Chapter 58

4.8K 57 6
                                    

LAHAT ng kaibigan ni Dos ay tumulong sa pagsugod sa teritoryo ni Reo, Si Reo ay matagal na nilang kalaban. Mautak ito pero mas mautak sila. Natagalan lang sila sa paghanap kay Luna dahil kahit anong tignan nilang cctv camera ay wala silang nakita.

Halatang planado ang lahat. Hindi lang makumpirma kung ang mama ni Luna at ang kaibigan nito ay kasabwat o na sama sa paglaho ni Luna. "Fuck them, may date pa ako mamaya!" Bad mood ngayon si Vier dahil may date pa sila ng kanyang nobya ngunit mamaya pa naman ito ngunit ayaw niyang madungisan ng dugo ang kamay nito, lalo na ang mukha nito. Masuntok lang talaga siya.

"Maghihiwalay din kayo 'nun?!" Sigaw naman ni Taylor sa 'di kalayuan.

"Oo nga, walang forever gago!" Saad ni Jacob at sinabayan ng tawa. Napatigil siya sa pagtawa ng may sumugod sa kanyang isang kalaban.

Hindi na nakabwelo si Jacob upang barilin ito dahil parehas silang napahiga. Mabilis naman sinapak ni Jacob ang kalaban ngunit napailalim siya nito at pinaulanan rin siya ng suntok.

Napapikit si Jacob ng barilin niya ito sa ulo. "Putangina!" Galit na saad ni Jacob dahil sa masakit ang mukha nito.

"Ang panget ko na!" Sobrang nagagalit siya ngayon.

Si Dos naman ay pumasok at bawat makakasalubong nitong kalaban ay mabilis niyang pinapaulanan ng baril. Naglalakad siya sa hallway ng makasalubong siyang higit sa sampung kalaban kaya naman agad siyang tumakbo at lumihis ng daan.

"Bombahin mo 'yan, wala dyan si Luna!" Saad ni Mace sa earpiece na suot ni Dos.

Kinuha ni Dos ang bomba at tumingin ito sa hallway kung saan patakbong pupunta sa direksiyon niya ang mga kalaban. Agad niyang tinanggal ang lock at binato ang bomba.

Nang mabato ay agad siyang tumakbo papalayo. "Nasa underground nakatago si Luna, i'm sure na walang signal 'dun kaya hindi kita matutulungan. Don't worry, Dos. Gagawa ako ng paraan. 'Wag kang sumakay ng elevator 'nun may isang hidden wall dyan kung saan nakatago ang hagdan 'nun. Paniguradong bawat elevator nakaabang ang mga tauhan ni Reo kaya mag-iingat ka."

"Hack ko na rin ang ilang system nila para madali lang ang access mo." Tumango naman si Dos at maingat na tumatakbo sa hallway. 

Sinusunod niya ang direksiyon na itinuturo ni Mace. "Sa left side!" Sinunod na niya ito ngunit maling direksyon dahil may tatlong kalaban pala 'dun.

Patago na siya ng matamaan siya sa braso. Hindi niya ito pinansin dahil ang nasa utak lang nito ang hanapin si Luna at siguraduhing ligtas ito.

Dumaan siya sa right hallway at may isang painting dun ang nakakuha ng kanyang atensyon. Sa bawat hallway na nadaanan niya ay walang anumang paintings ang nakakabit. Bukod tanging ito lang ang meron.

Hinawakan niya ito ng mabuti at tinulak niya ito. Palihim siyang napangisi ng isa itong daanan. Maingat siyang bumaba ng hagdan hanggang sa makarating sa pinakababa.

Bago niya buksan ang isang pinto ay huminga muna siya ng malalim bago lumabas dahil paniguradong maraming kalaban. Nandito siya ngayon sa underground. Kung titignan ay akala mong isang simpleng building ngunit isa pala itong pagawaan ng mga illegal.

Agad niyang pinagbabaril ang mga kalaban. Tinulak niya ang isang drum at pinagbabaril ang mga ito. Napaluhod si Dos ng may sumapak sa kanya ngunit mabilis na kumilos si Dos at sinapak niya sa mukha ang isang lalaki habang ang isa naman ay akma siyang sasaksakin ng isnag kalaban ng mabilis niya itong kinuha ang pulsuhan nito at mabilis na binali.

Lalapit sana ang isang lalaking sinapak niya ng sinipa niya ito. Namilipit sa sakit ang lalaki habang hawak ang baling braso nito. Mabilis naman niya itong pinaputukan.

