Chapter 39

4.7K 55 5
                                    

HINDI ko na narinig ang sinabi ng binata ng gabing iyon dahil antok na antok na talaga ako ng mga oras na iyon. Nakasimangot na nakatingin ako kay Lucifer ngayong nasa classroom kami. Maayos na uli ang pagtrato niya sa akin ngayon hindi katulad sa nagdaang mga araw na parang wala ako sa paligid niya.

"Uy, ba't ang daming bodyguard ngayon?" Parang mas dumoble pa kasi ang mga bodyguard ngayon kumpara sa nakaraan. Hindi niya ako pinansin at basta hinawakan ang aking kamay.

Pumasok kami sa kotse niya. As usual si Serio na ang nagd-drive. Ibang kotse na ang sinakyan namin ngayon, hindi na ito ang sinakyan namin nung papunta kaming school.

"Just trust me, Wife. This is for your own good." Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi at hinalikan ang aking noo.

Tumango na lamang ako at pilit iniintindi ang sinabi niya. Hindi nga niya sinabi ang dahilan kung bakit biglang lumamig ang trato niya sa akin basta ngayong araw ay naging okay na siya.

"Sir, Sinugod sina Alpha."Naguguluhan akong napatingin sa kanila. Ano ba yan hindi ko maintindihan sinasabi nila.

"Fuck them."Nangingitngit na ani ni Lucifer. Kita ko ang paghigpit ng paghawak ni Serio sa manibela.

"Everthing is alright?-- Good, alam niyo na kung saan sila dadalhin." Saad ni Serio sa kausap nito sa cellphone.

"Nahuli na nila ang apat na bumabaril sa kotse mo." Tumango lang ang binata.

"Those fucker."








TAHIMIK na nagpalit ako ng damit ng makauwi kami sa bahay. Nagpalit lang ang binata at umalis rin kaagad. May emergency meeting daw kasi sila sa company kaya kailangan niya daw umalis.

Napasalampak naman ako sa kama at pumikit. Ramdam ko ang pagod ko na unting-unti napapawi sa paghiga ko sa kama. Mas mabuting matulog na ako tutal wala naman akong gagawin ngayon. Hinayaan ko ang aking sarili na tangayin ng pagod.

"Wala parin siya." Ani ko sa sarili ng magising ako. 6:00 pm na pero wala parin siya. Tinignan ko ang aking cellphone at sinubukan ko siyang tawagan ngunit walang sumasagot.

Nakailang tawag ako ngunit wala talagang nasagit kaya naman napagpasyahan kong buksan ang facebook acc ko. Unang bumungad ang ilang larawan namin sa private island kung saan si Mace ang nagpost nito.

Binuksan ko ang messenger ko kung saan si Cara ang nangunguna. Binasa ko ang bawat chat nito sa akin pero isa lang ang kumuha sa atensyon ko.

Cara:

'Nakita ko na nanay mo, Luna!'

Nagulat naman ako. Paano? Agad akong nag message sa kanya kung paano niya nasisiguradong nanay ko ngayon. Mga ilang minuto pa ay nag online ito at mabilis akong nireplyan.

Cara:

Kamukhang-kamukha muh n pnaadik lng. Bayaran muh aku tutal mayaman k nmn!

Napailang naman ako. Sinabi ko na magkita kami sa sinabi kong restaurant. Agad akong nagbihis. Nagsuot na rin ako ng jacket.

Tinignan ko muna ang ref namin at napansin kong paubos na rin ang aming pagkain. Mas mabuting isabay ko na rin ang pag-grocery.Kinuha ko ang aking cellphone pati na rin ang wallet ko.Pagkalabas ko ay may dalawang bodyguard ang nakabantay. "Bawal po kayo lumabas." Ani ng isa.

"Mahigpit pong paalala iyon ni Young Master." Pinilit ko sila ng pinilit hanggang sa ako na rin ang napagod.Inis na napasalampak ako sa sofa. Paano ako nito lalabas?

Ilang minuto pa ay may pumasok na isang babae na may hawak na pang linis ng bahay.Kada isang linggo daw ito naglilinis dito sa condo namin. Nanghingi ako ng pabor dito na sana pwedeng makihiram ng suot nitong uniform.

Nangako ako sa kanya na bibigyan ko siya ng pera tutal kailangan niya ito. Pumayag naman ito kalaunan kaya naman yukong umalis ako hanggang tulak tulak ang panglinis nito.

