Chapter 29

5.9K 78 1
                                    

"GIRL ,ang tagal mo naman mag cr." Ani ni Mace nang makabalik ako. Namula ako ng maalala ko ang nangyari sa cr. Wala na talagang pinalalagpas nag lalaking iyon. Sana lang ay walang nakarinig sa amin.

"A-ah, bigla kasing nasira ang tyan ko." Pagsisinungaling ko. Tumawa lang ang dalaga at itinuon sa mga cheerleader na ngayon ay sumasayaw.

"Ayos lang, akala ko start na 'yun pala mag p-perform na ang mga sila Nia."Tukoy niya kay Nia na isa sa kasali sa cheerleader. Patapos na sina Nia sa kanilang stunt na kanilang ginagawa. Todo bigay naman ang mga ito.

Nang matapos sila ay sumunod naman ang kabilang school na cheerleader. Napatingin ako sa direksiyon nina Lucifer na ngayon na nakatingin sa akin. Ningisian lang ako nito na aking ikinaiwas.

Bawat estudyante ng dalawang school ay todo sa pagbigay ng kanilang suporta sa kanilang school. Yung iba ay may patambol-tambol pa.

"GO UNI V GO GO GO!!" Sigaw ng mga kaschoolmates namin. 'V' short for Creviore na ngalan ng aming school.

"GO QUERIO! GO! GO!" Sigaw naman ng kabilang school. Nang matapos na ay sinimulan na ang laro. Unang maglalaro ay ang volleyball sunod naman ang basketball.

Sa ibang room naman ang ilang mga games. Inanounce na ng emcee ang aming mga pangalan at kung anong numero namin.

Napatingin ako sa cycling na suot suot ko. Hindi ako sanay mag ganito pero ito kasi ang dapat suotin sa volleyball. Sa totoo lang hindi naman ako ganun katangkad para isali dito sa volleyball. Usually kasi pinipili nila yung matatangkad.

"Chill ka lang, Slyveria."Bulong niya sakin. Napanguso naman ako. Hindi ko pinapansin ang mga tingin at sinasabi ng iba.

Nakipag kamay muna sa aming makakalaban bago simulan ang laro. Si Sophia muna ang nagserve. Bahagya akong tumuwad upang buwelo kung sakali mang sa pwesto ko tatama ang bola.

Agad naman iyon na kuha ng isa sa kalaban at ipinasa ito sa amin. "Mine!" Sigaw ko dahil sa pwesto ko ito tatama at upang walang agawang mangyayari.

Pinalo ko naman ang bola ng saktuhan. Mukhang nakuha na ni Mace ang estratehiya na gagawin ko kaya naman. Sinet niya ito sa akin at malakas akong nagpakawala ng spike.

Nakuha naman ito ng kalaban at senerve ito sa akin. Nasa net si Zile ng sinet niya ito ngunit nablock ito ng kalaban. Mabuti na lamang ay napalo ito ni Mace dahilan upang mapasubsob siya. Agad sinet ni Sophia ang bola ng makabwelo at malakas ko itong pinalo.

Nakakuha kami ng puntos dahil dun "Puntos kay Miss Ganda!" Ani ng emcee.

"Spiker." Natatawang saad ni Mace sa akin. Lalong lumakas ang sigawan ng mga taga Creviore. Ako na ang nag serve. Akala ko ay hindi aabot ang bola sa kalaban dahil walang nakakuha.

"Isang puntos uli kay Miss Ganda!" Napakunot noo naman ako. Nakapuntos ako?

Natatawang tinignan naman ako ni Mace. Napakamot pisngi naman ako at nag serve muli. Mukhang nagalit ang kabilang team base sa kilos nila at nagpapakalawa rin ng spike. Nakapuntos sila. Ilang oras ang lumipas ay nanalo ang team namin. Isang puntos lang ang pagitan.

Pagod na umupo kami sa bench. Pinunasan ko ang aking pawis na tumutulo at uminom na rin ng tubig. Tumabi naman si Lucifer at hinapit ang aking beywang. "Fuck them." Napakunot noo naman ako dahil galit ang mukha nito.

"Bakit?" Hindi niya lang akong pinansin. Inanunsyo ng emcee na basketball na ang susunod in any minute kaya naman nagtungo na sina Jacob sa gitna ng court.

"Where's my goodluck kiss?" Nakakunot noo parin ang kilay nito. Ano bang problema nito sa buhay?

"Wala." Inirapan lang ako nito at hindi parin tumatayo kahit tinatawag na siya. "Goodluck kiss daw kasi." Nakangising ani ni Mace.

His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon