DALAWANG beses akong napapikit upang siguraduhin kong ako nga ba ito habang nakatingin sa salamin. "Ang ganda ko." Mahina kong sabi. Ang ganda kasi nag pagkakamake-up sakin ni Sophia.
"You're pretty naman, Luna." Nakangiti kong tinignan ang repleksyon naming dalawa ni Sophia sa salamin.
"Thank you, Sophia." Kinindatan lang ako nito. Sunod na inayos sa akin ang aking buhok. Kinulot niya ang aking buhok na babagay sa akin. Ilang minuto pa bago natapos. Nagpalit na rin siya ng damit. Binigyan rin ako nito ng necklace at white sandals na 2 inch lang.
Mabuti na lang at magkasing size lang kami ng paa.
Isang silver dress na hapit na hapit rin sa katawan. Pagkatapos ko ay nag make-up na rin si Sophia. Nakatingin lang ako sa kanya habang busy siya sa pagm-make up sa sarili.
Halatang sanay na sanay na ito dahil sa kilos ng dalaga. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagkuha ng litrato gamit ang cellphone ni Sophia. Siya naman nagsabi na gamitin ko muna ang cellphone niya para hindi ako mabagot habang hinihintay siya. Ilang minuto pa ay natapos na rin ito.
Sakto naman ay may kumatok. Nagkatinginan kami ni Sophia ng malaman namin na si Lucifer ang kumakatok.
"Aalis na pala tayo." Saad ng dalaga habang nakatingin sa orasan. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa magiging reaksyon ni Lucifer pag nakita niya ang aking suot.
Nang binuksan ko ito ay napatitig sa akin ang binata. "B-bagay ba?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Ang gwapo nito kahit simpleng damit at pants lang ang suot nito.
Tumahimik ito ng ilang minuto. " What the hell are you wearing?" Bakas sa boses nito ang iritasyon. Nawala ang aking ngiti dahil sa sinabi nito.
"H-hindi ba bagay?" Hindi ako nito pinansin bagkus nilapitan ako nito at hinawakan ang aking braso. Hinarap nito si Sophia.
"Hindi ka talaga nakikinig." Madiin niyang sabi sa kapatid bago ako hinila palabas ng kwarto. Nagtungo kami sa kwarto nito at iniwan ako. Bakit ganun na lamang ang reaksyon ng binata ng makita niya ang aking suot? Hindi ba siya nagandahan sa akin? pero ang sabi sa akin ni Sophia ay maganda naman daw ako.
Panget ba ako sa paningin niya?
"Wear this." Matigas niyang sabi at nilagay ang isang jeans at isang shirt. Matali ang mga tingin na binibigay niya sa akin.
"Hindi ba bagay sa akin?" Mahina kong tanong sa kanya. Hindi ito umimik ng ilang minuto.
"Yea." Nalungkot naman ako sa kanyang sinabi. Walang imik na kinuha ko ang damit at nagtungo sa banyo. Napatingin ako sa salamin.
"Ang ganda mo." Mahina kong sabi sa aking repleksyon sa aking salamin at pilit na ngumiti. Sobra akong nasaktan sa simpleng salita na sinabi sa akin ng binata. Ang buong akala ko ay matutuwa siya sa aking suot pero hindi pala.
Hindi na ako nag-abalang tingnan siya ng makalabas ako ng banyo. Tahimik akong nagsuot ng sapatos. "Luna." Tawag sa akin ni Sophia ng makalabas kami ng mansion. Pilit na ngiti lang ako sa kanya bago sumakay ng kotse ng binata.
Malalim akong napabuntong hininga. Dapat maging masaya ako dahil pupunta kami sa isang party. Pinagsawalang bahala ko ang negatibong aking naiisip.
Hinawakan ni Lucifer ang aking braso ng makapasok kaming bar. Napapikit ako sa ilaw na tumama sa aking mata. Usok at ingay ng tao ang nagbibigay buhay sa bar na ito. Napangiwi ako ng may nakita akong naghahalikan sa tabi. May ilang mga tao na halatang lasing na base sa kanilang kilos.
"Dos!" Napatingin ako sa aking unahan ng makita ko si Jacob na nakangiti. Nakipag fist bumb ang ito sa binata at ningitian ako ng makita niya ako.
"Hello, Luna!" Pasigaw na saad ni Jacob upang aking marinig. Ningitian ko ito. "Happy Birthday, Jacob!" Pasigaw ko ring sabi at inabot ang aking munting regalo ko sa kanya. Lalong lumaki ang ngiti ng ibigay ko ang aking regalo.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...