Napangiti ako ng makalabas ako ng building. Mas mabuting ito muna ang suotin ko para walang makakilala. Nagsuot na rin ako ng salamin para hindi ako makilala.

"Nasaan kana?!" Bahagya kong napalayo ang cellphone dahil sa sigaw ni Mace ng tawagan ko ito.

"Papunta na."






"BAKIT NIYO KAMI PINAALIS DITO HUH?! SINO BA KAYO MAYAMAN ASAWA NG ANAK KO?! BAKA GUSTO NIYONG IPASARA KO TO?!" Papasok pa lang ako ng restaurant pero boses na ng isang matandang babae ang maririnig.

Napatingin ako sa direksiyon nito. Hawak-hawak ni Cara ang matandang babae. Hindi kaya?

"Luna!" Agad akong nagtungo sa direksiyon nito.

"Oh, ayan anak ko?! Tangina niyong lahat!!" Dinuro pa nito ang mga waiter na nasa kanyang harapan.

Tumingin naman siya sa akin. "Anak ko!" Niyakap ako nito ng pagkahigpit higpit. Totoo nga ang sinabi ni Mace. Kamukhang kamukha ko ito.

"Ba't ganyan suot mo?" Nakakrus na saad ni Cara.

"Ah, wag niyo nalang itong pansinin." Kamot pisngi kong sabi.

"Skandalosa naman niyan."

"What a cheap people."

"ANONG SABI NIYO?!" Akmang susugurin ito ng nanay ko ng pigilan ko siya. Ako na mismo ang nahihiya sa ginagawa nito.

"Miss, mas mabuti pang umalis na kayo." Magalang na ani ng manager na katabi ng waiter na nag aasists kina Cara.

Kinausap ko pa ang manager at ayon sa kanya ay bawal pala ang naka tsinelas dito sa restaurant. Yumuko naman ako sa kanila. "Pasensya na po." Hinila ko na si Mama palabas.

"Ano ba! Ba't ganyan kasi suot mo?! Napahiya pa kami dun sa lintek na restaurant na yan! Sana man lang pinagtanggol mo kami!" Galit na ani ni Cara.

Huminga ako ng malalim at napagpasyahan na sa isang restaurant na lang kami. Mabuti na lang ay pinapasok kami.

"Ako ang nanay mo. Pasensya kana kung hindi kita naalagaan ng maayos ang mahalaga nagkita na tayo." Ani ni Mama.Ang ngalan niya ay Grace. 

"Bakit mo ako pinamigay?" Gusto kong malaman dahil ayon sa madre na binenta ako ni Mama sa isang lalaki. Mabuti na lamang at nakita ako ng mga ito at naisumbong sa pulis kaya nahuli iyon.

"Kasi di kita kayang palakihin!" Nanlalaki na ang mga mata nito tila naiinis.

"Pero sabi sakin binenta mo raw ako?"

Inis na hinampas nito ang kamay sa lamesa. "Oo, binenta kita kasi nga kailangan ko ng pera! Hindi ka naman yayaman kung hindi dahil sakin kaya magpasalamat ka nalang!" Sigaw nito. Dinuro pa ako nito. Napayuko na lang ako dahil sa medyo maraming tao na ang nakatangin.

"Pwede ba, Luna tama na kakatanong." Inis na saad din ni Cara.Nang dumating na ang pagkain ay nilantakan nila ito habang ako ay walang ganang nakatingin sa kanila.

"Ah, Luna pahingi naman ako ng pera. Naubusan kasi ako." Saad ni Cara habang nanguya ng pagkain.

Kinuha ko ang wallet ko at binigyan ko siya ng limang libo. "Ako rin, Anak!" Nakangiti nitong sabi habang nakalahad ang palad sa akin.

Binigyan ko rin ito ng limang libo. "Limang libo lang?" Malungkot nito. Dinagdagan ko pa ito.

"Alam mo yan anak mo. Tinotoo nga ang sinabi ko sa kanya nung magkita kami na gamitin niya ang ganda niya kaya tingnan ko ngayon successful na pokpok!" Natatawang saad ni Cara.

"Hindi lang basta basta mayaman. Bilyonaryo!" Dagdag pa nito.

"Mana lang yan sakin!" Nakangising ani ni Mama.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon