Chapter 61

5.8K 65 12
                                    

best recommend na pakinggan niyo yung 'bawat piyesa'


--

ANONG ORAS naman na kaya sinisigurado ni Dos na wala tulog na ang mga tao. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto na tinutuluyan ni Luna. Napaiyak siya dahil sa makita niya ang asawa niya na mapayapang natutulog. Gusto niya itong yakapin at halikan ngunit bawal.

Hindi niya alam kung kailan niya makakausap, mahahagkan ang asawa niya ngunit maghihintay siya hanggang sa maging maayos na ang asawa niya.

Lalo siyang napaiyak dahil sa iniisip niya kung sakaling buhay at nakita ng magiging anak nila ang mundo. Iniisip nito na may batang maghihintay sa kanya kada uwi niya galing trabaho ngunit hindi.

Napatigilan siya ng makita niya ang asawa niya na tila binabangungot. "T-tama na! H-huwag, tama na!" Agad na lumapit si Dos dahil sa pag-aalala niya sa asawa niya.

"Wake up, Wife!" Hinawakan ni Dos ang balikat ng kanyang asawa at pilit itong ginigising.

"N-no! huwag?!" Sobrang sakit sa pakiramdam ng makita ni Dos ang ganitong senaryo ng kanyang asawa. Sobrang hirap ng dinanas ng kanyang asawa.

Sa wakas ay nagising ito at nagulat ito ng makita ni siy Dos. Nanginginig ang buong katawan ni Luna na tinulak si Dos. "H-huwag, pakiusap! t-tama na!" Sigaw ni Luna sa kanya. Napapasong napalayo si Dos dahil sa ramdam niya ang takot ng kanyang asawa.

"Calm down, Wife!! I'm here!" Napasabunot si Dos ng sumiksik si Luna sa gilid. Napatingin siya sa pintuan na bahagyang nakaawang ang pinto. Agad niya itong sinara. Pilit niya itong pinapakalma ngunit sumisigaw ito.

"T-tulungan niyo ako! T-tama na parang awa niyo na!" Sigaw ni Luna. Hindi niya mahawakan ito dahil natatakot ito kay Dos. Wala pang ilang minuto ay pumasok sina Alliana at Sin.

"Anong ginagawa mo dito, Dos?!" Agad naman nilapitan ni Alliana si Luna at niyakap ito. Ramdam ng ginang ang panginginig nito dahil sa takot.

"Sin, palabasin mo ang anak mo!" Sigaw ni Alliana sa kanyang asawa. Masama ang tingin ni Sin sa anak nito at lumabas silang dalawa sa kwarto.

Pinakalma ni Alliana si Luna. Nalaman ni Alliana na niluluwa ni Luna ang mga gamot na binibigay ni Alliana sa kanya kaya naman ganun ang naging reaksyon niya. Napabuntong hininga si Alliana at kumuha ulit ng panibagong gamot at pinainom sa dalaga. Harap-harapan niya mismong tinignan at siniguradong nalunok ni Luna ang gamot upang kumalma ang isip nito at mabilis makatulog.

Napagdesisyunan ni Cara na tabihan muna si Luna sa pagtulog. Sinabi niya muna sa dalaga na lalabas muna siya upang makapagpaalam kay Sin. "Hindi kaba nag-iisp, Dos?! Pinapalala mo lang ang trauma niya!" Galit na sigaw ni Alliana.

"I-i just want to help her. Nakita ko siya na sumisigaw k-kaya napalapit ako sa kanya!"

"Help her? Hindi nakakatulong ang ginawa mo! Kung makita mo sana siya ay dapat tinawag mo si Sophia o 'di kaya ako! Yes, simula ng mailabas siya sa hospital ganyan na siya! Sumisigaw dahil sa traumatic experience na nangyayari sa kanya. That experience haunts her!" Pilit na nilalayo ni Sin ang asawa niya sa anak niya.

Napayuko si Dos dahil sa sinabi ng kanyang ina. "Let's go, Cara Mia. gabi na let's sleep."

"Tatabihan ko muna si Luna matulog ngayong gabi." Saad ng kanyang ina at pumasok sa kwarto ng kanyang asawa. Hindi na siya binalingan ng tingin ng kanyang ama at tahimik lang itong bumalik sa kwarto nilang mag-asawa.







"Pinatay ba ni Lucifer sina Mama?" Tulalang saad na ni Luna. Napatingin si Alliana sa kanya at hindi umimik. Takot siyang sagutin ang tanong ng dalaga dahil iyon ang huling nabalitaan ni Alliana.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon