MAS pinili ko na lamang hindi pansinin ang sinabi ni Cara. Pinagpatuloy ko muli ang aking pagpupunas ng lumapit sa akin ang isnag katulong. "May ipapabili pa po ba kayo? para po mailista ko na po kasi ngayong araw po ako mag g-grocery kasi po paubos na ang stocks ng pagkain." Magalang na saad ni Mei. Napatingin naman ako sa papel na binigay nito at kinuha iyon.
"Ah, Mei. Pwede bang ako nalang mag-grocery. Wala naman kasi akong ginagawa dito." Nagulat ito sa aking sinabi at umiling.
"Nako po, Ma'am. Bawal po paniguradong magagalit si Young Master pag nalaman niya na pong pinayagan po namin kayo." Bakas sa boses nito ang takot. Natawa naman ako.
"Hindi 'yan, Pwede naman kayong sumama ni Klev kung gusto mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Namula naman ito ng marinig ang pangalan ni Klev.
"Bili mo ako, Luna ng masasarap na pagkain ah." Sabat ni Cara at kinindatan pa ako nito. Napabuga naman si Mei at tumango.
TAHIMIK na tinitignan ko ang bawat produkto na aking nadaanan. Naghati kami ni Mei ng listahan. Kasama niya ngayon si Klev habang ako ay mag-isa. Una ay ayaw nila dahil mamaya ay may mangyari sa aking masama ngunit sinabi ko na walang mangyayaring masama dahil may sampung bodyguard naman ang nakabantay sa buong grocery store.
Kinuha ko ang isang pagkain na nakade lata at inilagay ko sa aking cart. Pumunta rin ako sa napkin section. Napatingin ako sa taas kung saan nakalagay ang gusto kong napkin pads para sa aking red days.
Nakikita ko ang reviews nito at maraming nagsasabi na maganda daw ito kaya gusto kong subukan
"Bakit ang taas?" Naiinis kong saad. Kahit talunin ko ay hindi ko makuha. Wala naman akong nakikitang staff kaya naman wala akong mahingian ng tulong. Napatingin lang ako sa produkto na 'yun. Nakakainis talaga.
"Hindi mo makukuha 'yan kung titingnan mo lang 'yan." Inis na napalingon ako sa aking gilid. Napaawang ang aking labi dahil si George ay nasa aking harapan.
Nakangiti itong lumapit sa akin. "George." Bulong kong saad. Kinuha nito ang produkto na aking kanina pang kinukuha at inilagay ito sa aking cart.
"Small people problems." He said at napailang. Nang maproseso sa aking utak na nasa harapan ko siya ay niyakap ko ito.
Natawa naman ito at niyakap din ako pabalik. "Buhay ka!" Masaya kong sabi. Napatawa naman ito.
"Kasal kana." Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakarinig ang lungkot sa boses nito. Tumango naman ako. Ako na ang kumalas sa aming pagyayakapan.
"Kamusta kana? Akala ko talaga patay kana." Nalungkot ako ng maalala ko ang nangyari ng gabing iyon.
"Binaril niya ako sa paa ng oras na 'yun tska sa balikat. Hindi nakayanan ng katawan ko that time kaya nahimatay ako." He chuckles.
Sinamahan na ako nito na mag-grocery. Kaunti lang naman kasi ang bibilhin nito kaya naman sinamahan na niya ako.
"Let's drink a coffee?" Pag-aaya nito sa akin.
"George, kasi maraming bodyguard na nakabantay sa labas. Paniguradong yari ako sa asawa ko pag tumakas ako." Tumango-tango naman ito.
"I see." He said.
"May upcoming project ka daw?" Saad ko at inilagay ang isang biscuit sa aking cart.
"Yup, nagstart na kaming mag film. Rest day ko ngayon if you don't mind." Nakangiting tumango naman ako. May nadaanan kaming free f--samples foods kaya naman kumuha kami ni George.
"May sauce ka sa pisngi." Hindi ko alam na makalat pala kumain ang lalaking ito. Hindi pa nito napupunasan ng ako na mismo ang nagpunas.
"Ang kalat mo kumain." Saad ko sa kanya.
"Ang cute niyo naman po." Nakangiting saad ng nagbibigay ng free samples foods. Ningitian ko lang ito at umalis na kami.
Mabuti na lang ng makita ko sina Klev ay may nagpaalam na si George. May tumawag kasi sa kanya at sinabi may emergency nangyari kaya naman umalis ito. Nakahinga naman ako ng maluwag ng saktong lumingon si Klev sa direksiyon ko ay ang pag-alis ni George.
Paniguradong sasabihin kasi nito kay Lucifer na may lumapit sa aking lalaki lalo na kung malama niya na si George. Lagot talaga ako.
SABAY-SABAY na lumabas sina Mace sa loob ng sasakyan ni Tres. Naisipan nilang magkaibigan na bisitahin si Luna dahil sobrang miss na nila ito. Hindi na kasi ito pumapasok maging si Lucifer. Hindi sumabay si Mace sa kotse ni Jacob dahil naiinis siya sa binata.
Sunod namang bumaba sina Jacob, Taylor, Lucas at Vier. Nakasimangot naman si Lucas habang si Vier naman ay nakakunot-noo. Napailang na lamang si Mace.
"Sino kayo?" May isang babae ang nagpahinto sa kanila. Lahat sila ay naguluhan kung sino ba ang babaeng ito dahil hindi naman halata sa kasuotan nito naisa siyang kasambahay.
"Bakit? Sino kaba?" Mataray na saad ni Mace. Sa tindig palang ng babaeng nas harapan nila ay hindi na niya gusto.
"Well, i'm Cara." Ngumiti ang dalaga sa kanila. 'Plastic.' Saad ni Mace sa kanyang isip. Bumaba ang tingin nito sa suot. Napakaikli ng short nito at naka sando pa ito.
"Hi, i'm Rissey. Nasaan si Luna?" Nakangiting saad ni Rissey. Inis na napairap si Mace dahil tanging siya lang ang naiinis kay Cara. Naalala ni Mace nung may kinausap si Luna na isang babae sa mall. Si Cara ata ang tinutukoy na kaibigan nito ng mga oras na iyon.
'Paano naging kaibigan ni Luna ito?'
"Nag-grocery lang saglit." Naiinis na si Mace dahil sa boses nito. Halatang pinapaliit lang ni Cara ang boses niya lalo na't may kasama silang gwapong mga lalaki.
"Single kaba, Cara?" Tanong ni Taylor. Umupo silang lahat sila sa sofa.
"Oo, bakit gusto mo ba?" Mahinhin na tanong ni Cara. Matalim niyang tinignan si Cara ng magkatinginan sila.
"Tinatanong lang kita pero hindi kita type." Patagong napangisi si Mace sa sinabi ni Taylor. Bahagya kasing napahiya si Cara sa sinabi ng binata.
"Oo nga naman, Cara. Hindi kasi pumapatol ang kaibigan ko sa cheap girls." Maarteng saad ni Mace. Inakbayan niya pa si Taylor.
Parehas silang napangisi ng binata ng magkatinginan sila. Mukhang naiinis rin ito sa presensya ng dalaga. Pilit na ningitian lang sila nito pero bakas sa mukha nito ang inis. "Anong gusto niyong inumin?"
"Juice." Si Vier na ang sumagot. Tumango naman ang dalaga at umalis saglit.
"Naiinis ako sa kanya." Bulong ni Mace kay Taylor. Pagkapasok na pagkapasok palang ay ramdam na niya ang masamang demonyo na nasa loob ng bahay nila Luna.
"I know, babe. Chill ka lang." Natatawang saad ni Taylor. Inirapan naman niya ito kaya napabaling ang tingin niya kay Jacob na masama ang tingin sa kanya.
"Hello, everybody!" Sigaw ni Sophia na kakarating lang. As usual nakasunod sa kanya ang bodyguard nito na si Amigo.
Umupo naman si Sophia sa single sofa. "Where's Luna, I miss her." Madamdaming saad ni Sophia. Napalingon sila ang dalaga ng pumasok si Cara na may dala-dalang tray na naglalaman ng juice at pagkain.
"Who the hell are ya? Bakit ganyan ang suot mo? Miss. Maid?" Mataray na sita ni Sophia kay Cara.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...