NAPAYUKO lamang ako sa kanya sinabi. Kahit kailan talaga. Nilagay niya sa kama ang tray. Nakakahiya dahil bakat na bakat ang aking dibdib sa t shirt na suot-suot ko dahil sinira niya ang aking bra."Bakit pang isahang tao lang itong kubyertos?" Nakibit balikat lamang ito.
Sinimulan na naming kumain. Paminsan minsan ay sinusubuan ko ito."What can you say about your first day?" Uminom ako ng tubig.
"Hmm, okay lang naman. Masaya naman kahit may nangyaring kaguluhan. Lalo na't may mga kaibigan na ako!" Naalala ko sina Rissey at Mace lalo na nung sinabi nila na kaibigan nila ako.
"Friends?" Tumango ako at sinubuan siya.
"Nakwento ko na sayo ito diba? Pero sige na nga." Binitawan ko ang kubyertos.
"May isang kaibigan ako si Cara. Nung nag aaral ako at nagtratrabaho ay sa apartment niya ako tumutuloy. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya." Naalala ko tuloy yung kulitan moments namin.
"Hanggang isang araw, wala si Cara at yung nung oras na iyon ay dumating ang boyfriend nito. Matagal na daw siyang may gusto sakin. Ginagamit niya lang si Cara para mapalapit sakin. Nagalit ako sa kanya at sasabihin ko kay Cara ang lahat."
"Nang pwersahan niya akong dinala sa kwarto ni Cara at hinalikan ako. Pumipiglas ako nun kaso mas malakas siya sakin. Bumaba ang halik niya hanggang leeg." Binuka ko ang bibig ko. Siya naman ngayon ang nagsusubo sakin.
"Yung yung oras na dumating si Cara. Laking pasasalamat ko pa nga nun dahil dumating siya ngunit laking gulat ko ng sampalin niya ako."
"Tapos si Mark naman ay sinabi na nilalandi ko raw siya. Kaya laking nagalit sakin si Cara at pinalayas ako." Kamusta na kaya siya?
"Seryoso mo naman." Bahagya kong sinundot ang balikat nito.
"Her full name and her boyfriend full name." Malamig niyang sabi.
"Ah, Cara Cruz at Mark Kristo." Tumango tango lang ito.
"Bakit?" Umiling lang ito.
"Nothing."
"Lucifer, salamat pala. Nako, anong oras na pala!" 12:20 am na. Wala na akong maitutulog nito! Kinuha ko ang tray at akmang aalis ng hindi ito pumayag.
"No." Mariin itong saad. nagtataka ko siyang tinignan.
"Luna Gail, who is your fucking boss?" Ito na naman tayo. Pumasok sa aking isipan ang ibig sabihin nito. Wala na akong choice kung hindi manatili dito. Napakamot ako sa aking leeg. Lagkit na lagkit na ako.
"Uhm, pwedeng makiligo?" Kinapalan ko na ang mukha ko.
"Go." As usual. Malaki at maganda ang cr nito. Amoy ni Lucifer pagkapasok na pagkapasok palang. Ginawa ko na ang mga dapat gawin. Gusto ko pa sana magbabad lalo na't may bath tub kaso nga lang baka magkasakit ako kinabukasan.
Nang matapos ako ay kinuha ko ang katabing bath robe ni Lucifer. Dalawa kasi ito. Medyo malaki pero okay na. Laking gulat ko ng pumasok si Lucifer.
"A-anong ginagawa mo dito?!" Pinasadahan ako nito ng tingin. Lumapit ito sa malaking salamin. Kinuha ang toothbrush. Nakataas kilay ako nitong binalingan. Napanguso na lamang ako.
"Use this." Saad nito sabay abot ng toothbrush. Hindi pa ito gamit. Sabay kaming nagtoothbrush ni Lucifer. Napatingin lang ako sa salamin. Ang tangkad niya. Hanggang dibdib lang ako nito.
Walang imikan kami hanggang sa matapos. Nang matapos ay lumabas na ako. May kinuha si Lucifer at binigay sakinIsang t-shirt na black at isang boxer.
"S-salamat!" Pumasok ako sa cr at sinuot ito. Hanggang tuhod ko ang T-shirt ni Lucifer.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceYou're mine, Gail. No one can own you, except me." Si Luna Gail Sanchez ay isang mahirap na tao lamang. Pinalayas siya sa kanyang apartment at nawalan ng trabaho. Hanggang isang araw ay may swerteng dumating sa kanya at yun ay maging katulong ngunit...