadasal ni Luna na sana makapasa siya kung hindi sa basurahan siya magpapalipas ng gabi. Nang maibigay niya ang pera ay lumabas na ito. Mabilis namang umalis ang taxi.

Labis-labis na kaba ang nararamdaman ni Luna. "Yes, Ma'am?"

"Ah, sir. Mag aaply po sana ako bilang katulong sa address na ito." Sinabi niya ang address. Tumango tango naman ito at may tinawag. May humintong itim na kotse sa harap ni Luna. Namangha ang dalaga ng may itim na sasakyan ang huminto sa kanyang harapan."Sumakay po kayo, Ma'am at dadalhin kayo sa address na ito." Nagpasalamat naman siya.

Nagpasalamat naman ang dalaga bago pumasok sa kotse.

Napatingin si Luna sa bawat bahay na kanilang madadaanan. Halos mayayaman ang nakatira dito dahil sa ganda ng bahay nila. Halatang hindi tinipid sa gamit.Mga ilang minuto pa ay huminto na sila.

"Nandito na tayo." Ani ng driver. Halos mapanganga siya dahil sa bahay mali dahil sa mansion na nasa harapan niya. Mas malaki pa ito kumpara sa bahay na nadaanan nila kanina.

Nahihiyang pumasok siya. Nagulat siya dahil maraming lalaki na nakakulay black na may hawak na baril. "Queen, nandito na po ang mag aapply." Rinig niya sa isang lalaki. Nilibot ni Luna ang paningin niya nang makapasok kami. Napakaganda naman ang bahay nila. No, this is a mansion. Sa laki ba naman nito.

Mas lalo siya napanganga nang makita ang isang babae na nasa harap niya. Napakaganda niya. "Magandang tanghali po." Yumuko siya upang magbigay galang. Natawa naman ang ginang.

Miske tawa nito ay ang napakasarap pakinggan. Nahihiya siya ang itsura ngayon dahil pawisan ito."Magandang tanghali rin sayo, hija." Malamyos nitong saad. 

"Mag aapply ka daw bilang katulong?" Mabilis naman itong tumango sa kanya.

"What's your name, hija?" 

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon