NAG TIE ang score nila kaya naman walang inanunsyo kung sino nga ba ang panalo. Mas lalo kasing uminit ang tensyon ng bawat team sa hindi makadahilanang rason. Minsan pa ay nakikita kong pasimpleng naniniko si Lucifer. Hindi naman siya sinusuway ng referee na mas lalo kong ikinataka.Kita ko nga ang pag iling ni Mace ngunit wala naman itong sinasabi sa akin. Paniguradong nakikita niya rin ang maling ginagawa ni Lucifer.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makauwi kami sa condo. Ilang araw pa lang kaming mag-asawa ay bumukod na kami kahit hindi ako pumayag. Gusto kasi ng binata upang magkaroon kami ng privacy.
Nalungkot pa ang ginang ng malaman ito dahil pwede naman daw doon muna kami sa mansion ngunit hindi pumayag ang binata. Mas maganda daw na hangga't maaga pa daw ay bumukod na para matuto kami lalo na't mag asawa na kami.
Nag away rin kami tungkol sa pagbukod namin ngunit hindi siya lang din ang nasunod. Hindi parin ako sanay na tanging kaming dalawa nalang ni Lucifer dito sa bahay. Mas masaya parin kasi sa mansion.
Pagod na napaupo ako sa kama namin ng makapasok kami sa kwarto. Mabigat ang aking katawan na nagtungo ako sa walk in closet upang magpalit ng damit bago matulog.
Maaga pa naman kaya may oras pa ako para matulog. Kumuha ako ng t-shirt ni Lucifer at sinuot ito. Mas komportable na kasi ako suotin ang damit ng binata dahil malaki ito.
Halos lahat ng damit ko ay si Lucifer ang bumili. Pinagtatapon niya ang ilang damit ko na sa tingin niya ay revealing clothes.
Napaungol ako ng makahiga sa kama. Nakakapagod ang araw na ito. Hindi ko pinansin si Lucifer na kakapasok pa lang sa kwarto. Ipinikit ko na lamang ang aking mata at hinayaan na tangayin ako ng antok.
NAALIMPUNGATAN ako ng may maramdaman akong mabigat na nakapatong sa akin. Nang tingnan ko iyong si Lucifer lang pala na nakayakap sa akin. Hindi niya ba napansin na sobrang laki niyang tao tapos yayakap sa maliit kong katawan? ang bigat bigat niya kaya.
Napaunat ako ng aking katawan ng makatayo ako. Nagtungo ako sa kusina upang magluto ng kakainin namin ngayon gabi. It's 7:00 pm kaya sakto lang ang gising ko.
Sakto kumpleto naman ang ingredients kaya naman ay napagpasyahan kong magluto ng sinigang. Hinanda ko na lahat ang mga kakailangan bago magsimula.
Bigla tuloy namiss sina Mama. Mas maganda kasi kung doon muna kami nagstay para naman may makausap ako bukod kay Lucifer. Unting-unti ko na ring nakikilala si Lucifer. Gusto niya palagi siyang sinusunod sa gusto niya na isa sa kinaiinisan ko sa kanya, mainipin at sobrang ikli ng pasensya kaya kahit maliit na bagay pinag aawayan namin.
Kung minsan pa nga ay]aksidente kong nakita ang isang baril sa drawer na malapit sa aming kama. Sobra akong natakot ng makita ko iyon, naalala ko na naman ang nangyari kay George hanggang ngayon parin kasi ay wala paring balita tungkol sa kanya.
Sabi ni Lucifer ay for protection purposes daw ngunit hindi ako naniniwala. Simula ng bumukod kami ay maraming bawal na dapat kong sundin. Bawat makipag usap sa lalaki, bawal makipag landian sa lalaki at higit sa lahat ay dapat sabihin ko sa kanya kung saan ako pupunta.
Sobrang nakakasakal dahil mas lalo siyang humigpit sa akin. Kahit sa maliit na bagay ay nagtatalo kami.
"What are you doing?" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Niyakap ako ni Lucifer sa aking likuran.
"Si-sinigang." Nauutal kong sabi. Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa biglaang pagyakap niya sakin.