Kinuha niya ang isang baril. Hawak ang dalawang baril ay pinaputukan niya ang bawat haharang sa daan niya. Naka suot ito ng isang itim na pans at itim na sando.

Napahinto siya ng may isang lalaking sa 'di kalayuan. Ningisian siya nito. "Ikaw pala si Dos?" Hindi niya ito inimikan. Pumwesto ang lalaki at base sa galaw nito ay marunong ito ng martial arts. "Let's fight without using gun, Dos." Mayabang nitong sabi. 

Natiim na nakatingin si Dos sa lalaki at binaba nito ang dalawang baril. Pinatunog nito ang dalawang kamay. Napangisi ang lalaki at walang ano-ano inatake siya nito. Agad naman kumilos si Dos at pilit na sinasangga ang mga atake nito. 

Parehas walang nagpapatalo, parehas na mabilis ang bawat kilos nila. Agad naman na hinuli ni Dos ang paa nito ng akma siyang sisipain sa tagiliran. Gamit ang siko ay malakas niyang ipinalo ito sa paa nito upang mabali ngunit hindi siya lang ang nasaktan dahil parang inuntog niya lang ang kanyang siko sa bakal.

 Bahagyang napaatras si Dos ng sinapain siya ng lalaki. Sapo-sapo niya ang kanyang tyan sa sakit. Kita nito na may kung anong matulis na bagay sa sapatos nitong suot-suot. Bahagya nitong itinaas ang kanyang pants dahilan upang makita niya dalawang bakal na malapad sa paa nito hanggang tuhod.

Nakangising umiling-iling ito. "Hindi ko alam na mahina pala ang Slyveria pagdating sa martial arts?" Insulto nitong sabi. Si Dos naman ang sumugod at pilit na tinatamaan ang mukha nito. Kamay at paa nito ay kumikilos ngunit sumasakit lang ang paa ni Dos sa tuwing tatama sa tuhod ng lalaki.

Napahiga si Dos ng malakas siyang sapakin ng lalaki. Napapunas naman ito dahil sa dugong tumutulo sa labi nito. Napatingin siya sa hawak ng lalaki, may hawak itong isang maliit na kutsilyo. Napakapa naman siya sa kanyang pisngi kung saan may sugat din ito.

"Your nothing but a weak."  Pilit na tumayo si Dos kahit ang katawan niya ay hinang-hina na. Napangisi siya.

"Are you sure?" Siya naman napangisi ng makita ang gulat nito sa mukha.

"Hindi ka parin nadadala." Nakibit-balikat lang siya. Tignan siya ng lalaki at sumugod sa direksiyon niya. Agad naman nito sinangga ang mga suntok na binibigay sa kanya.

Nakuha na nito ang mga galaw nito. Namemorya na niya ang bawat simpleng galaw nito kaya naman napangisi siya ng  masuntok niya ang mukha ng lalaki. "Hindi ko alam na mahina pala ang tauhan ni Reo?" Nakangisi naman niyang sabi.

Mukhang napikon ang lalaki kaya naman malakas sana siyang sisipain at handa na sana si Dos ng bigla nalang itong matigilan. Nagtaka naman ito ng bigla na lamang itong walang uhay na napahiga.

"Your wasting your time, Bastard." Napabuga si Uno ng usok habang hawak-hawak ang isang shotgun.

"What the hell are you doing here?" Gulat na saad ni Dos. HIndi niya inaasahan na bigla na lamang susulpot ang kapatid nito.

"I'm here to rest." Sarkastimong saad nito. Napailang na lamang siya at kinuha muli ang dalawang baril nito. Mahina niyang sinapak ang kapatid nito.

Nagtataka si Dos sa isang pintuan. Bawat pintuan na mapapasukan nila ay puro mga patay na tao na ang kanilang nadatnan. "Anong nangyari?" 

"That's because of me." Napalingon naman siya sa nilabasan ng isa pa niyang kapatid. "What the hell are you doing here, Tres?!" Sasagot pa sana si Tres ng may lumabas pa.

"----and you Sophia?!" Sabay nilang sabi ni Uno. Napapikit naman si Sophia.

"Calm down, boys. I'm here to help you kaya and training na rin."Saad ni Sophia. Napailang na lamang sila dahil sa wala rin naman silang magagawa pa.

Napagdesisyunan nilang magkakapatid na maghiwalay-hiwalay upang mabilis na mahanap si Luna. Nakapasok si Dos sa isang kwarto na kasing lakad ng isnag court.  Tanging sa gitna lamang ang may ilaw nito. Maingat na naglakad si Dos. Tumingin-tingin siya sa paligid at nakiramdam.

"You finally found us, Slyveria."


His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon