Chapter 15

8.3K 102 5
                                    

"AYOS kana ba, hija?" Tanong ni Ma'am Allian ng makita niya ako sa dining area. Ngumiti naman ako sa ginang upang malaman niya na ayos na ang aking lagay.

Napakaswerte ni Lucifer na may ganito siyang ina. Minsan napapaisip ako na sana may magulang ako upang maranasan ko ang pag aalaga at pagmamahal nila ngunit may mga bagay talagang hindi nakatadhana na ibinigay sa akin ng diyos, may dahilan kung bakit ako iniwan ng aking mga magulang.

Tanging kami lamang ni Lucifer ang kakain sa lamesa dahil anong oras na kammi nagising. Maaga kasi sina Ma'am Alliana kumakain.

"Ayos na po ako, Tita." Malumanay kong sabi sa kanya kahit na isa lamang akong personal maid ng anak niya ay ramdam ko ang pagaalala niya sa akin na para ba isa akong tunay na anak.

Marahan nitong hinawakan ang aking kamay. "Sobra akong nag alala sayo ng malaman ang nangyari." Bakas sa boses nito ang lungkot.

"Mom, we're going to eat." Sabat naman ni Lucifer na nasa aking likuran.

"Oh, i forgot!" Tumabi naman si Ma'am Alliana sa gilid. Mahina ko namang siniko ang binata na nasa aking likuran, kailangan niya ba talagang sabihin 'yun sa nanay niya?

"Ayos lang po."  Nahihiya kong sabi. Kahit kailan talaga itong si Lucifer.

"Mamaya na tayo magusap, hija. kumain muna kayo dyan!" Anang nito at umalis. Napakunot noo ako ng ibang katulong ang naglagay ng pagkain sa lamesa, pinatanggal ba ni Lucifer sina Annie?

Nayukong tumayo naman sila sa gilid ng matapos na silang magserve ng pagkain. "Let's eat." Pagkuha nito ng atensyon. Tumango naman ako at tahimik na kumain.

"Nalaman kong sa kwarto kana ni Dos matutulog."Nahihiya naman akong tumango kay Tita Alliana. Mahina namang natawa ito dahil sa aking ikinilos.

"O-opo, Ayaw ko nga po sana kaso matigas po ulo ni Lucifer." Nandito kami ngayon sa garden ni Tita Allina, tinawag kasi si Lucifer ng kanyang ama.

"Hay, parehas talaga sila ng ama niya. They get wantever they want." Sumang ayon naman sa sinabi nito. Like father like son ika nga nila.

"Nanghihingi ako ng pasensya sa kana sa ginawa ng ibang katulong sayo, hija. Hindi ko alam na magagawa nila iyon. Iba kasi ang pagkakakilala ko sa kanila."

"Ayos lang po 'yun."

"Ano ba ang nangyari? bakit umabot sa puntong iyon?" Tanong nito. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari. Gulat ang rumehistro sa magandang mukha nito.

"So, una palang sinasaktan kana nila?" Nahihiya akong tumango. Malungkot itong tumingin sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit nila sa iyo ito ginawa. Sa pagkakakilala ko sa kanila ay isa silang mabait na bata." Nanatili akong tahimik. Hinawakan ko ang hibla ng aking buhok ng tumama ito sa aking mukha. Nilibot ko ang tingin sa garden. Malakas ang simoy ng hangin dito kaya naman masarap ang tumambay sa ganitong garden.

"Siguro ganun talaga nagagawa ng inggit." Napatingin naman ako kay Ma'am Alliana.

"Ho? Imposible naman po silang mainggit sila sa akin." Nagtataka kong sabi. Napakaimposibel talaga dahil kung pagkukumparahin kami ay mas lamang sila kaysa sa akin.

"Yup, ikaw kuntento kana sa bagay na meron ka pero sila hindi."

"Maraming salamat po, Tita."

"Call me Mama, Luna." Nagulat naman ako sa sinabi nito. Maluha-luha ko siyang tinignan. Matagal ko ng panahon na hinihintay na may tawagin akong mama dahil na rin siguro sa wala akong magulang na laging nasa aking tabi.

"Alam ko na wala kang magulang kaya maari mo akong tawagin mong mama, hindi kana iba sa amin, Luna. Tinuturing na rin kita bilang isang anak."

Hindi ko na mapigilang yakapin siyang mahigpit sa sobrang galak na aking nararamdaman. Hindi ko akalain na sa simpleng trabaho na aking pinasukan ay makakahanap ako ng pamilya.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon