NAPAHILAMOS ako ng aking mukha. Anong ibig sabihin niya na hindi niya kaya? Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kung magtatagal pa ako dito. Ang sakit na kasi, Pagod na ang mata ko sa kakaiyak. Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok. Bumuka sito at bumungad si Mei.
Mukhang nagulat ito dahil sa itsura ko ngayon. "Hala, ano pong nangyari sa inyo?" Lumapit ito sa akin at tumabi sa aking gilid. Hindi ko ito tinugunan at umiyak lang ako sa kanyang harap. Hinimas naman nito ang aking likod hanggang sa matapos ako sa aking kakaiyak.
"May gusto po ba kayong kainin? Wala po kasi kayong kinain kanina pa." Nagaalala nitong sabi.
"Hipon tska ube, Mei." Malat kong sabi. Nagulat naman ito sa aking sinabi at inulit ang aking sinabi. Tumango naman ako kaya umalis muna siya para hainan ako ng pagkain.
Mga ilang minuto pa ay dumating na si Mei at inilapag nito ang tray. Nanubig ang aking bagang ng makita ko ang hipon kaya naman agad ko itong binalatan at isinawsaw sa ube.
Napatingin ako kay Mei na nakangiwi. "Gusto mo?" Tanong ko sa kanya at inabot ang hipon na may ube.
"Hindi na po hehe." Tumango naman ako at kumain ng kumain. Nagpaalam naman na si Mei na aalis na siya dahil marami pa siyang gagawin. Hindi ko alam pero gumaan ang aking pakiramdam ng makita ko ang hipon. Ang sarap sarap nito. Weird man ito sa paningin ng iba pero kasi ang sarap niya talaga.
Nalungkot ako ng maubos ko ang hipon. Kulang pa ito sa akin. Binuhat ko ang tray at lumabas ng kwarto. Nagpaluto ako ng maraming hipon sa kanila na kanilang ikinagulat. Sinabihan ko na rin ang isang katulong na damihana ng ube. Umakyat muli ako sa aking kwarto na tinutuluyan ko.
Kinuha ko ang aking cellphone at inaliw ang aking sarili. Napahinto ako sa pag-scroll ng makita ko ang isang pizza. Nanubig ang bagang ko sa picture ng pizza kaya naman agad kong tinawagan ko ang numero na nakalagay.
"Hi, order sana ako ng pizza samahan na rin ng isang tub ng matcha ice crema?"
"Okay, Mam. Anything else?"
"Wala na 'yun lang."
Nang matapos ko ang aming pag-uusap ay binaba ko na ang tawag. Lumabas muli akong kwarto at kinausap si Serio na pababa na kung pwede sana makuha ng aking order sa gate dahil hindi sila pwedeng pumasok mismo sa village.
"Salamat!" Masaya kong sabi at pumasok muling kwarto. Iniisip ko palang ay sobrang excited na ako kainin.
Mga ilang minuto pa ay kumatok sina Mei kasama ang isang kasambahay. Nilapag nila ang pagkain sa kama. Nagpasalamat naman ako sa kanila at nagsimula ng kumain. "Hindi po ba sasakit tyan niyo po dyan?" Nakangiwing tanong ng isang kasambahay. Umiling naman ako sa kanila. Umalis rin sila kalaunan.
Nakakalahati ko na ang hipon ng pumasok si Serio. Bumaba ang tingin nito sa kanyang pagkain. "Tangina." Napakunot ako ng noo kung tama ba ang aking narinig.
"Ayan na ba ang inorder ko?" Turo ko sa kahon ng pizza na hawak-hawak niya. Tumango naman ito at ibinaba ang pizza at isang tub ng ice cream.
"Salamat!" Binuksan ko ang box at kinuha ang isang piraso ng pizza. Binuksan ko din ang matcha sakto naman may kutsara kaya naman kumuha ako ng ice cream at inilagay sa top ng pizza.
Napapikit ako ng kagatin ko ito. "Ang sarap!" Sobrang sarap.
"Gusto mo ba?" Tuwang-tuwa kong tanong kay Serio. Umiling naman ito pero inabot ko parin ang isang pizza na merong ice cream sa ibabaw nito.
"Masarap promise!" Halatang napipilitan si Serio na kuhain ang pizza at kumagat.
"Lakihan mo yung kagat!" Dagdag ko pa kaya naman sinunod niya.
"M-may pupuntahan pa ako." Halos hindi na ito makasalita at umalis na. Nakibit balikat na lamang ako at itinuloy ang pagkain
"Pwede ba tayo mag-usap?" Seryosong saad ni Mama ng papasok na sana ako sa kwarto. Kakababa ko lang dahil nilagay ko sa lababo ang aking pinagkainana. Nakakahiya naman kung iuutos ko pa sa kasambahay.
Tumango lang ako at pumasok kami sa kwarto. Kakapasok pa lang ako ng makatanggap ako ng sampal mula kay Mama.
"Anong ginawa mo kay Cara ha?! Sumasakit ulo niya dahil sa ginawa mo! Ang dami niyang sugat ng dahil sayo!" Napatingin naman ako sa kanya.
"Wala akong ginawang masama, Mama. Siya yung unang nanugod! Tignan mo naman yung ginawa niya sakin!" Turo ko sa mga kalmot na gawa ni Cara.
"At talaga si Cara pa talaga sisihin mo!" Gamit ang hintuturo ay dinuro niya ako.
"Bakit ako sinisisi niyo? Bakit hindi niyo pagsabihan si Cara na tigilan niyang landiin ang asawa ko!"
"Aba putangina mo! ang damot mo na ha?! nakatikim ka lang ng pera nagmamatapang kana, nagdadamot kana! Pagbigyan mo na kaibigan mo!" Napamaaang ako sa sinabi niya.
"Nanay ba talaga kita?! Bakit ganyan kayo mag-isip? Sinong tanga ipapahiram ang asawa niya sa kaibigan niya? Ma, bakit parang ako yung lumalabas na mali dito! Anong nagmamatapang? Nagdadamot? Kailan ba kita pinagdamutan? Bakit sinumbatan ko ba kayo nung gastusin mo yung pera ko nung na tayong nagkita? Hindi naman diba! Malamang magmamatapang ako dahil asawa ko yung nilalandi ng kaibigan ko pero bakit ma pinagtatanggol mo parin si Cara?! Bakit parang mas anak pa turing niyo sa kanya kaysa sa akin?!" Napasigaw na ako sa galit, sa inis na nararamdaman ko sa kanya.
Mukhang nagulat ito sa aking pagsigaw. "Dahil tama siya!----"
"Ma, naman. Kailan ba akong naging tama sa paningin niyo? Mama kita pero bakit ang layo-layo niyo sa akin? Ngayon nalang tayo nagkita pero bakit ganyan pa trato niyo sakin? Ma, wala naman kayong narinig n-nung malaman kong ikaw pala ang kumuha ng mga gamit namin! Wala kang narinig sa akin! Wala! Ang gusto ko lang naman alagaan niyo ako katulad ng pag-aalaga ng mga magulang sa mga anak nila pero bakit sayo parang ang hirap 'nun gawin sa akin?"
"Mahirap ba gawin yun, Ma?"
"Kailangan kong gawin yun para mabayaran ko utang ko! Hindi mo man lang ako tulungan! Napakadamot mo! Hindi ka marunong manghingi sa asawa mo! Buti pa si Cara gumagawa ng paraan! Kahit kailan wala kang silbi! hindi mo ako kayang tulungan." Hindi ko alam kung totoo ba siyang umiiyak sa harap ko.
Tinakpan nito ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay at humagulgol. "P-please, anak. Pahiramin mo naman asaw mo kay Cara, ibabalik din naman niya eh!" Hinawakan nito ang aking pulsuhan.
"A-anong klase kang ina?"
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...