Bahagya itong natawa at dinampian ng halik ang aking balikat. Nagtungo ito sa ref at kumuha ng pitsel. Sinalin niya ito sa baso at uminom. Hindi man siyang nag abalang magdamit dahil tanging boxer short lang ang suot nito.
"Simula bukas hindi kana sasali sa volleyball." Napatigil naman ako sa aking ginagawa at binalingan siya.
"Ano?" Hindi ko alam kung anong sumapi sa lalaking ito.
"Binabawi ko na sinabi ko." Maikli niyang sabi. Napahawak naman ako sa aking noo dahil nag sisimula na akong mainis sa kanya.
"Hindi pwede lalo na't nagstart na yung game, magagalit pa si Coach Sandra pag nalaman niya!" Kinuha ko ang ilang ingredients at inilagay ito sa kaserola.
"Ako na kakausap kay Sandra about this." Ani niya at nilapag sa counter ang basong pinaginuman niya. Inis na tinignan ko siya.
Talagang pag gusto niya dapat masunod?
"Ano bang problema mo, Lucifer? pumayag kana nung una tapos babawiin mo ngayon! hindi naman sa lahat ng oras kokontrolin mo ang gusto ko! Nakakasakal na yang ginagawa mo!"
He clenched his jaw tila nainis sa pagsagot ko sa kanya.
Madilim ang mukha niyang lumapit sa akin. "Because i'm you fucking husband! susundin mo lahat ng gusto ko. I will not let you to expose your goddamn legs pero mukhang gusto mo naman 'yun! Do you think hindi ko nakita yang pasimpleng paglandi mo sa kabilang team!" Napasandal ako sa counter dahil sa paglapit nito.
Napakunot akong noo. Ano bang sinasabi niyang pasimpleng lumalandi ako? Oo, nakatingin ako sa kabilang team pero hindi naman ibig sabihin nun lumalandi na ako!
"Nasisiraan kana ba ng utak, Lucifer! nakatingin lang ako pero hindi ako lumalandi!" Matigas kong sabi. Pilit kong nilalabanan ang takot na makipagsagutan kay Lucifer. Kinilabutan ako ng hawakan niya ang aking leeg.
He scoffed. " Try to cheat, Luna. I'm gonna fucking kill you both." Malamig niyang sabi at iniwan akong nakatigalgal sa kusina.
Magkasalubong ang aking kilay na umupo sa sofa. Lahat nalang ng bagay pinapalaki niya. Simpleng tingin lang kung ano ano na pinagiisip. Wala kaming imikan hanggang sa matapos kaming kumain.
Upang mawala ang inis ko kahit pa paano ay binuksan ko ang t.v sakto naman na patapos na rin ang balita. Nagulat na lamang ako ng makita kong si George ang iniinterview. Buhay siya?!
"So, Mr. Lim are you looking forward to many project ngayon tapos na ang vacation mo?" Bahagyang napatawa ang binata.
"Yes, Pia. Actually may napirmahan na akong contract for this big project. I'm sure everyone will love that so stay tuned guys!" Malaking ngiti ni George.
Nakahinga naman ako ng maluwag na malamang ayos na ang kalagayan ni George. Ang buong akala ko talaga ay patay na siya.
Mabilis na natapos ang balitang iyon kaya naman pinatay ko na ito at tumayo upang pumuntang kwarto. Gusto ko na kasing magpahinga. Sakto namang nakatayo si Lucifer sa 'di kalayuan.
"What? mukhang nakahinga kana ng maluwag kasi nalamang buhay pa ang lalaki mo?" Nakakrus ang braso nito dahilan upang kitang kita ang maganda nitong braso.
"Should i kill him?" Dagdag niya pa.
"Subukan mo tska pwede ba hindi ko lalaki si George. He's my friend, Lucifer!"
"Friend pero crush." Sarkastimong saad niya. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ano bang problema nito?
"Alam mong hindi na kitang maintindihan!" Nakailang hakbang pa lang ako ng magsalita siyang muli.
"Tangina, bakit ba kasi lapitin ka ng lalaki?!" Biglang sigaw niya
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...